08:08

22 3 0
                                    

08:08

Kinabukasan ng mag hahapon ay kinatok ako ni nanang sa kwarto ko. "Gusto mo bang sumama, anak?" Tanong nito.

"Saan po?" Tanong ko naman.

"Sa grocery anak." Tumango na lang ako.

"Bibihis po muna ako." Sabi ko.

"Hihintayin kita sa sala." Sabi naman ni nanang. At nag bihis na ako.

Medyo malayo ang grocery sa amin, kaya nag taxi kami ni nanang. Palagi naman nag tataxi si nanang pag nag pupuntang grocery.

Pagkababa ay ibinigay na ni nanang ang bayad. "Sara?" Tawag ni nanang.

"Po?" Tanong ko naman.

"Ayun ang national bookstore oh." At itinuro ang NBS, tatawid pa bago makapunta doon.

"May iuutos po ba kayo doon?" Tanong ko. Inabutan ako ni nanang ng pera.

"Matagal ka ng di nag pipinta, bakit hindi ka muna bumili ng bago mong kagamitan sa pag pipinta?" Tanong nya. Umiling naman ako.

"Wag na nang." Sabi ko kay nanang.

"Dali na anak. Kita na lang uli tayo dito." Pag pupumilit ni nanang.

Tumango na lang ako ng wala sa oras at nag tungo na nga ng NBS. Nag ikot ikot lang ako dito, at kinukuha na din ang mga kagamitan para sa pag pi-paint. Matapos kong bayaran ito ay lumabas na ako. Pag balik ko kung saan kami nag hiwalay ni nanang, ay wala pa din sya.

Alam kong matatagalan yon si nang, dahil may extrang pera pa naman ako ay pumasok ako sa may coffee shop na malapit din dito.

Matapos kong bumili ng kape ay nanatili muna ako dito. Dinama ko ang tahimik na presensya ng shop na ito. Pati na din itong masarap at malamig na kapeng iniinom ko.

"I'm really sorry for everything..." medyo inilingon ko ang ulo ko sa may likod ko.

Pareho kaming naka-talikod ng lalaking ito sa isa't isa. Naka-tapat sa tenga nya ang phone nya, at mukhang may kausap.

"I still love you." Na payuko ako ng marinig ko iyon.

"Please come back." Sabi nya. Ilang sandali pa ay wala na akong narinig pa. Maliban sa malalim nyang pag hinga.

"You're always be my 11:11 wish... iloveyou." Muli akong na palingon sa kanya ng sabihin nya ito.

Pati ba naman dito, maririnig ko ang 11:11 na 'yan? Kinuha ko na lang ang kape at pinili ko na lang na lumabas na. At hintayin doon sa nanang.

Ng maka-uwi kami ni nanang, muli na naman akong nag kulong sa kwarto ko. Nag pahinga lang ako saglit at tinignan ang mga pinamili kong kagamitan sa pag pipinta.

Inihanda ko na ito para sana mag pinta ngayon, kaso wala ako sa katinuan. Parang hindi ko na alam kung paano muling mag pinta. Ilang oras na ang lumipas ay naka-titig lang ako sa paint brush na hawak ko.

"Ate?" Dahan dahan akong lumingon sa may pinto.

"Kakain na." Sabi nya. Huminga ako ng malalim at inilapag na lang ang paint brush.

Sabay na kaming nag punta sa lamesa, at nag simula ng kumain. Matapos naming kumain ay ako na ang nag ligpit at nag hugas ng mga kinainan namin.

Sinamahan kong manood itong si Susy sa may sala ng paborito nyang movies. Paulit ulit nya na lang itong ginagawa. Matapos ang ilang oras ay nag punta akong kusina para kumuha ng maiinom ko.

Pagkabalik ko ng sala ay na patingin ako sa orasan. 11:11 pm na. "Hoy susy!" Tawag ko kay Susy.

"Ano?" Tanong nya ng di ako nililingon.

"Wag na wag kong maririnig na hihiling ka sa 11:11 na yan a!" Sabi ko sa kanya. Nakita ko naman na tumingin sya sa orasan.

"11:11, sana magkaroon na uli ng new movie sila Iron man." Sabi nya kaagad.

"Sabi ng wag ka hihiling eh!" Medyo inis na sabi ko sa kanya.

"Bakit ba?" Irita nyang sabi.

"Sinasagot sagot mo na ako?" Sabi ko naman.

"Ikaw kasi! Para kang ewan! Hihiling lang sa 11:11 na papraning ka na!" Sabi naman nya.

"Ano bang nangyayari at ang iingay nyo?" Biglang dumating si nanang sa tabi namin.

"Kapag sinabi kong wa--"

"11:11, sana maniwala na si ate sayo!!" Pag puputol nya kaagad sa akin.

"Hindi ka ba marunong umintindi!?" Medyo pasigaw na sabi ko sa kanya.

"Sara!" Saway ni nanang sa akin.

Tinitigan ko si Susy ng masama at padabog na nag tungo sa kwarto ko. Isinarado ko ito ng malakas at ni-lock.

Si 11:11 (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon