07:07
Jake...
Sabi sa isipan ko ng makita ko sya. Puro puti ang suot nya. Ang linis linis nyang tignan. Ilang sandali lang ay unti unting nag patakan sa maputi nyang damit ang dugo. Dugo mula sa mukha nya. Mabilis kumalat ang dugo! Puro sugat at dugo na sya sa isang iglap.
"Kasalanan mo 'to!!" Sigaw nya sa akin.
Umiiling iling lang ako habang nakikita ang itsura nya.
"Ikaw ang may kagagawan nito!!" Sigaw nya pa din. Dahan dahan syang lumapit sa akin, samantalang ako ay humahakbang paatras.
"Hi-hindi..." halos bulong ko ng sabi.
"ANO!? NATATAKOT KA!? KUNG HINDI DAHIL SAYO, HINDI MANGYAYARI SA AKIN TO!!" Sigaw nya.
Na papikit ako at ayaw ko ng dumilat pa. "TIGNAN MO KO!!" Sigaw nya. Tinakpan ko ang tenga ko.
"TIGNAN MO ANG GINAWA MO!!" Na pakalakas na sigaw nya.
"AHHHHHH!!!" Sigaw ko ng hawakan na nya ako.
"IKAW ANG MAY KASALANAN NETO!! IKAW!!" Sigaw nya sa mukha ko.
At paulit ulit ko ng naririnig ang pag sigaw nya sa akin ng 'IKAW!!'
"Hindi... Hindi... Hindi... Hindi... HINDI!!!!" Sigaw ko ng makabangon ako.
Agad kong hinabol ang pag hinga ko.
Masamang panaginip.
Totoo kaya? Totoo kayang galet sa akin si Jake? Kaya ayaw ba nyang gumising?
Hindi ko namalayan na pumatak na pala ang mga luha ko.
"I'm so sorry mahal..." sabi ko na lang habang niyayakap ng mahigpit ang unan ko.
"Hindi ko ginusto to." Dagdag ko at na papikit ng mariin.
"Ate, okay ka lang?" Tanong ni Susy habang kumakain kami ng dinner.
Hindi ko sya tinignan at tumango na lang ako bilang sagot.
"Sara anak, di mo ginagalaw ang pagkain mo." Sabi naman ni nanang.
Kinuha ko na ang kutsara ko at pinilit ang sarili ko na kumain. Matapos ay agad akong dumiretso ng kwarto ko.
Pina-andar ko ang radyo ko at nahiga na sa kama habang yakap ang isa ko pang unan. Lumilipad ang isipan ko habang naka-titig ako sa kisame. Ni-hindi ko na naririnig ang mga sinasabi ng Dj sa radyo.
Hindi ko din alam kung ano ang iniisip ko, lutang na lutang lang ako. Hinahayaan ko lang lumipad ng lumipad ang isipan ko.
Hanggang sa muli kong na alala ang masama kong panaginip.
"Sinisisi mo ba ako?" Tanong ko na para bang kausap ko lang sya. Ang daming tanong ang pumasok agad sa isipan ko. Katulad ng,
Galet ka ba sa akin?
Iniisip mo bang kasalanan ko 'to?
Kaya ba ayaw mong gumising dahil sa akin?
Muli na namang pumatak ang mga luha ko. Lumipas ang ilang oras na naka-titig lang ako sa kisame. Natuyo na ang mga luhang hinayaan ko lang pumatak kanina.
"Ang oras natin ngayon ay 11:11 pm!" Na palingon ako sa radyo ng sabihin nya ito.
"I-tweet nyo na sa akin ang mga hiling nyo kay 11:11, at babasahin ko!" Sabi pa nito. Ibinalik ko ang tingin ko sa kisame.
"May nag tanong kung ano ang 11:11 wish ko. Ang wish ko ay, sana pag uwi ko mamaya may pizza sa kwarto ko!" Sabi nito at sabay tumawa ng tumawa.
"Ibabalita ko sa inyo bukas ng gabi kapag na tupad!" Tuloy tuloy pa din sya sa pag tawa.
"Mag babasa na ako ng mga tweets nyo. Sabi ni...
@ladyxx 11:11, sana mahalin din nya ako!
@itslily 11:11, sana manalo si Marcos! Hahaha!
@cheesymeh 11:11, maging kami ng na sa wallpaper ko! Hihihi." Sabi nito.
"Ay grabe itong isang wish!" At tumawa ng tumawa ang Dj.
"Sabi ni @Louisevillalbax 11:11, sana mag ka-d3de na ako!" At agad itong tumawa ng malakas.
Ilang sandali pa ay tumigil na ito sa kakatawa. "So mga katropa, bakit nga ba tayo naniniwala sa 11:11 na yan?" Muli akong na palingon sa radyo.
"Para lang din kasing si Santa yan eh. Alam naman natin na hindi sya totoo! Pero may mga sari-sarili tayong tinuturing na santa clause. Kaya unti unti tayong naniniwala kay Santa clause." Sabi nya.
"So ayun nga! Na punta tuloy kay santa!" At tumawa uli sya.
"Alam naman natin na ang 11:11 wish ay paniniwala lang natin yon! Pero diba nga masaya na may pinaniniwalaan ka. Kasi? Nagkakaroon ka ng pag-asa!" Sabi nito.
"Bigyan nyo ako ng slow-clap!" At muli na naman syang tumawa.
Ibinalik ko na lamang ang tingin ko sa kisame.
"May mga ibang hindi naniniwala sa 11:11, pinili nila iyon. Ayaw nila eh. Wala tayong magagawa. Kasi ang mga naniniwala lamang sa 11:11, ay punong puno ng pag-asa sa buhay!" Na papikit ako ng marinig iyon at unti unti na palang naka-tulog.
BINABASA MO ANG
Si 11:11 (Short Story)
RomanceHindi ako na niniwala sayo. Kahit pa na halos lahat ng tao, pinaniniwalaan ka. Bakit ko i-aasa sayo ang mga bagay na hindi mo kayang gawin? Bakit ako sasama sa kanila at paniwalaan ka?