11:11

25 4 4
                                    

11:11

Habang kumakain ay ikinukwento ko ang mga nangyari sa araw na hindi ako na kapunta dito ny hospital.

"Alam mo mahal, nag selos ako ng malaman kong nag kagusto pala sayo yung Trexie na yon!" Sabi ko at uminom sa tubig saglit.

"Pero nung sinabi nila na kaibigan lang turing mo don, ay na wala agad selos ko!" Dagdag ko.

Matapos kong kumain ay binigyan ko din si Janna ng pagkain pati si kuya Guard. Pagkabalik sa kwarto ni Jake ay na upo na ako sa tabi nya.

"Pag gising mo mahal... cecelebrate uli tayo." Sabi ko habang hinihimas ang isa nyang kamay.

"Marami tayong kailangan i-celebrate." Dagdag ko.

Ilang minuto ang naka-lipas ay na balot ng katahimikan ang kwarto. Naka-titig lang ako kay Jake, na para bang ang himbing lang na natutulog. Yung bang pwede mo naman syang gisingin na lang... pero ayaw nya pa din.

Na pakagat ako sa ibaba kong labi at tinignan ang kamay ni Jake. Humilom na lahat ng sugat ni Jake. Pero di pa din talaga sya na gigising.

"Mahal... kakantahan na lang kita." Sabi ko habang inilapit ko ang kamay nya sa pisngi ko.

"You would always ask me those words I say..." Panimula ko habang nakatingin sa kanya.

"And telling me what it means to me.
Every single day, you always act this way." Muling namumuo ang mga luha ko.

"For how many times I told you
I love you for this is all I know." At pumatak na nga ang luha ko.

"Come to me and hold me,
And you will see the love I give
For you still hold the key." Kahit parang may bumabara na sa lalamunan ko ay patuloy pa din ako.

"Every single day, you always act this way.
For how many times I told you
I love you for this is all I know." Na payuko ako kasabay ng pag patak muli ng luha ko.

"I'll never go far away from you,
Even the sky will tell you that I need you so
For this is all I know,
I'll never go... far away from you." Hindi ko na na pigilan ang pag hagulgol.

"Ma-mahal... please... gumising ka na." Pagmamakaawa ko habang mahigpit ang pag kakahawak ko sa kamay nya.

"K-kailangan na kailangan na kita eh... sige na naman oh." Dagdag ko at hinalikan ang kamay nya.

"Hi-hindi ko na... a-alam ang gagawin ko. Kaya gu-gumising ka na." Pag papatuloy ko.

Na payuko ako habang hawak pa din ng mahigpit ang kamay nya. Wala naman siguro mawawala kapag... humiling ako diba?

Na patingin ako sa orasan ko, 11:10 pm pa lang. Pinagmasdan ko lang ito, pag patak ng 11:11 pm ay ibinalik ko ang tingin ko sa kanya.

"11:11... s-sana magising k-ka na." Sabi ko. Hinalikan kong muli ang kamay nya at napayuko habang hawak pa din ang kamay nya.

"11:11... please mahal... g-gising na." Matapos ko itong sabihin ay hagulgol na ako ng hagulgol.

Dahan dahan kong idinilat ang mga mata ko ng maramdaman kong gumalaw ang daliri nya. Agad akong nag angat ng tingin sa kanya. Nakita kong dahan dahan nyang idinilat ang mga mata nya.

"Ma-mah-mahal!?" Di makapaniwalang tawag ko. Agad akong tumayo para tawagin si Janna at ang doctor.

Lumabas agad ako. "Doc!?! Doc!!" Sigaw ko, agad namang lumapit si Janna.

"Anong nangyare?" Pag-aalang tanong ni Janna.

"Gi-gising na sya!!" Sabi ko.

"An-ano!? Saglit! Tatawagin ko lang si Doc!!" Pagkasabing ito ni Janna ay agad akong bumalik sa kwarto ni Jake.

Dilat na dilat na sya!! Agad akong lumapit sa kanya at na patakip sa bibig ko. Nakita ko ang pag tap nya sa may tabi nya.

"Halika dito..." sobrang hina nyang sabi pero narinig ko pa din.

Humiga ako sa tabi nya at niyakap sya, ganoon din ang ginawa nya. Naramdaman ko ang pag-himas nya sa buhok ko.

"Hindi na ako tatagal..." Bulong nya kaya nag angat ako ng tingin.

"Binigyan lang ako ng panginoon ng ilang oras... para makapag-paalam ng maayos s-sayo." Dagdag nya. Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya.

Umiling lang ako ng umiling, "W-wag mo k-kong iwan..." pag mamakaawa ko.

"Happy 4th anniversary mahal ko." Pag babalewala nya sa sinabi ko.

Na papikit ako ng mariin, "Alagaan mo ang sarili mo ha. Patawarin mo ko... kung h-hindi ko na matutupad ang mga pangako ko sayo. Pati na din ang mga p-pangarap nating dalawa." Patuloy nya.

Hindi ako naka-sagot, dinama ko lang ang pag himas nya ng buhok ko. Isiniksik ko pa ang sarili ko sa kanya, alam kong basang basa na ang suot nya dahil sa mga luha ko.

"Mahal na mahal na mahal kita... mahal ko." Huling sabi nya at narinig ko na ang senyales na wala na sya.

Si 11:11 (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon