Chapter 20 - Ross and his Secret
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------
POV ni Ross
The dream started like this..
Nasa isang secluded na lugar daw ang tropa.
Lahat kami by partner. At yung partner ko, sobrang maganda. Parang anghel?
Nginitian nya ko. Nagsmile din ako sa kanya. Yung mga mata nya parang ang sarap lang titigan. Parang nalulunod ako kapag tinititigan ko.
Biglang nagshift yung panaginip ko.
Sumisigaw daw yung mga tropa ko. Pagharap ko wala na yung anghel. Nasan na sya?
"Ross! Tulungan mo ko!" May sumisigaw, tinatawag ako.
Nasan yun? Ang ganda pati ng boses nya.
Lumingon ako sa dagat. Parang may mali. Parang may hindi dapat.
At nakita ko sya. Yung anghel na nakangiti kanina, halos lamunin na ng dagat.
"Tulooooooooong!" Sigaw ulit nung anghel.
Nagshift ulit yung panaginip.
Bitbit ko na yung anghel pabalik sa pampang.
Sana buhay pa sya. Sana sakto yung dating ko para tulungan sya.
Pagdilat nya, nung makita ako, ngumiti ulit sya.....
"PRECIOUS..."
*end of dream*
"PRECIOUS..."
"Hmm..." Ay pucha. Nagising nanaman ako na yung pangalan ni Prey yung binabanggit ko. Simula nung nag-Laiya kami at muntik na syang malunod, puro yun ang panaginip ko. Bakit ganun? Nailigtas ko naman sya, pero bakit parang takot na takot pa din akong mawala sya sken?
Gumising na ko ng tuluyan. Nga pala.
May pasok nanaman. Makikita ko nanaman sya.
Pagdating sa MI, kumpleto na tropa. Maliban kay Ollie na di na part ng tropa. Well, part pa din, but due to certain circumstances, umalis sila ng family nya. Ollie is now in the States with his family. Saklap lang dahil hindi ito naikwento ni Author. Medyo narush din kasi.
Ang nakakatuwa lang, may bago naman kaming tropa. Si Clu. Tropa sya ni Manansala na well, kasa-kasama na din namin. Literally, syaa ng pumalit kay Ollie sa barkada. Lalo na sa buhay ni Patricia. Yes, parang may Mutual Understanding na sila. Mas malala nga lang yung kay Chang at Dwayne, pero yun naman kasi, komportable na sila sa isa't isa.
"Hoy Ross. Tagal mo ah."
"At sayo pa nanggaling yan Dwayne. Tsk. Palibhasa, maaga ka ginising ni Chang eh." Kala mo Dwayne ah. Haha.
"Eh. Yun na yun pare." At nagtawanan ang tropa.
Maya maya, lahat naging busy na sa mga katext nila. Si Gabbie at Dwayne nga may katawagan pa. Si Benito, Mitch at Andrei naman mga pangiti ngiti pa kasi may mga katxt din. Ultimo si Clu nga may kausap din eh! Malamang si Patricia. Tskkkkk. Pero ako, nganga. Tssss.
Lumapit ang mga mokong saken maya maya.
"Ross Jerel." Tinapunan ko ng masamang tingin si Dwayne. Ayoko kasing tinatawag ako sa buong pangalan ko. Jerel? Gay diba. "I know. Naiinggit ka sa min. Bakit pa kasi di mo itext si Prey?" Bakit nga ba?
"Bakit si Prey?" Maang maang pa ko kunwari.
"Like Duuuuuh!" Sabi nilang lahat. Sabay tawa.
"Sabi ko na eh, mga bading kayo. Tsk."
"Nakuha ko lang kay Tin yun eh." Sabi ni Benito.
"Ako kay Pat." Malamang Clu. Tsk.
"Kay Anne ko nakuha yun." Si Mitch naman.
"Ako kay loves." Sabi Gabbie.
"Hmmm kay Marie. Cute nga nya kapag ginagawa nya yun eh." At nagreminisce pa si Andrei.
"Ako kay babe." Lahat naman nagtinginan kay Dwayne.
"What? Babe tawag nya saken eh." Tumawa nanaman ang buong tropa.
Ng matapos ang kulitan, naisip kong itext na si Prey kaso, paalis naman na silang lahat dahil pupuntang dorm. May klase kasi kami na kaklase namin ang G's.
Pagbaba ng mga girls, syempre ako nalang walang kapartner.
Dun ko na naisip kausapin si Chubby Cheeks.
Yup, tawag ko sakanya yun. Pano ang cute kasi ng cheeks nya. Ang chubby. :)))))
Di nya pa alam yun syempre.
"Hi Chubby Cheeks." Ngayon pa lang.
"Hala, Chubby Cheeks? Di naman ah?" Nagpout pa sya. Shet, parang ang ganda ganda nya ngayon ah. Parang nagiba din sya ng shade ng lipstick. Shet tang*na nababading nako.
"Haha, wag ka nga magpout, baka mainlove ako sayo nyan." Ayan, nasabi ko na.
Matagal ko na siguro syang gusto. Pero natakot ako sa mga maaaring mangyari. Parehas kasi kami ng organization at senior ko sya. Di kasi yun pwede. Hayyy. Pero ano magagawa ko? Di ko mapigilan. Lalo na nung nagLaiya ang tropa. Sobrang natakot akong baka mawala sya sakin ng di ko nasasabi sakanyang mahal ko sya.
"Ross Jerel Marasigan, wag kang magbiro, baka totohanin ko." At nagblush sya.
Ang ganda talaga nya. As in.
Magustuhan kaya nya ko?
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------
A/N: Hi po! Ako ulit, suuuuper tagal bago ako nakapagupdate! Pero magsusulatna ulit ako. Hahahaha! Peace! <3
CC <3