Chapter 25-Meet my Sister

13.3K 225 0
                                    

Chapteq 25-Meet my Sister

Nagmulat na ako ng mata dahil alas otso na ng umaga. Sinadya ko talaga na tagalan ang gising. Wala akong ganang pumasok sa trabaho at isa pa ay inaantok pa ako. Hindi naman kasi ako natulog nung kaninang madaling araw dahil kahit anong gawin ko ay hindi ako makatulog at dahil yun sa lalaking katabi ko ngayon!.nakakainis! at hindi pa rin siya nagising. Nakalimutan siguro ng lalaking to na may trabaho siya. Hmmppf bahala siya. Total madami siyang kasalanan sa akin, hindi ko siya gigisingin. Ang sarap patayin ng lalaking to!Joke!.Bumangon na ako ng dahan-dahan para hindi siya magising dahil may kumakatok sa pinto. Pagkarating ko sa pinto ay binuksan ko ito at tiningnan kung sino ang nasa labas and it was Olimpiya. Ngumiti ako.

"May kailangan ka Olimpiya?" tanong ko.

"Ahh Nandyan ba si Sir?" balik-tanong nito. Tumango ako.

"Pero tulog pa." sagot ko.

"Ma'am kasi..kasi.."wika nito na hindi matuloy-tuloy. Simula nung tumira na ako dito ay 'Ma'am' na ang tawag nila sa akin dahil sa utos ni Bennedick. Napakunot-noo ako.

"Bakit?may nangyari ba?" tanong ko agad.

"May bisita po kasi si Sir.." sagot nito. Napailing na lang ako.

"Bisita lang naman pala eh..akala ko ano na..sino ba ang bisita niya?" tanong na para na namang nakaramdam ako ng konting jealousy. Ang OA ko lang talaga!

"Si Johanna raw po siya..yung sister daw po ni Sir." sagot nito. Johanna?siya yung sister ni Bennedick na sa matagal na panahon ay iniwan siya. Nanlaki ang mga mata ko at dali-daling isinara ang pinto na hindi alintana si Olimpiya at niyuyog si Bennedick na tulog pa rin.

"Hoy! gising!" yugyog ko sa kanya. Hindi pa rin siya nagising kaya't sinampal ko siya sa mukha dahilan para maalimpungatan siya at napabangon.

"What?!.bakit mo na naman ako sinampal!?..kita mong natutulog tong tao tapos sasampalin pa.!..ikaw ha nakakarami ka na sa akin. Pag ako di makapagpigil...ay ewan na lang sayo at ginising mo ba ako dahil may trabaho pa ako sa opisina?..Hon, ako ang amo ng kompanya kaya nasa akin ang desisyon kung magtrabaho ako o hindi." pagmamaktol nito. Parang sira lang.

"Pwede bang wag kang mag-inarte diyan?..ang tagal mong gumising ha parang wala kang trabaho..but anyway kailangan mong harapin ang Sister Johanna mo dahil dumating na siya." and by that biglang nag-lit ang mukha niya but I found it amusing.

"Nagbalik na siya?..nagbalik na si Ate Johanna?" tanong nito na parang batang matagal na iniwan ng isang magulang at sabik na sabik na niya itong makita. Nalungkot ako sa nangyari sa buhay niya and at the same time ay happy na rin ako dahil unti-unti ng bumabalik ang mga mahal niya na sina Irish at ate Johanna niya. Napaisip ako. Kailangan ko na bang umalis at lumayo kay Bennedick? total unti-unti ng nabubuo ang pagkatao niya dahil bumabalik na ang mga importanteng tao sa buhay niya kahit na hindi na maibabalik ang buhay ng mga magulang niya. Isipin ko pa lang na iwanan siya ay masakit na sa dibdib paano pa kaya kong totohanan na ang pag-alis ko?..Nakita ko si Bennedick na nakangiti sa akin at hinawakan ang mga kamay ko.

"I can't believe this is gonna happened to me Hon..mahal ko ang pamilya ko..They are my life..Kaya nung iniwan nila ako including Irish ay parang nawala na rin ang buhay ko..and then you came into my life at unti-unti silang bumalik sa akin..see?they loved me at thankful ako sayo dahil dumating ka sa buhay ko Nhaiyah...Magiging buhay na ulit ako.."wika niya at niyakap ako. Napanganga ako. Thankful siya sa akin dahil dumating ako sa buhay niya at bumalik na sa kanya ang mga mahal niya?..Ito na ba?Ito na ba ang sign na kailangan ko ng umalis sa buhay niya. Gumanti ako sa yakap niya at hindi ko maiwasang tumulo ang mga luha ko. Soooobbrang sakit sa dibdib..Dali-dali kong pinahid ang mga luha ko gamit ang mga kamay ko sa likod niya.

The Perfect Personal Maid (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon