10:10

17 3 0
                                    

10:10

Kinabukasan ay binuhos ko ang buong araw ko sa pag pipinta. Ireregalo ko ito kay Jake, 4th anniversary na namin bukas.

Gusto ko pa din mag celebrate ng anniversary namin kahit ganoon na comatose sya.

Halos nag palipas na akong kumain matapos lang ito. Habang ginagawa ko nga ito ay umiiyak pa din ako. Ng matapos ay na pangiti ako kasabay ng pag patak muli ng luha ko.

Ipininta ko ang pangarap ni Jake na pamilya namin. Doseng anak, pati kaming dalawa.

"Sana makita mo ito..." mahinang sabi ko habang pinagmamasdan ko ang painting na ginawa ko.

Ilang oras pa ay nag hugas na ako ng kamay. Pumunta akong kusina at nag hanap ng makakain ko, gabing gabi na pala. At mukhang tulog na sila nanang.

Matapos kong kumain at iligpit ito ay bumalik na ako ng kwarto ko. Muli akong na ligo at nag bihis ng pantulog. Muli kong pinagmasdan ang painting. Matapos ay nahiga na.

"Ate..." sabi ni Susy matapos kumatok hinayaan ko syang buksan ang pinto at pumasok.

Umupo ako sa kama ko, at ganoon din sya. "Pwede po ba akong tumabi sayo?" Tanong nya. Nginitian ko naman sya.

"Oo naman." Sabi ko sa kanya. Humiga na kaming dalawa.

"Ate..." tawag nya.

"Hmm?" Tanong ko.

"Sorry." Na patingin naman ako sa kanya.

"Para saan?"

"Sa mga na sabi ko nung isang gabi. Lahat ng sinabi ko non, Sorry talaga ate." Sabi nya. At agad akong niyakap.

"Okay lang yon." Sabi ko at sinuklay ang buhok nya gamit ang kamay ko.

"Sorry din kung na sigawan kita." Dagdag kong muli. Bigla naman syang na upo muli sa kama ko, kaya ginawa ko din iyon.

"Kasi ate... alam ko hirap na hirap ka na. Pagod ka na kahit di mo sabihin, nakikita ko sa mga mata mo." Sabi nya habang namumuo na ang mga luha nya.

"Susy... malakas si ate. Kaya ko to, ano ka ba. Di ako mapapagod sa pag-aalaga kay Kuya Jake mo. Dahil mahal na mahal ko yon." Sagot ko sa kanya.

"Ate, alam ko nawawalan ka na ng pag-asa. Gusto kong maniwala ka sa 11:11, kasi gusto ko magkaroon ka ng pag-asa. Na wag sumuko! Alam ko ate malakas ka..." Huminto sya saglit dahil sa pag patak ng luha nya.

"Pero ate lahat ng malalakas... may kahinaan din." Dagdag nya.

Agad ko syang niyakap kasabay ng pag patak ng luha ko. Oo, totoo! Halos na iisip ko ng sumuko. Dahil nawawalan na ako ng pag-asa. Pero palagi kong pinapaalalahanan ang sarili ko na mahal na mahal ko si Jake!

"Kahit mang-hina si ate, di ko pa din susukuan ang kuya Jake mo." Sabi ko sa kanya.

Matapos ng iyakan namin ni Susy ay naka-tulog na kami. Maaga akong na gising, matapos naming mag almusal ay umalis ako para bumili ng cake. At iba pang pagkain.

Nag taxi ako pa-uwi, kinuha ko yung painting at muli ng sumakay papuntang hospital.

"Magandang tanghali po!" Bati ni kuyang guard.

"Tulungan ko na po kayo." Sabi nya, hinayaan kong kunin nya ang paiting at pumasok na sa loob.

"Anong meron?" Tanong ni Janna matapos nya akong yakapin.

"4th anniversary!" Masayang sabi ko.

"Wow! Happy anniversary!" Bati nya, kinuha na nya kay kuyang guard ang painting.

Nag thank you ako, tapos pumasok na kami sa loob ng kwarto. Halos gusto ko ng tumakbo at yakapin si Jake dahil ngayon ko lang uli sya na bisita. Inilagay na lang ni Janna sa gilid yung painting at iniwan na kami.

Inilagay ko sa table ang mga dala kong pagkain at lumapit kay Jake.

"Hi mahal!" Sabi ko at hinalikan sya sa pisngi.

"Sorry mahal ngayon lang ako na kabisita a. Eh kasi... kinailangan ko ding mag pahinga." Sabi ko sa kanya.

"Nga pala, mahal may gift ako sayo!" Sabi ko, at kinuha ang painting. Ipinakita ko sa kanya ang painting.

"Happy 4th anniversary mahal ko!" Sabi ko habang hawak pa din ang painting.

"Sana nagustuhan mo." Dagdag ko. Muli kong iginilid ang painting at ini-handa ang mga pagkain.

"Sorry mahal kung gumastos ako a. Alam kong na gagalet ka kapag masyado akong gumagastos. Hayaan mo na! Anniversary naman natin eh." Sabi ko habang inihahanda ang mga pagkain.

Si 11:11 (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon