Chapter 22-Nhaiyah's Husband

13.2K 258 1
                                    

Chapter 22-Nhaiyah's Husband

"D-dad?!." napahikbi ako. Parang pamilyar ang pangyayaring ito sa buhay ko. Napakislot ako nang maalala ko ang panaginip ko. Mukhang ngkakatotoo yun ngayon. Ang kaibahan lang ay itinakwil ako ni Mom. Mabuti na lang na si kuya ang nagbabantay ngayon kay Dad dahil may nilakad daw si Mom. Nagpasalamat na rin ako dahil sinamahan ako ni Bennedick dito at kasalukuyan siyang nakatayo sa likod ko samantalang si Kuya Justine ay lumabas muna sa room para makausap ko si Dad. Limang araw na ang nakalipas nung nakausap ko si Bennedick at dahil mas nananaig sa akin ang kompanya ay nanatili ako sa poder niya. Sa katunayan ay nakauwi na rin kami sa mansyon niya. Nalaman ko rin kay kuya na nalugi ang kompanya namin na minamanage ni kuya. Mahirap na kami ngayon kung tutuusin. Nagising na si Dad kanina nang pumasok kami. Hinawakan ko si Dad sa kamay niya. Nagsasalita naman daw si Dad sabi ni kuya. Mas nagiging okay na raw siya ngayon.

"Dad?..I'm sorry.."wika ko na napahikbi. Humigpit ang hawak ni Dad sa kamay ko. Kahit nahihirapan ng konti ay ngumiti ito.

"Nhaiyah baby..k-kumusta,.ka na?..s-salamat..dahil bumalik ka." wika nito na halata ang lungkot sa mga mata.

"Dad sorry dahil hindi ko sinunod ang gusto mo..I did not marry Mr.Villanueva.."wika ko sa gitna ng mga hikbi.

"Its okay..saan ka ba galing?maari ko bang makilala ang kasama mo.?"wika ni Dad. Napalingon ako at nakita ko si Bennedick na nakangiti. Muntik ko na siyang makalimutan. Napalunok ako. Paano ko ba siya ipakilala kay Dad?..baka magtampo na naman si Dad sa akin dahil hindi ko na nga sinunod ang gusto nila ay nagpakasal pa ako ng hindi niya alam. Bago pa ako nakapagsalita ay naunahan na ako ni Bennedick.

"Hi Dad..I'm Bennedick Montereal,Nhaiyah's Husband.."pakilala nito. Nanlaki ang mga mata ni Dad. Maging ako rin ay nagulat. Matagal nagsalita si Dad. Mayamaya pa ay may tumulong luha kay Dad. Pinandilatan ko si Bennedick.

"D-Dad..sorry dahil hindi ko nasabi na may asawa na ako.."wika ko.

"A-anak..bakit ka nagpakasal na wala kami sa tabi mo?" wika nito. I gasped. Parang hinaplos ang puso ko sa sinabi ni Dad. Ang buong akala ko ay walang halaga sa kanila ang ganun.

"Dad hindi ka ba galit sa akin?" tanong ko.

"No..bakit ako magagalit sayo kung nakikita naman kitang masaya kasama ang mahal mo."wika nito. Napalunok ako. Mahal daw sabi ni Dad. Mahal ko ba si Bennedick? Nabigla na lang ako nang hinapit ako ni Bennedick sa baywang. Parang ang daming dumadaloy na kuryente sa katawan ko dahil sa ginawa niya.

"Tama yan Dad kaya kung ako sa inyo magpagaling ka para makita niyo pa ang mga apo ninyo sa amin ni Nhaiyah."wika ni Bennedick. Nagulat ako sa pinagsasabi niya. Humanda talaga tong lalaking to sa akin mamaya. Nagliwanag ang mukha ni Dad.

"Talaga?..abay kung ganun okay lang sa akin na maghirap at mawala ang kompanya basta ba magiging masaya ang anak ko at makita ko ang mga apo ko mula sa inyo.."masayang wika ni Dad. Napabuntong-hininga ako. Masaya si Dad para sa amin ni Bennedick pero hindi niya alam na peke tong pagpakasal namin ni Bennedick. Gusto kong maiyak dahil pakiramdam ko madisappoint ko na naman si Dad sa ikalawang pagkakataon.

"Dad,.ahm h-hindi po kami--" wika ko at hindi natuloy dahil nagsalita na si Bennedick.

"Ah Dad..hindi na po kami magtatagal dahil may lakad pa kami ni Nhaiyah..We will come back tomorrow..Basta magpagaling ka Dad huh..at magpahinga ka na muna."wika ni Bennedick. Napailing ako. Ano ba talaga ang balak ng lalaking to?..Hinawakan niya ang kamay ko.

"Bennedick, alagaan mo ng maigi ang anak ko..alam ko kung gaano mo siya kamahal at gusto kong patunayan mo sa akin ng mahal mo talaga si Nhaiyah..I will make that as an inspiration para mas mapadali ang pag-galing ko..At sana dalian nyo ang pagawa ng apo ko.." wika ni Dad. Ngumiti si Bennedick. Ang galing talagang umarte ng asawa ko. Hay, paano ko kaya malusutan si Dad at gusto ko talagang ipaliwanag sa kanya na peke ang kasal namin ni Bennedick.

The Perfect Personal Maid (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon