Dwayne's POV
---
Typical Day.
Nakatambay lang kami dito sa MI. Mineski Infinity. Dotahan syempre. Lalaki kami eh. Pero minsan nakakatanga din pala nu?
"Pare, shet naman to. Break nanaman natin ng 3 hours,tapos dito nanaman tayo tatambay? Wag ganun! Nagiipon ako eh!" Umpisang reklamo ni Gabbie.
"Bakit pre?Para san? Birthday ng mama mo?" Sabi ni Andrei. Loko na to, inaasar nanaman si Gabbie. Ako lang kasi nakakaalam na sinagot na sya ni Margaret ng G's. Infairness. Sinagot sya. Ang ganda kaya ni Margaret.
"Ungas. Sinagot na kasi ako ni Margaret! :)" Biglang ngiting aso si Gabbie. Minsan, siraulo din to eh. Kaso, ganun talaga kapag in-love.
Shet. In love? Di ko alam kung paano ko nasabi yun. Di pa naman ako naiinlove.
Bigla kong naisip magtanong kay Gabbie.
"Pareng Gab, pano mo nasabing in love ka kay Margaret? or, pano mo nasabing mahal mo na sya?"
Nagulat ang buong tropa sa tanong ko.
"O, bakit ganyan mga tingin nyo? Makabuka ng bibig oh, nganga. Ganun ba nakakagulat yung sinabi ko? "
Anlakas bigla ng tawa nila. Mga walang kwentang kaibigan eh.
"Dwayne, di kasi namin lubos maisip na sayo pa manggagaling yan. HAHAHAHAHA. Pwede pa kay Oliver o kaya kay Mitch pero sayo pare? Tipo mo yung hindi nagseseryoso eh!" Sabi ni Andrei na nangaasar pa. Tawanan ulit ang tropa.
"Mga gunggong! naisip ko lang. 18 na ko, wala pa din akong matinong relationship. I mean napapagod na din naman ako sa buhay ko na puro dota dota na lang." Seryoso ako dito. Di ko din alam kung bakit pumasok sa isip ko to, pero, push ko na to.
"Upo nga tayo Dwayne. Gusto mo ng beer? Tara inom. HOY mga ungas, dito nga kayo. Tulungan natin si Dwayne na marealize na bagay sila ni Chang. Ay este, marealize na madali lang mainlove :))" Ayos din naman tong si Gene eh.
"Ganda ng segue (segwey) mo Gene ah. Haha pero ganito mainlove pre. Yung sanay kang kasama mo sya. Kahit sa classes lang. Ako kay singkit na may braces. :">" Kinikilig pang sabi ni Oliver.
"Pucha tol, ang dami mong alam!" Nakakaasar tong lalaking to eh. Kala mo Psych. Hahaha. Di naman makaporma kay Pat. Tropa din nila Margaret at Chang.
"Manahimik ka Dwayne. Nagtatanong ka diba? Hmm, ako? Kapag love? Hmm, yun yung kahit malayo sya, kuntento ka ng nakatingin lang sa kanya. Or kuntento ka ng kasama sya minsan sa isang linggo." Si Mitch naman ang humirit ng mga banat nyang advices.
"Malalaman mo yun kung bigla ka nalang napapangiti ng walang dahilan. Ay, meron pala. Kung sinuman yung maiisip mo, yun yung magpapangiti sayo. Pwede rin kapag alam mong andyan sya, kinakabahan ka.."
"Or di naman kaya Dwayne, yung konting joke nya lang, tumatawa ka na. Kahit yung wacky face nya lang, tawa ka na ng tawa. Ganun!" Si Ross naman ang nagsalita.
"Tsaka dre, concerned ka sa kanya. Maambunan lang sya, di mo gusto. At pinakahuli sa lahat, LAGI MO SIYANG NASA ISIP. KUSA SIYANG PUMAPASOK SA UTAK MO. Di mo naman gusto yun pero lahi niyang nagagawa." Galing din bumanat nito ni Andrei minsan eh. Matino naman sya kasi, mukha lang hindi. =)))
"Crush pa din naman kita. Ikaw naman. Haha sige na nga sabay ka na sakin"
Wow. Bakit bigla na lang pumasok si Chang sa isip ko?
"So bakit mo ba talaga natanong yan Dwayne?" Eto namang si Gabbie di na ko tinigilan.
Hindi ko naman sya iniisip ah? Bakit pagkatapos ng sinabi ni Andrei, bigla na lang sya pumapasok sa isip ko?
"Crush pa din naman kita. Ikaw naman. Haha sige na nga sabay ka na sakin."
Ayan nanaman sya oh! Tskk. Nalintikan na.
"Dwayne!!!!!!"
"Ay putek. Bakit ba?!"
"Sino pumasok sa isip mo? :)" Sabi ni Ross. Hala! Pano nya nalaman na may iniisip ako?
Nakunot tuloy noo ko.
"So meron nga?" Tumatawang sabi ni Mitch.
"Ha? Ah, eh, ahm, oo." Wala eh, tropa naman to eh.
"SINOOOOO?!?!?!" Ano to? Hot seat ako agad? Grabe tong mga kaibigan ko, minsan feeling ko mga bakla tong mga to eh.
"Si ano, ahm, si.. Si Chang."
*HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!*
*YIIIIIIIIIIIEEEEEEEEEE!*
Umulan ng asaran at kantyawan sa MI. Syempre, kagagawan ng mga tropa ko. Bakla nga kasi. Tsk.
"Bakit ba ganyan mga reaksyon nyo? Parang mga nanalo kayo ng lotto o kaya sinagot na kayo ng nililigawan nyo!" Nakakairita talaga tong mga to. Isa pa talaga.
"Tara pare, alam ko kung nasaan si Chang. Dali! Andun din si Pat eh!" Etong si Oliver eh parang poporma din.
Teka, poporma din? Naisip lang si Chang, poporma na agad? Di pwede. May boyfriend sya.
Bakit parang ang sama ng naisip ko? Parang sinasabi ng puso ko na dapat akin sya? Bakit ganun?
"Teka pre, san kayo pupunta?" Aba iiwan pa ata ako?
"Sa dorm :)" Sabay sabay nilang sabi. At mga nakangiti pa ang mga loko!
No choice din naman ako, kaya pumunta ako.
---
Sa dorm.
"Hi G's!" At dahil napilit ako ng tropa ko, ako nga ang unang bumati. Pero sumabay din naman lahat. Mga hunghang. =)))))
"Hi Pillows ko :) I miss you :3" Hay, lakas talaga ng kamandag nitong si Gabbie.
Asaran naman sa baba ng dorm :)))) grabe kasi si Gabbie eh, di din namin alam kung pano nya nabili yung flowers nya pero meron eh. =))))) Grabe lakas! HAHAHAHA.
"Kelan kaya ako magkakaron ng ganyan?" Sabi ni Marie.
"Bukas na babe, mahal ang bulaklak ngayon eh. XD" Kita mo tong si Andrei, lakas din eh. Haha kapal ng mukha! XD
Sa sobrang tindi ng asaran, nagulat akong napapansin ko pa din si Chang. Grabe na to.
"Sakit na ng panga ko kakatawa! HAHAHAHAHAHAHAHA." Sabi ni Chang. May naisip akong banat kaso..
DI KO NAPIGILAN BIBIG KO.
"Chang, lika dito. Ikikiss ko para mawala." Seryoso pa sya talaga. Anaknampating, anong pumasok sa isip ko? Pero tumahimik lahat. Parang sinasabi na, "gawin mo na yung gusto mo."
Hahalikan ko ba? Hahalikan ko ba?
Di ko na inisip.
"Uyy, haha kala mo naman Chang. Mamaya na, para private."
HAYYYYYYYY.
Buti napigilan ko sarili ko.
=============================================================
A-N: Vote, Comment and Suggest! :)
@CC <3