02:02
Kinabukasan ay bumili ako ng mga prutas at bulaklak.
"Salamat po." Sabi ko kay manang at inilagay ang mga binili ko sa basket na nasa harapan ng bike ko.
At nag tungo na ng hospital. "Good evening po." Bati ni Kuyang Guard, palagi nya itong ginagawa at kinakamusta ako palagi.
Ngumiti na lang ako at pumasok na sa loob. "Andyan pa ba sila tita?" Tanong ko kay Janna.
"Kakaalis lang nila mommy, may biglaang emergency meeting si daddy." Sagot nito at sinamahan ako sa pag pasok sa kwarto ni Jake.
"Kamusta sya?" Tanong ko, tinanggal ko na ang bag ko. Ipinatong ko sa may table ang mga prutas na binili ko.
"Ganoon pa din naman ang lagay ni kuya." Sagot nya sa akin.
Nurse si Janna dito, at naki-usap sya na sya na lang ang i-asign kay Jake. Dahil kuya nya ito, at ganoon din ang gusto nila tita.
Ngumiti na lang ako,"Gusto mo?" Sabi ko sa kanya at ipinakita ang mansanas.
"Salamat." Sabi nya at tinanggap iyon.
Na patingin sya sa may orasan nya at na pangiti. "11:11, sana magising na si kuya. At maging okay na ang lahat." Sabi nya at ibinalik ang tingin sa akin.
Tinalikuran ko sya at kinuha ko ang flower vase na naka-patong sa isa pang table.
"Akala ko mga bata lang ang naniniwala sa 11:11 na yan." Sabi ko habang tinatapon ang mga bulaklak na naka-lagay sa flower vase.
"Walang sinasabing edad ang pag hiling." Sagot naman ni Janna.
"Sino ba yang si 11:11 at inaasa nyo sa kanya ang mga hiling nyo?" Tanong ko habang sinasalinan ng bagong tubig ang vase.
"Si 11:11 ang nag bibigay ng pag-asa sa mga taong pakiramdam nila ay wala ng pag-asa ang lahat." Sagot naman nya. Na pailing na lang ako.
"Pinapaasa lang kayo nyan ni 11:11!" Sabi ko sa kanya.
"Hindi ganon yon. Tsk! Maiwan ko na nga kayo." Sabi nya at lumabas na.
Na pabuntong hininga na lang ako at nag patuloy sa pag-aayos ng mga bulaklak sa flower vase.
"Alam mo ba mahal, dala ko yung ipod natin." Sabi ko at saglit na lumingon kay Jake.
Sabi ng doctor, ipag patuloy lang namin yung ganito. Kausapin at kausapin lang sya. Malaki daw kasi ang chansa na naririnig nya kami. At nagkakaroon sya ng lakas para magising na.
"Saglit at kukunin ko." Sabi ko at hinanap sa bag ko ang ipod na binili naming dalawa nung 1st anniversary namin.
"Tadaa!" Sabi ko at ipinakita sa kanya.
"Anong gusto mong i-una kong i-play?" Tanong ko habang nag titingin na ng mga kanta doon.
"Hmm?" Dagdag ko.
"Eto na lang." Sabi ko at pinlay na ang kanya.
"Hawakan mo ang kamay ko
Ng napakahigpit
Pakinggan mo ang tinig ko
‘Di mo ba pansin?"Naka-ngiti akong nakatingin kay Jake, "Na aalala mo ba itong kantang 'to mahal?" At natawa na ng maalala ang araw na kinanta nya ito sa akin.
"Ikaw at ako
Tayo'y pinagtagpo
Ikaw at ako
Di na muling magkakalayo""Grabe mahal, ang epic nung araw na yon ano?" Natatawang sabi ko at nag patuloy sa pag-aayos ng bulaklak.
"Sa tuwing kasama kita
Wala nang kulang pa
Mahal na mahal
kang talaga""Kinikilig na ako non eh, kasi hinalikan mo pa ako sa pisngi ko. Ang saya saya ko nung araw na yon. First cheek kiss ko yon!" Pag papatuloy ko sa pag kukwento.
"Ikaw at ako
Tayo'y pinagtagpo
Ikaw at ako
‘Di na muling magkakalayo""Tapos pag tapos mo kong halikan sa pisngi, bigla kang na utot ng sobrang lakas!!" Medyo malakas na sabi ko at tumawa na ako ng tumawa.
"Unos sa buhay natin
‘Di ko papansinin
Takda ng tadhana
Ikaw ang aking bituin
Ikaw at ako
Tayo'y pinagtagpo""Sabi mo kaya ka na utot kasi ganoon ka kapag kinikilig! Grabe ka talaga kiligin mahal!" Natatawa pa din ako kapag na aalala ko iyon.
"Ikaw at ako
‘Di na muling magkakalayo
Ikaw at ako
Tayo'y pinagtagpo
Ikaw at ako
‘Di na muling magkakalayo""Pulang pula pa ang mukha mo non dahil sa hiya. Pero sabi mo first time mong kiligin ng sobra." Nakangiting sabi ko at nilingon si Jake.
Pag tapos kong ayusin ang flower vase ay inilapag ko na iyon sa table.
"Mahal..." tawag ko sa kanya ng maka-upo sa tabi nya habang hawak ang kamay nya.
"Kailangan mong gumising ha..." Namumuo na naman ang mga luha ko.
"Tutuparin mo pa ang mga pangako mo saken. Tutuparin pa natin ang mga pangarap nating dalawa." Patuloy ko.
"Isang dosenang anak ang gusto mo, diba? Ibibigay ko yon sayo." Na pangiti ako ng maalala kung paano nya iniisip ang future naming dalawa.
"Gusto mo pa ngang sa iba't ibang bansa natin sila buuin eh." Medyo natawa pa ako ng maalala iyon. Dahil ako ang nahihiya sa mga iniisip nyang yon.
"Payag na ako don mahal."Sabi ko at sinuklay ang buhok nya gamit ang kamay ko.
"Pero kailangan mo munang gumising mahal. Kaya please... g-gumising ka na." Hindi ko na na pigilan ang mga luha ko at muli na naman silang pumatak.
BINABASA MO ANG
Si 11:11 (Short Story)
Roman d'amourHindi ako na niniwala sayo. Kahit pa na halos lahat ng tao, pinaniniwalaan ka. Bakit ko i-aasa sayo ang mga bagay na hindi mo kayang gawin? Bakit ako sasama sa kanila at paniwalaan ka?