Chapter 20-Tagaytay Resthouse

13.8K 284 1
                                    

Chapter 20-Tagaytay Resthouse

Nhaiyah's POV

Nandito na kami sa Resthouse ni Bennedick. Peaceful ang lugar at malayo sa city na maingay. Mula sa kintatayuan ko ay makikita ko ang view ng Tagaytay. I felt it free. Free from the reality. Napapikit ako at ninanamnam ang ihip ng hangin at sana pagdilat ng mga mata ko ay wala na ang problema ko dahil tangay na ng ihip ng hangin..Ang hirap maging ganito..Gustong-gusto ko ng umuwi para makita ang pamilya ko pero paano ako babalik kung sila ang dahilan kung bakit ako lumayo.?..at ngayon nagpakasal pa ako para maresolba ang problema ko..sana nga lang ay magtagumpay ako.

I missed them so much.

Napamulat ako ng may biglang nagsalita sa likuran ko.

"Are you okay?." tanong nito sa likuran ko. Lumingon ako at ngumiti.

"Y-yeah, I'm okay..may naalala lang ako.." sagot ko dito.

"It's your family right?" tanong nito at nakapamaywang..ang gwapo nito sa simpleng khaki shorts at white shirt. I bit my lower lip.

"I'm sorry for all the trouble I brought in your life Ben..I-I mean pwedi namang hindi mo ako tutulungan sa problema ko at hindi sana tayo nagpakasal para lang dun..napakalaking bagay ang pinasok natin para sa problema ko.." sabi ko.

"Hindi mo talaga naintindihan Nhaiyah..diba I told you to marry me at wala akong narinig na ikaw ang nagpropose sa akin ng kasal, so that means ako ang may gusto na tulungan ka." sagot nito na seryoso pa rin. Hay paano naman kasing isang to ay parang hindi marunong ngumiti eh..

"Pe-pero ang babaw naman kasi ng reason mo para tulungan ako at yun ay para lumayo si Irish sayo.."ako.

"Pwede ba wag ka ng maraming tanong?! and please dont mention that name dahil nakakasira ng araw..ang isipin mo na lang ay nagmamagandang loob lang ako and I have my own reasons why I help you Nhaiyah..basta ang maipapangako ko lang ay makukuha natin ang shares ni Villanueva sa kompanya niyo and after that magiging malaya na tayo sa isat-isa.."wika nito sa mataas na boses.

"I'm sorry and thank you for helping me SIR.."wika ko at napayuko. Ayokong nagagalit siya at ayokong suwayin ang gusto niya dahil napakalaki ng utang na loob ko sa kanya.

Nanlaki ang mga mata nito.

"what? SIR?..pwede ba Nhaiyah dont act like were not a couple..you should practice calling me HONEY in public or in our private lives. Mabuti na rin yung nasasanay ka.."wika nito na ikinagulat ko..Tatawagin ko siyang honey kahit kaming dalawa lang?Naku nangingimi nga ako na tawagin ang pangalan niya paano pa kaya kung couple endearment na honey?iiihhh ang sweet.

"H-huh?!" wala akong masabi. Kumunot ang noo ng binata.

"Are you listening to me Nhaiyah?!" wika nito.

"UHH-..Y-yeah, I get it.."sabi ko nalang.

"Good and before I go may ibabalita ako about our plan." wika niya.

Namilog ang mga mata ko. Excited ako sa balita.

"Ano pong balita?" tanong ko agad. He made a face siguro dahil pinu-po ko na naman siya.

He crossed his arms.

"Nakausap ko ang taong tumulong sa akin na magpasok ng pera sa kompanya niyo at napag-alaman ko na 65% na pala ang shares ni Mr.Villanueva sa kompanya and wether you like it or not Nhaiyah maglalaho na lang ang kompanya niyo na parang bula..and because I want to help you and you need my help too ay tinumbasan ko ang shares ni Villanueva without him knowing that.."ngumiti siya."Masyado lang siyang nagtiwala sa assistant niya na nakuha ko ang loob at magigising siyang wala na ang shares niya at sa ganun wala na rin siyang karapatan na ipagpilitan ang kanyang sarili na makasal sayo."wika niya at bahagyang dumilim ang anyo niya. I wondered why he had those reaction when our topic is that man Mr.Villanueva. Pero kahit ganun ay masayang-masaya ako dahil makukuha ko na ang kompanyang pinaghirapang itayo ng lolo ko and thanks to Bennedick. Maluhag-luha ako nang marinig ko ang balitang yun at dahil sa saya ay napayakap ako sa kanya ng mahigpit.

The Perfect Personal Maid (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon