04:04

25 3 2
                                    

04:04

"Good morning." Bati ko kay Janna pag balik ko kinabukasan. Iniabot ko sa kanya ang isa ko pang dalang kape.

"Salamat." Sabi nya, at lumabas na sya ng kwarto.

"Good morning mahal ko!" Masayang bati ko at inilapag sa lamesa ang kape ko.

"Wala sila tita ngayon, binisita ang lola mo sa cebu. Kaya ako uli kasama mo." Sabi ko sa kanya. At niyakap sya. Kumalas agad ako ng namumuo na naman ang kalungkutan ko.

"Hmm.. mahal ang baho mo na!" Pag bibiro ko.

"Ako ang mag pupunas sayo ngayon." Patuloy ko.

Ng maibigay na sa akin ni Janna ang mga gagamitin ko ay pinunasan ko na si Jake. "Mahal, pumapayat ka na." Sabi ko habang pinupunasan ang braso nya.

"Kailangan mo na talagang gumising. Para dalawa na tayong mag gi-gym." Dagdag ko na ikinangiti ko pa.

Matapos ko syang punasan at bihisan ay na upo na ako sa upuan katabi nya.

"Sara..." na palingon ako sa may pinto.

"Oh Janna?" Tanong ko.

"Andito sila Luke." Sagot nya,

"Ganon ba? Osige. Papasukin mo na." Sabi ko. Tumango naman sya at siniradong muli ang pinto.

Tumayo ako kasabay ng pag bukas ng pinto. "Sara..." sabi ni Pia, girlfriend ni Kyle na tropa din ni Jake.

Niyakap nya ako at ganoon din ako. "Na coma lang si Jake, nag paka-losyang ka na." Sabi nya at iginilid sa may likod ng tenga ko ang mga takas kong buhok.

"Wala eh, lahat ng oras ko ay nilaan ko sa kanya." Sabi ko na lang. Nginitian nya na lang ako.

Tinanguan at nginitian naman ako nila Luke, Kyle, Norman, at Jerome. "Kamusta sya?" Tanong ni Luke.

"Ganon pa din ang lagay nya." Sagot ko, nag lakad na sila papalapit kay Jake.

"Hoy brad! Gising na! Sleeping beauty ka na dyan!" Pag bibiro ni Norman. Na pangiti naman ako doon.

"Eh ikaw? Kamusta?" Tanong naman ni Jerome.

"Okay lang ako." Sagot ko. Inakbayan naman sya ni Kyle.

"Boyfriend dude, oh." Turo ni Kyle kay Jake. Kaya natawa na lamang kami.

"Pag selosin ng bumangon!" Natatawa namang sabi ni Luke. Sobra kasing maseloso itong si Jake.

"Teka, kumain na ba kayo?" Tanong ko sa kanila.

"Di pa nga eh." Sagot ni Kyle. Nag sabi na ako na bibili ako ng makakain nila, at sinamahan ako ni Pia pati ni Jerome.

Umorder lang kami sa may Mcdo na malapit lang din dito sa hospital. "Kamusta ka?" Tanong sa akin ni Pia habang si Jerome na ang nag oorder.

"Okay lang naman ako." Sabi ko sa kanya. Na bigla ako ng yakapin nya ako, naramdaman ko ang paghimas nya sa likod ko.

"Pakatatag ka lang a." Sabi nya at kumalas na sa yakap. Nginitian ko na lang sya bilang sagot.

Ilang taon na din silang may relasyon ni Kyle. At sobrang bait nila. Nag papasalamat ako kasi may ganitong tunay na kaibigan si Jake.

Ng makabalik ay nag salo salo kami sa harap ni Jake. Nag ingay lang sila ng nag ingay. Ni-hindi na namin namalayan ang oras. Salamat sa kanila dahil pinapatawa nila ako, kahit ngayon lang.

"5, 4, 3, 2, 1!" Na palingon ako kay Norman dahil sa pag bibilang nya.

"11:11, sana magising na si Jake para malibre ako!" Sabi nito kaagad.

"11:11, sana mapanood na ni Jake yung p0rn video sa phone ko na sinave ko talaga para sa kanya!" Agad namang sunod-sunod na naka-tanggap ng batok si Luke.

"Corny mo brad!" Pang-aasar ni Kyle.

"11:11, sana gumising na si Jake at ilibre tayo sa magagandang Isla!" Sabi ni Kyle.

"11:11, sana mabuhay ang patay na kuko ni Jake sa paa!" Natawa naman kami sa hiling ni Jerome.

"11:11, sana magising na si Jake at maging masaya na kayo ng tuluyan." Diretso ang tingin ni Pia sa mga mata ko ng sabihin nya iyon.

"Your turn!" Sabi ni Norman. Lahat sila ay nakatingin sa akin at inaabangan ang wish ko.

Umiling naman ako."Hindi ako humihiling sa 11:11." Sabi ko sa kanila.

"Hindi ako naniniwala sa kanya." Dagdag.

"Enggg!!" Sabi ni Norman.

"Wala na, 11:12 na." Dagdag nito na nakatingin sa relo nya.

"Alam mo bang naniniwala din si Jake sa 11:11." Sabi ni Luke.

"Ganon ba." Tanging na sagot ko.

"Yes. Madalas nya kaming i-text lahat kapag 11:11 pm na. Ang wish nya palagi ay maikasal sayo, at mamuhay ng masaya kasama ka." Sabi naman ni Jerome.

Hindi ko alam ang isasagot ko, kaya ngumiti na lamang ako. Ilang sandali pa ay nag paalam na sila kay Jake pati sa akin. At umalis na.

Ilang minuto kong pinagmasdan si Jake, at nag lakad papunta sa kanya. Humiga ako sa tabi nya kasya naman ako dahil medyo malaki itong bed nya. Namumuo na naman ang mga luha ko.

Nakayakap ako sa kanya at medyo naka-angat ang ulo ko para matignan ang mukha nya.

"M-mahal..." Mahinang tawag ko, at pumatak na ang luha ko.

"Please... wag mong i-asa na lang sa 11:11 ang hiling mo. Tuparin mo naman. Gumising ka na p-please." Halos nag mamakaawang sabi ko at na papikit ng mariin at tuloy tuloy ang pag buhos ng luha ko.

Si 11:11 (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon