Chapter 6- Meet Manang Milang
"Freddie!!! halika ka dito!" sigaw na tawag nito sa driver.
patay ngayon si manong!
Napakamot ang ulo na lumapit sa matanda.
Nakapamewang pa si Manang Milang kay Freddie at
pinandilatan niya ito ng mga mata.
"magpaliwanag ka ngayon Freddie..kaya pala ang tagal mong nakabalik ay dahil may pinagkaabalahan ka pala." wika nito.
Naku pinaghinalaan pa ata sila ni manong Freddie na may ginagawang masama!
Jusko kalerky!
"Naku manang Milang wag ka namang mag-isip ng masama..sa tingin mo ba magkakagusto ang tulad ng gandang iyan sa tulad ko?..."pag-eexplain ni Freddie dito.
"Sorry po manang Milang..ano po kasi.,."ngunit hindi na ako nakatapos sa aking sasabihin
dahil sumabad na si Manong Freddie.
"hinabol kasi siya ng mga masasamang tao dun sa Sto.Cristo..alam mo namang maraming mga adik dun diba? at tapos dito humingi ng tulong sa akin kaya tinulungan ko..ang kaso lang wala naman palang uuwian tong si miss maganda kaya dinala ko na lang siya at baka matulungan mo...mabait ka naman Manang Milang eh kaya ikaw na lang ang bahala sa kanya.."paliwanag ni manong.
Tumingin si Manang Milang sa akin.
Napalunok ako.
"Manang pa-pasensya na po talaga ka-kasi po wala po akong matutuluyan...wa-wala po akong kamag-anak dito...
Ang totoo po niyan nakipagsapalaran lang ho ako dito..naghahanap po ako ng trabaho kaso minalas po ako at napagtripan nung mga tambay.
Hindi ko na po alam kung saan na ako pupunta..kaya nga malaki ang pasasalamat ko kay manong Freddie kasi kahit hindi pa niya ako kilala ng lubusan ay hindi siya nag-atubiling tulungan ako..
taga-Probinsiya po kasi ako kaya hindi ko kabisado ang lugar na to..
Manang pasensiya na po..
pero pwedi naman po akong bumaba para maipagpatuloy ko po yung paghahanap ko ng trabaho maski katulong lang po okay na sa akin yun.."paghingi ko ng pasensiya dito.
"taga-Probinsiya ka pala iha? kawawa ka naman..napagtripan ka pa ng mga adik dito sa lugar..
naghahanap ka kamu ng trabaho?" wika ni Manang Milang.
Tumango naman ako.
Hinawakan niya ang mga kamay ko at tiningnan niya ako.
"Sumama ka na lang sa amin..ipapasok kita sa mansiyon..tutal aalis na ako sa mansiyon at kelangan ko ng kapalit.."wika nito.
Nabuhayan ako ng loob.
Mukhang mabait naman si Manang Milang..
Pasensiya nalang kung kelangan kong magsinungaling..
Bahala na talaga kung katulong lang ako basta ang importante makakapagsimula ako.
"sa-salamat po ng marami Manang Milang."pagpasalamat ko dito.
"wag kang magpasalamat sa akin iha,.sapat na para makatulong kami.."wika nito at lumingon kay Freddie.
"Freddie tara na!"patuloy nito at pumasok na sa loob ng kotse.
Tumalima naman si Freddie at pinaandar ang sasakyan..
-AmethystWriter-
BINABASA MO ANG
The Perfect Personal Maid (Editing)
Roman pour AdolescentsWealth and popularity ay iniwan ni Nhaiyah Falcon para hanapin ang sarili... at para na rin hindi matuloy ang pagpapakasal niya sa matandang kasosyo ng parents niya,. samakatuwid ay ipapakasal siya dito para hindi mawala ang negosyo nila at dahil n...