Chang's POV
---
End of August na pala? Shet. Parang 1 week na lang pala, Debut ko na. Yes, haha, debut ko na. 18 pa lang ako sa birthday ko. Medyo sadness overload lang, di ako makakapag-celebrate. :( Ooperahan kasi lola ko. Well atleast maoperahan na si Mama :)
Anyway, basta may regalo sken si AA masaya nako. :))
Pati pala si Dwayne.
Hmm, kahit naman sila lng magregalo sa kin, masaya na ko. Hello? Syempre lovelife yun! Hahahaha, okay medyo malande. XD
Ayun, saturday ngayon at namiss nanaman daw ako ni Dwayne kaya andito sya ngayon sa bahay. Ewan ko ba dito. Kulang nalang sya manggising saken eh. Hayyyy. (Syempre, di na ko choosy kaso, kapag umaga, alam nyo na, morning blessings, kakahiya =D)
"Kuya Dwayne laro tayo basketball!" Sigaw ng pinsan kong makulit. Close sila nito ni Dwayne eh. Hmm well kahit naman kay AA close sila. Siguro, wala lang kasi sila ng kambal nya na kuya.
Lumapit sakin si Dwayne.
[A & D Conversation#24]
"O, Mrs. Castillo, yung kwintas ko, pakihawak ah?" pagkasabi nya, ngumiti pa. Talaga naman.
Teka? Mrs. Castillo daw? Ano ko asawa nya? For your information readers, Dwayne Joshua Castillo po kasi whole name nya.
Hinampas ko nga.
"Maka-Mrs. Castillo ka ah! Asawa mo ko?!"
"Bakit? Di pa ba?" Umaarangkada nanaman tong si Mr. Banatero, pucha.
Papatulan ko to! Sabihin ko, Oo sge asawa mo na ko! Shet. may boyfriend nga pala ko. Self-Control nasan ka kapag kailangan kita?!
"Leche Dwayne, maglaro na nga lang kayo dyan." Layo na habang malayo pa :)))
Habang naglalaro ang mga mokong, nagbabasa ako ng wattpad. Eh ang tagal nilang maglaro. Tinatamad nako. Nagsoundtrip naman ako next. Sunday Morning by Maroon 5. Natawa ako. Saturday palang kasi. Tapos, afternoon. Makagawa nga ng kantang "Saturday afternoon" ang title =)))))) Okay corny. XD
Hndi ko namalayan Nakatulog na pala ko sa swing namin.
Nagising na lang ako na wala na si Dwayne. Tignan mo nga naman ang kamote, di man lang nagpaalam sakin. Tskk.
Pagpasok ko sa kwarto para matulog ulit, may nakita akong note sa kama ko:
"Chang.
Pasensya na, di na kita ginising. Sarap kasi ng tulog mo eh.
Ang cute mo pa tignan. :)
Haha. Di joke yun ha? Totoo yun. Hmm ayun, kung nabasa mo na to, nakauwi na ko. Napagod na din kasi ako eh. Text na lang kita kung sabay ako ng Monday.
Ingat ka ng Sunday! ;)
-D"
Awww :"""> Tignan mo to si bakla. Sweet din pala. :))
Nakatulog nanaman akong nakangiti dahil sa kanya. This is life :p
---
Sunday morning :)
(HAHAHAHA. Naalala ko ulit yung joke ko. XD Sorry, si Author kasi eh :3)
Magchurch kami ng 4pm sa Pagasa. Hindi ung PAGASA na para sa weather forecasts ha? Pagasa yung subdivision samin :)
May nagtext sakin:
[From: Dwayne
Chang! San may magandang church dito satin? Magsisimba kami nila papa eh. ]
Hmm, nasaktohan naman. Tsk.
[To: Dwayne
Sa Pagasa Dwayne.]
Bigla namang nagring phone ko.
"Hello?"
"Chang? Anong oras mass dun?" Si Dwaynedelion lang pala. XD
"4 start. Pm ah!"
"Hmm, sakto. Magsisimba ka ba?"
"Kung andun ka, wag na lang."
"Chang naman. Peace muna tayo nun. Grabe ka namn eh, nasa simbahan na nga tayo, inaaway mo pa ko."
"Excuse me, wala pa tayo sa simbahan. At di kita inaaway nu."
"Ano pala tawag mo dyan?"
"Tinatarayan lang kita. Bleh!" Hahaha. Kita mo tong si Dwayne, andali mapikon. Hahahaha!
"Sige, Chang. Alam mo kung pano ko mapikon!"
"Suuus, sge nga, pano?"
"NANGHAHALIK AKO."
Bigla akong kinabahan. Mukhang tototohanin nya banta nya. Kaya tumigil na ko. Mahirap na, baka mahalikan ko sya. Ay, sya pala manghahalik. Haha. Sorry, excited lang. =))) Medyo feeler. Kala mo makakahalik talaga sya. Nasa Phone lang naman kami. XD
"Ano? Payag ka na? Sabay na tayo ah."
"Hmm? Oo na."
"Yan! Haha see you later Chang :)"
Nako, mamomroblema nanaman ako ng damit ko nito! Syempre dapat maganda :)))
Pagdating ng 4pm, dumating si Dwayne sa bahay.
"Hi Chang!" Ngiti nanaman si mokong.
"Dwayne, dyan ka na pala. Papa mo?"
"Ewan ko ba dun, biglang di na daw sya magsisimba. May tatapusin pa daw sya sa opisina. Ayun, umalis."
"Ha? Edi di kna sasama?"
"Sasama. Kaya nga ako andito dba?"
Anubayan. Kala ko ligtas na ko. Haha.
Ayun, papunta na kami sa simbahan. Kami pa magkatabi. Sa hinaba-haba ng van namin, magkatabi kami.Oh dba?
"Chang, soundtrip tayo." Tapos pinahiram nya earphones nya sken.
"When Im with you, I'll make every second count, coz' I miss you..
Whenever you're not around. When I kiss you, I still get butterflies years from now..
I'll make every second count.. When I'm with you.."
Ganda talaga ng kantang to. When I'm With You by Faber Drive.
Pagdating sa simbahan, start na agad mass. Hindi ko sya pinapansin. Kapag kumakanta naman, di ko kayang lakasan boses ko. Pero nakanta ako. Hayyy!
Naghomily na. Tapos Consecration. Tapos, Our Father. Ama namin. Shumayyy! Syempre magkatabi kami. Hinawakan nya kamay ko! Salamat sa Diyos! :) Mabait talaga si Papa God sakin! :)
After, peace be with you na. Syempre, beso-beso ako sa family members. Sakanya? Hmm hindi ko din alam gagawin ko eh.
"Chang, Peace be with you :)" Sabay yakap sakin. Semi-Hug lang naman. Yung parang inakbayan nya lang ako. Ganun. Pero, ang bango nya talaga. Grabe.
"Peace be with you din :)" Ngumiti na lang ako. Medyo kabado eh. Hahahaha.
After nun, communion tapos okay na.
Pauwi na :)
"Chang, ang saya pala magsimba na kasama ka. Ay, este yung pamilya mo pala." Bglang sabi nya, pasakay na kami sa kotse ult nun.
"Ako Dwayne, sanay na sanay na. Haha."
"Pero, uulit ako ah? Next sunday ulit?" At parang nagmamakaawa pa yung mata nya. Ano ba yan, di nanaman ako makakahindi nito!
"Hmmmm, ahm, oo na nga."
"Yehey! Salamat Chang!"
Tapos, niyakap nanaman niya ko. Yung yakap talaga. Hindi pwede to.
DI PWEDE TO! OH NO!
==============================================================
A-N: Medyo nakakaloka tong chapter na to. Haha. Anyway, Vote, Comment and Suggest! :)
@CC <3
