Chapter 7- Going to Mansion

13.5K 266 0
                                    

Chapter 7- Going to Mansion

Nakarating na kami sa mansiyon!

Infairness maganda din ang bahay na to!

Namiss ko tuloy ang mansiyon namin..

sayang lang at hindi ako mahalaga dun.

hay!wag ko na nga lang isipin,.

Ang isipin ko ngayon kung paano ako kikilos bilang isang katulong!

Tsk! hindi pa naman ako marunong sa gawaing bahay!

Paano naman kasi si Yaya Pasing lang lagi nag-aalaga sa akin tapos hindi nila ako tinuruan ng trabaho sa bahay!

"Olimpiya!!"tawag ni Manang Milang.

Papungas-pungas namang tumalima ang isang babae na sa tingin ko ay nasa 30's na..

"bakit manang?may iuutos po ba kayo?" tanong agad nito

at napadako ang tingin sa akin at ngumisi.

"ah manang sino ba tong magandang dala mo?" patuloy pa nito.

" hay naku Olimpiya..siya nga pala si....,"wika ni Manang Milang at napakunot ang noo na tila may inaalala.

"ano nga ba ulit yung pangalan mo iha?" baling nito sa akin.

Oo nga pala dapat hindi nila malaman kung sino ako para hindi ako madaling matunton.

"ah po?...ahm ako nga po pala si E-Ericka Sanchez po" pagpapakilala ko..

Lord sorry po sa pagsisinungaling ko!

"ah Ericka!.siya si Olimpiya kasambahay din." wika ni Manang.

Ngumiti ng pagkalaki-laki si Olimpiya at inilahad pa ang kamay sa akin.

Ngumiti din ako sa kanya.

" Ang ganda mo talaga Ericka para kang model.,.naalala ko nga ang model idol ko na si Nhaiyah Falcon..alam mo magkamukhang-magkamukha kayo talaga!." daldal pa nito.

Kinakabahan ako.

Paanong hindi ako kabahan na ako nga si Nhaiyah Falcon na sinasabi niya.

"Naku po! baka kamukha ko lang po...hi-hindi ko nga ho siya kilala eh" pagsisinungaling ko.

"Ikaw talaga Olimpiya kung anu-ano yang pinagsasabi mo!" sabad ni Freddie.

Sumimangot si Olimpiya!

"Anong pakialam mo?!hindi naman ikaw yung kinausap ko eh!.papansin ka talaga..maniniwala na talaga ako na may gusto ka sa akin!" wika ni Olimpiya.

Humahalakhak si Freddie

"Naku Olimpiya! wag ka ngang magbibiro..hindhg kita magustuhan noh.." wika din ni Freddie.

Hay nakakatuwa dahil parang may something sa kanila.

"Olimpiya at Freddie tama na nga yang pagbabangayan niyong dalawa!

Ikaw Freddie ipasok mo na lang yang pinamili ko.. ikaw naman Olimpiya nakapagluto ka na ba? mukhang kanina pa dumating si Bennedick eh." pag-aawat ni Manang sa dalawa.

"Opo manang tapos na akonp magluto at tama po kayo kanina pa po dumating si sir Bennedick at kumain na po siya." wika ni Olimpiya.

Tumalima si Freddie.

"mabuti naman at kausapin ko siya tungkol dito kay Ericka..siya ang papalit sa akin dahil malapit na rin naman akong umalis." wika ni Manang.

.Tumango na lang si Olimpiya at tumungo na sa kusina.

Bumaling sa akin si Manang.

"Tara na Ericka. Ipapakilala kita kay Bennedick sa office niya." wika nito at nagpati-una na.

Sumunod na lang ako dito

-AmethystWriter- cristina tagalogon

The Perfect Personal Maid (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon