Chapter 17- Meet Someone

13.1K 275 3
                                    

Chapter 17- Meet Someone

Author's Note:

Grabe pala ang galit ni Bennedick kay Mr.Villanueva noh?

By the way this chapter is dedicated to my high School friend who loves to read my love stories..Sweet Pearl and Jayde..kumusta na?

Nhaiyah's POV

"Just leave me Nhaiyah..hayaan mo muna akong mag-isa.." mahinahong wika ni Bennedick after kong mag-sorry sa panloloko ko sa kanya.

He knew me already!

Tama siya! isa akong duwag pero nanaisin ko pang maging isang duwag kaysa makasal ako sa lalaking hindi ko gusto! nakakasuka ang lalaking yun!at hindi ko maatim na magiging bahagi siya ng buhay ko! mamamatay muna ako bago niya ako pakasalan..

Punta ako ng kwarto at nag-isip...sana wag ipagsabi ni Bennedick na nandito ako sa poder niya..kailangan kong umalis dito bago mahuli ang lahat!

Ngunit bakit nasasaktan ako kapag nakikita kong nagagalit sa akin si Bennedick? at sa tuwing ma-iisip kong umalis sa bahay na to ay parang wala ng saysay ang buhay ko?..

dito ako nagkaroon ng desisyon sa buhay!

Pero bakit masakit?

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon!

May kumatok sa pinto.

"Ericka!..buksan mo tong pinto dahil may gusto akong sabihin sayo!" si Olimpiya.

Halatang excited sa sasabihin.

Binuksan ko ang pinto at pinapasok siya.

"Bakit?.." tanong ko dito.

"Papasukin mo muna ako..baka kasi hindi ko mapipigilan ang sarili ko." wika pa nito na nagniningning ang mga mata.

Mabuti pa si Olimpiya..kahit na mahirap at simpleng tao lang ay masaya ito sa buhay..Nakukontento sa maliit na bagay.

Pinapasok ko siya..

Hindi pa man kami nakaupo ay naglulundag na siya at yumakap sa akin!

"Ericka hulaan mo kung bakit ako masaya ngayon?" wika nito na kinikilig..

"Bakit?" matamlay na tanong ko.

"Kami na ni Freddie.,!! biruin mo yun sa pagtataray ko ay maiinlab pala ako sa kanya.." masayang kwento nito..

Hindi na ako magtataka dahil halata naman na pareho sila ng nararamdaman..

Lage ko nga silang nakikita na nag-uusap at itong si Olimpiya ay kilig na kilig kahit na noon panay pa ang tanggi.

"Talaga? masaya ako para sayo." wika ko.

Tinitigan niya ako.

"Yan ba ang masaya?eh malungkot ka eh!.tingnan mo yang mukha mo oh!.umiiyak ka ano? bakit ano ba ang ginawa ni Sir sayo at nagkakaganyan ka?" tanong agad nito nang mapansin ang lungkot ko.

Tumingin lang ako sa kanya.

"Olimpiya, paano kung ang kaharap mo ngayon ay hindi totoo?tatanggapin mo pa rin ba siya?" tanong ko dito at napakunot noo siya.

"Ano ang ibig mong sabihin Ericka? may tinatago ka ba sa amin?" sagot agad nito.

Napatungo ako.

Hinawakan niya ako sa balikat at tinitigan niya ako.

"Bakit mo ba nasabi yan Ericka?yan ba yung problema na sinasabi mo dati na hindi mo kayang ishare sa akin?" mahinahong wika nito na may kalakip na pag-alala.

The Perfect Personal Maid (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon