Chapter 21-It Hurts

12.4K 253 2
                                    

Chapter 21- It Hurts

Nagising ako dahil sa liwanag mula sa bintana. Tiningnan ko ang tabi pero ganun na lang ang panghihinayang ko nang mapagtanto kong wala na siya. Napabuntong-hininga na lang ako. I know wala akong karapatang magreklamo dahil unang-una sa lahat hindi naging kami at hindi namin mahal ang isat-isa. Siguro ang nangyari kagabi ay hindi sinasadya dahil ako ang unang nanghalik at dahil lalaki si Bennedick ay hindi niya napigilan ang sarili na tugunan iyon and we both end up that way. Siguro ganun ang mga lalaki madaling naaakit ng mga babae at kapag may nangyari na ay maglaho na lang sila o hindi pinapansin ang mga babae at ngayon kasali na ako dun sa mga babae. Bumangon ako kahit napakasakit ng pakiramdam ko. Parang magkakatrangkaso na ako nito. Tumayo ako at dahan-dahan kong pinulot ang mga damit ko na nagkalat sa kama and suddenly I saw blood on the bedsheet and I know it came from me. Napailing na lang ako na kumuha ng bagong bedsheet para palitan iyon. Hindi ko akalain na matutuloy pala ang honeymoon namin. Pagkatapos kong magligpit ay naligo na ako dahil talagang masama ang pakiramdam ko ngayon at pagkatapos ay maglalaba na ako. Buti na lang at kumpleto ang gamit dito sa resthouse at mapapadali ang trabaho ko.

Mukhang masama talaga ang pakiramdam ko ngayon. Nakakabagot mag-isa. Gusto ko ng umuwi sa mansiyon ni Bennedick dahil may makakausap pa ako dun. Dito sa resthouse wala akong makausap.

Pakiramdam ko para na rin akong nakakulong at naghihintay ng improvements sa kalagayan ko. Bigla ay naisip ko si Dad at yung napanaginipan ko kagabi. Paano kung totoo ang panaginip ko?..Nahintakutan ako..Hindi ko naman kaya na mawala siya. I missed them lalnw na si kuya Justine

After two hours ay natapos na rin ako sa paglalaba and I decided to watch TV para malibang ako. Pagbukas ko ng TV ay ganun nalang ang panlaki ng mga mata ko. Bakit ba sa tuwing bubukas ako ng TV ay ang pamilya ko ang nka-flash dun?..napailing nalang ako at tinuloy ang panonood at ganun na lang ang kabang naramdaman ko nang matutukan ng camera si Dad na nakaratay sa ospital. Ang daming nakakabit na mga aparatu sa kanyang katawan. Napahawak ako sa aking dibdib nang magsalita ang reporter.

"Renowned businessman Mr. Norbert Falcon ay nakaratay ngayon sa ospital at ayon sa pamilya nito ay depressed na depressed na daw ang ginoo dahil sa unti-unti ng bumagsak ang kompanyang pinaghirapan ng papa niya at isa rin daw sa dahilan ng kanya pagkasakit ay dahil na rin sa nawawalang anak niyang modelo na si Nhaiyah Falcon. Nandito ang asawa niyang si Elizabeth Saldivar-Falcon at ang panganay na anak nitong si Justine. Hingin natin ang pahayag nila." wika ng reporter at itinutuk ang camera kay Mom at kuya Justine. Umuwi pala si Kuya?..Nanliit ako sa sarili ko dahil wala akong kwenta kung tutuusin. Hindi ko sila dinamayan sa mga oras na ito. I cant help but to blame myself. Nagsimula sa akin ang lahat ng ito. Maya-maya pa ay nagsalita na si Mom na umiiyak. Halatang problemado ang ina ko.

"It hurts when you saw someone you love in pain at nasasaktan rin akong nakikita siyang nahihirapan. All his life pinoprotektahan niya ang kompanyang pinaghirapan ng papa niya and now all of a sudden ay mawawala na lang ito sa kanya. Kung hindi sana naging suwail ang walang kwenta kong anak ay sana naibangon ang kompanya. I hate you Nhaiyah!.wala ka talagang konsensiya. Wala ka lang ibang iniisip kundi ang sarili mo. Napaka-selfish mo!.Marked this day Nhaiyah!,.because this day wala ka nang pamilya. I already disown you since you left!..Diba yan naman ang gusto mo?!.you left nothing Nhaiyah and I will assure you that you will return nothing!! walang hiya ka---" wika ni Mom na umiiyak pa rin ngunit hindi na niya natuloy ang iba pang sasabihin na masasamang bagay tungkol sa akin dahil pinigilan na siya ni kuya Justine. Ang pakiramdam ko ngayon ay parang nakadagan ang buong mundo sa akin at dahil sa bigat ay parang nanghihina na ako at hindi makahinga. Tumingin muli ako sa TV na ngayon ay nakafocus na kay kuya.

"Aiyah, where are you?..I'm sorry for what mom told you..Aiyah, Dad was critical..inatake siya sa puso dahil sa depresyon..kung nanonood ka ngayon sana madalaw mo si Dad dahil hinahanap ka niya..kahit ngayon lang Aiyah.."wika ni kuya na halatang malungkot na malungkot. Parang sinaksak ako ng paulit-ulit sa narinig. How could I do that to them?Sana nagpakasal na lang ako kay Mr.Villanueva kaysa mawala si Dad at itakwil ako ni Mom at kuya. Pinatay ko na ang TV. Napaupo ako sa sofa at humagolhol ng iyak. Pakiramdam ko ang sama-sama kong tao dahil sinuway ko ang mga magulang ko. Gustong-gusto ko ng umuwi at yakapin si Dad. Mas nagiging magulo ang lahat dahil nagpakasal pa ako kay Bennedick para makuha ang kompanya ng tuluyan. Gusto kong maniwala..gusto kong panghawakan ang sinabi niyang yun,.pero parang hindi na rin magtatagal dahil gustong-gusto ko ng makita si Dad..gusto ko ng magpakasal sa matandang yun para kay Dad at makipaghiwalay ng maaga kay Bennedick..Pinahid ko ang aking mga luha. I guessed I have to do what is right. Napahikbi ulit ako. Para akong tanga na umiiyak.

----------------------------

I was driving home from work. Yes, I'm going home earlier than my usual out from the office dahil gusto kong siyang makausap tungkol sa improvements ng plano namin. Napabuntong-hininga ako. I felt sorry for Nhaiyah dahil ginamit ko lang siya para iparamdam kay Irish ang sakit na dinanas ko nung iniwan niya ako at dahil na rin sa kagustuhan kong makaganti kay Mr.Villanueva..but, the idea of having sex with Nhaiyah ay wala sa plano ko. Ang gusto ko lang ay ang ibigay sa kanya ang kompanya na babawiin ko mula kay Villanueva. She's a lonely woman and I could see it in her eyes. Shit!! at Nahampas ko ang manibela. I felt so guilty for what I've done last night to her. Habang nag-iisip ay nakarating na ako sa resthouse. Nagmamadali akong umibis ng sasakyan at diritsong pumasok ng bahay. Hinanap siya ng mga mata ko but I couldn't find her and so pinuntahan ko siya sa kanyang kwarto. Nakakunot ang noo ko nang makita ko siya. Nag-eempake siya ng mga damit.

"H-Hey..w-what are doing?" tanong ko agad dito. Yumuko pa rin siya.

"Pwede ba Bennedick, wag mo nga akong tanungin na alam mo ang sagot.." wika niya. Abat namilosopa tong babaeng to ah!

"Of course I know what you're doing..at pwede ba Nhaiyah wag mo nga akong pilosopohin.!..bakit ka ba nag-eempake huh?Hindi pa tayo uuwi sa mansyon!" seryosong wika ko. Napatingin siya sa akin sabay sigok. Namamaga ang mga mata niya.

"W-wait..why are you crying?..my God Nhaiyah hindi ko maintindihan ang drama mo!"nagtatagis na ang mga bagang ko sa inis. Hindi ba naman ako sagutin ng maayos!..ang ikinainis ko ay nanatili siyang kalmado kahit mukhang problemado ito. She sighed.

"I'm leaving...wag na nating ituloy ang plano..you are free now."wika nito. Nanlaki ang mga mata ko.

"What?! and why are you leaving? Is that because of what had happened to us last night?..then if that is the reason, then I feel sorry for that!" halos mapasigaw na ako. Namula siya at umiling. Nahampas ko ang maliit na table dahilan para mapaigtad ito.

"'tang na! Nhaiyah!.ano ba ang nangyayari sayo at ayaw mo akong kausapin?!"sigaw ko.

Maya-maya pa ay humikbi ito. Lalo akong nainis.

"G-gusto ko ng magpakasal kay Mr.Villanueva.."paliwanag nito. My mouth fell opened. What is she trying to say?

"No!!" sigaw ko. Tumingin siya sa akin.

"But Bennedick, I have to do this..It's a family matter.."wika lang nito.

"My answer is still NO!" giit ko. Nainis ito at tumayo bitbit ang mga gamit niya. Nang bubuksan na niya ang pinto ay nagsalita ako.

"Kung lalabas ka sa pintong yan ay hindi mo na makukuha ang kompanyang pinaghirapan ng lolo mo at mawawala na ito ng tuluyan sa buhay niyo." wika ko.

Napalingon siya.

"What do you mean?" tanong nito. Namaywang ako.

"Aalis ka na diba?so ibig sabihin wala ng rason para sabihin ko sayo ang totoo at sisiguraduhin kong mawawalang saysay ang pinaghirapan mo para makuha ang kompanya."wika ko. Tuluyan na siyang lumapit sa akin.

"Bakit? anong nangyari sa kompanya?!.pwede ba wag ka ng magpaligoy-ligoy pa? and wether you like it or not I have the right to know what happened!" halos pasigaw na wika nito.

"Yes you are right Hon..na may karapatan kang malaman kung ano ang nangyari sa dati niyong kompanya because you are my WIFE...at mawawala lang ang karapatan mong malaman ang totoo kapag umalis ka at magpa-annul ka ng kasal natin.." kalmadong wika ko. Nanlaki ang mga mata niya at halatang naiinis na.

"Pinaglaruan mo ba ako Bennedick?!gusto kong malaman kung ano ang nangyari sa kompanya.!"sigaw na wika nito. Napailing na lang ako. I know nahihirapan siya ngayon.

"Not unless you stay as my wife and you will stay where I live!"Ganting sigaw ko at tumalikod na.

The Perfect Personal Maid (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon