This is a fictional story, nothing written in this story is real. I repeat NOTHING is real. They're just a product of my imagination, A PRODUCT OF MY IMAGINATION. Everything written here is not related to me or to anyone close to me. :)
~*~
Simula
"Nang, alis na po ako." Sabi ko kay Nanang ko at kinuha ang kulay gray kong shoulder bag.
"Mag-iingat ka." Sabi ni Nanang.
Ginulo ko muna ang buhok ng kapatid kong babae na si Susy na pinapanood muli ang mga movies ni Iron Man habang naka-upo sa sofa.
"Ate naman!" Irita nyang sabi. Nakita ko ang pag tingin ni Susy sa may likod ko ata. Nilingon ko kung saan sya nakatingin,
"11:11, sana makita ko na ng personal si Iron Man." Dahan dahan akong na palingon kay Susy na naka-tingin doon nga sa may wall clock namin sa may likod ko.
Na pailing na lang ako, "Aalis na ako." Sabi ko sa kanya at umalis na.
"Tamang tama ang dating mo, paalis na sila." Sabi ni Janna. Ngumiti ako sa kanya,
"Puntahan ko lang." Sabi ko sa kanya at nag tungo na sa kwarto kung saan halos isang linggo at tatlong araw na lang ay isang taon ng naka-higa at na tutulog ang mahal ko.
"Good evening po tita... tito." Bati ko sa kanila ng makapasok sa loob ng kwarto.
"Nandito ka na pala." Sabi ni tita, ang mommy ni Jake. Ngumiti na lang ako bilang sumagot.
"Uuwi muna kami ha." Dagdag nito ng makalapit sa akin.
"Sige po, mag pahinga na po muna kayo." Sagot ko naman.
Niyakap ako ni tita ng mahigpit at ganoon din si tito. At umalis na sila. Na tiklop ko ang bibig ko ng makita ko ang mahal ko.
Huminga ako ng malalim at tinanggal na ang bag ko at ipinatong iyon sa isa pang upuan. At umupo sa upuan sa tabi ni Jake.
Hinawakan ko ang kamay nya, at dahan dahang ibinalik ang mga tingin ko sa mga mata nyang mag iisang taon ng naka-pikit.
Na comatose sya matapos ang aksidenteng iyon. Hindi ko alam kung anong gagawin ko nung mga oras na iyon.
Flashback...
Na pangiti na lang ako ng tanggapin ang bulaklak na ibinigay nya.
"Mahal, kinikilig ka na ba?" Pang-aasar nya. Kaya tinalikuran ko sya at agad naman nya akong niyakap mula sa likod ko.
"Biro lang mahal eh." Pag lalambing nya.
Kaya hinarap ko na sya at hinalikan ang pointed nyang ilong. "Happy 3rd anniversary mahal." Bati ko sa kanya.
"Happy 3rd Anniversary din mahal ko." Sabi naman nya. Niyakap ko sya ng mahigpit, at naramdaman ko ang pag halik nya sa may buhok ko.
*Kring Kring* Kumalas ako sa yakap ng mag ring ang phone nya.
Kinuha naman nya iyon mula sa kanyang bulsa, ng makitang ang mommy nya ito ay sinagot nya iyon ng naka-harap pa din sa akin.
"Hello mommy?" Sabi nito.
Sinenyasan ko sya na tatalikod at medyo lalayo muna ako. At tumango naman sya. Ng medyo makalayo ay na patingin ako sa red roses na ibinigay nya at inamoy ko ito.
*BEEP BEEP BEEP* Agad hinanap ng mga mata ko ang tunog na iyon. Ang ibang mga taong andito ay biglang tumakbo at gumilid.
Nakita ko ang kotse na wala ng control at ang bilis na patakbo.
"YUNG BATAAAAA!!" Sigaw ng isang babae.
Na patingin ako doon sa batang lalaking nakatayo sa may gitna ng kalsada at paiyak na. Na palunok ako at na bitawan ang bulaklak.
Nagkaroon ng sariling buhay ang mga paa ko at agad tumakbo doon sa bata na masasagasaan na ng mabilis na patakbo ng kotse at niyakap iyon. Dahil hindi na maabutang itakbo sya doon pa, kaya niyakap ko na lang sya.
"SARAAAAA!!" Rinig kong na pakalakas na sigaw at naramdaman ang sobrang lakas na pagtulak sa akin kasabay ng batang yakap-yakap ko.
Gumulong gulong kami ng bata sa may gilid. Ng marinig ko ang tunog ng pagka-bangga ay agad akong bumangon mula sa pagkakahiga at hinanap ng mga mata ko ang mahal ko...
"JAKEEEEEEE!!!" Halos lahat ng lakas ko ay na ibuhos ko sa sigaw ko. Ng makita kong pagkasagasa kay Jake ay nag paikot ikot sya sa may taas ng kotse hanggang sa bumagsak ito sa may likod ng kotse. At bumangga ang kotse sa may poste.
End of flashback.
Hinalikan ko ang kamay nya habang tuloy tuloy sa pagbuhos ang mga luha ko.
"Miss na miss na kita mahal." Bulong ko habang hawak ang kamay nya.
"Umiiyak ka na naman..." dahan dahan kong inilapag ang kamay ni Jake at pinunasan ang mga luha ko.
"Alam mo, kapag gising ni kuya Jake paniguraso akong pagagalitan ako non." Dagdag nya at umupo sa may kabilang side naman ni Jake.
Pinilit ko na lang ang sarili kong ngumiti bilang sagot sa kanya.
"Mas gusto kong marinig na magalet sya... kesa na ganitong na tutulog sya." Sabi ko at tinignan si Jake.
"Sara, manalig lang tayo sa panginoon. Magigising din si kuya." Sabi ni Janna.
"Kahit gaano pa katagal, basta magising lang sya." Sagot ko ng diretso pa din ang tingin ko kay Jake.
"Hihintayin ko sya... ikakasal pa kami." Dagdag ko at muli na namang pumatak ang mga luha ko.
BINABASA MO ANG
Si 11:11 (Short Story)
Roman d'amourHindi ako na niniwala sayo. Kahit pa na halos lahat ng tao, pinaniniwalaan ka. Bakit ko i-aasa sayo ang mga bagay na hindi mo kayang gawin? Bakit ako sasama sa kanila at paniwalaan ka?