Chapter 19 - Benito, My Hero! :">
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Tin's POV
Jusko!
Jusko talaga!
Lord naman, wag nyo naman pong kunin si Benito! Di baleng ako, wag lang sya! Looooord! Please naman!
Yan lang ang tumatakbo sa isip ko habang papunta kami sa School Clinic ng Malaya. Naloloka na talaga ako! Di ko kaya!
Papunta na kaming Clinic ni Benits, sakay kami ng ambulance ng school. OA na kung OA pero malakas yung tama ng bola sa mukha nya eh.
Bola na para sakin. Bola na dapat sa mukha ko tumama. Di ko alam kung pano sya nakarating sa harap ko just in time para sya yung matamaan nung bola na yun.
SANA AKO NALANG NATAMAAN NUN EH!
Nakarating kami sa clinic.
Habang tinitignan na sya ng school doctor, ako naman, di mapakali sa labas.
Pano kung paggising nya di nya ko nakilala? Pano kung nagka-Amnesia sya?! Ano sasabihin ko sa parents nya?!
Oh Our God!
"Miss?" Shet tinatawag na pala ako nung nurse.
"Pinapatawag na po kayo ni Doc sa loob."
Pumasok naman ako.
Eto na to! Loooord please sana walang nangyaring malala sa kanya! Yan ang mantra ko habang papunta sa room kung saan in-examine si Gene.
"Goodafternoon Miss. Upo ka." Hala ano na kaya nangyare!
"Miss, mukha kang pinagsakluban ng langit at lupa ah? Relax. Your boyfriend is fine. Nagpapahinga lang sya ngayon. Maya maya pwede na din kayong umalis."
Relief. Yun agad ang pumasok sa isip ko. Thank you Lord! Teka, boyfriend?
"Kaso, syempre, somewhat head injury ang nangyari sakanya. Di naman ganun ka alarming, dahil mild lang ito. But as far as his head injury does not subside, I need you to buy his medicines for him. He needs to take them later kapag nakarecover na yung misomng katawan nya. Meaning, hindi masyadong wobbly yung knees nya and hindi ka dalawa sa paningin nya. Ayun lang naman. You have to listen carefully okay? Ganito kasi yun..." Blah blah blah.
Sa lahat ng sinabi nung doctor nakikinig talaga ako. Nako. Andami pang kailangan malaman i Gene bago sya madedo!
"Yes doc, salamat po. Naintindihan ko na po lahat."
"Osha hija, pwede mo syang puntahan. After 30 minutes, pwede na kayong umalis. But make sure he is well provided for."
"Opo. Salamat po ulit." Yun lang at umalis na yung doctor.
Naiwan kaming dalawa ni Gene sa loob. Kaso sya, tulog. Hayyy. Wala naman ako magawa kundi titigan lang yung pogi nyang mukha. Titig. Titig. Titig.
"You know, Tin, its rude to stare. Lalo na kung di alam nung tinititigan mong tinititigan mo sya."
"Ay Kalabaw! Benito? Gising ka na?" Laki ng gulat ko. Nahuli tuloy akong nakatitig sa kanya! Shett.
"Oo, kanina pa. Habang andito yung doctor." Sabi lang nya na nakangiti pa. Grabe talaga to.
"O? Edi narinig mo lahat pala?"
"Yup. Lalo na nung sinabi nung doctor na, 'Your boyfriend is fine.' Di mo tinangging boyfriend mo ko. Wuhahahaha!" Wow. Sa dami ng narinig nya, yun lang ata natandaan nya. Pishhh.
"Gene Benito. Di lang yun ang sinabi nung doctor pero yun lang ang natandaan mo? Ay kamote. Bahala ka nga dyan." Kala mo ah, wowalkoutan kta dyan.
"Tin, sorry. Pero gusto ko lang naman patawanin ka. Alam ko nagalala ka saken."
"Alam mo pala? Okay lang sana na ako matamaan nun eh! Ang payat payat mo kaya! Matangkad ka lang! Tapos kala mo madali magkahead injury? Susumbong kita sa Mama mo! Di mo man lang naisip yung iisipin o mararamadaman ko kung sakaling nawala ka! Selfish ka! Sarili mo lang iniisip mo!" Ayan, pumitik na ko. Tssssss.
"Sorry na Tin. Alam mo kung sino iniisip ko kanina? Ikaw. Ayokong may mangyaring masama sayo. Di ko kaya. Mahal na mahal kita Tin eh. Okay lang na ako,e ag lang ikaw. Sorry na." Shet umiiyak sya!
"Okay na yun Benito, please wag ka na umiyak, bawal sayo yan, baka sumakit ulo mo! Tahan na be. Please?" Hala ka Christine Grace Alguerra!
"Oo na love. Di na kita pagaalalahanin. Promise!" With matching right hand raise pa.
"Oo na oo na. Sige na. Okay ka na a? Wala naman masakit sayo? Puntahan na natin sila. Nagaalala na yun. May klase pa din tayo diba?"
"Oo nga pala nu? Hmm okay na ko basta andyan ka." Sabay smile. Shet. Di ko mapigilan bibig ko.
"Sige na, tumayo ka na dyan Benito at ng makaalis na tayo. Pasalamat ka Mahal kita eh."
"HA?"
"Wala, sabi ko tara na."
"Hindi yun sinabi mo eh!"
"Narinig mo naman pala eh, bakit nagtatanong ka pa?"
"Ulitin mo."
"Ayoko."
"Dali na love. Please?"
"Hayy. Sige na."
"..."
"Pasalamat ka, mahal kita."
"Mahal na mahal din kita Tin. Salamat. Alam kong di mo pa ko sasagutin, and nirerespect ko yun. Basta mahal kita, lagi mo tatandaan. Halika na. Hanap na nila tayo. Baka pag di pa tayo umalis, mahalikan kita dito. Tara."
Kita mo to.
Buti na lang talaga mahal ko sya eh. At alam nyang di pa ngayon yung panahong sasagutin ko sya.
Buti nalang, okay na si Love. :"""">
Konting hintay na lang, sasagutin din kita ;)
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------
A-N: Hello :) nakapagUpdate na ulit. Please promote naman po this story. First story ko po kassi to. Haha. Hmmm ayun, Vote, Comment and Suggest po mga plots na pwede. Salamat :)
@CC <3