Chapter 11C - Back to Reality

42 2 0
                                    

Sana po magustuhan nyo tong pov ni dwayne. Medyo madrama lang :)

Xiaoo!

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Dwayne's POV

Hapon na kami uuwi. Yun ang napagpasyahan naming lahat na oras para bumalik sa realidad.

Mutual decision yun dahil nga di kami pwedeng bumiyahe hangga't di okay si Prey.

Mga 10am pa lang yun at ang alis namin eh mga 4pm pa. Medyo mahaba pa ang oras kaya naisip kong bumalik muna sa cabana. Mamaya na lang daw kasi ang lunch namin, pahinga na daw muna kaming lahat.

Pagdating ko dun, si Margaret at Gabbie, nakahiga at tulog na tulog sa baba. Syempre, magkayakap pa. Ano ba tong dalawang to, hanggang sa pagtulog, sweet pa din.

Inikot ng mata ko ang buong cabana hanggang sa nahanap nya ang hinahanap nya. Si Chang.

Andun sya sa kama at nagbabasa.

"Hi Chang." Its the least I could do to comfort her. Muntik na kaming mawalan ng kaibigan dba.

"Uy, Dwayne ikaw pala." Then she smiled. Di ako nakapagpigil.

"Bakit lagi ka ngumingiti kahit na alam kong nasasaktan ka din?"

"Ano ba yang mga tanong mo Dwayne Joshua?"

"What? Sagutin mo na lang."

"Ayoko namang gumaya sa kanila. Ayokong maging mahina sa mata nyong lahat."

"Andito naman ako Chang eh."

"Dwayne, bata palang ako sanay na akong magisa. You of all people should know that. Ayokong umaasa sa iba. Hindi ako sanay. Tsaka, ako nga nagpapatawa sa kanila eh. Tapos iiyak ako? Pano ko sila mapapangiti nun dba?"

"Bakit minsan ba Chang naisip mong pasiyahin ang sarili mo? Hindi lang puro ibang tao?" Di ako papatalo sayo Chang. You'll need me.

"Bakit ko iisipin yun? Eh yung kasiyahan ko, di naman magiging masaya sa piling ko? Bahala na syang sumaya. Kung saan sya masaya suportahan taka." (Taka=Kita)

"Bakit tinanong mo ba yung kasiyahan mo kung masaya sya ng malungkot ka at wala ka sa tabi nya?" Pucha parang iba na pinaguusapan namin ah?

"Bakit ko pa sya tatanungin kung obvious na din ang sagot diba?"

"Minsan iba ang obvious mong nakikita kaysa sa nararamdaman o gusto ng tao. Bakit pag tinanong ba kita kung masaya ka ba ngayon, masaya ka ba talaga? Hindi diba! Pero ang obvious na nakikita ko ay isang babaeng maganda't masaya. So pano naging obvious yun dba?" Ha! Kala mo ah!

"Okay, you win. Ngayon lang to. Pero natakot ako para kay Prey. What if di sya nasave agad ni Ross?" Then, she started to cry.

"Ross came in time. Yun ang mahalaga." Di ko natiis, nilapit ko sya sa balikat ko. Pinasandal ko.

"What if ako yun? May magliligtas kaya saken?"

"Hindi ko hahayaang mangyari sayo yun Chang. Andito ako." Totoo to, lahat ng sinasabi ko, totoo. Magulo isip ko, pero totoo lahat to.

"Pano kung sumisigaw ako, pero di mo naririnig? Pano kung di na ko makasigaw? Maliligtas mo pa ba ko?"

"Di kita hahayaang mawala sa paningin ko. Lalangoy agad ako para sagipin ka, di ka pa nalulunod. Andito ako Chang. Lagi mo sana iisipin yan." Kasi mahal na ata kita.

"Oo, kaibigan mo ko eh. Diba?" Tapos tumingin sya saken.

Tangina. Sinabi ko nga pala yun sakanya.

"Ahm, ah, oo Chang."

Di na nagsalita ulit si Chang. Medyo paranoid, nagalala naman ako. Pero after 10mins na di sya gumalaw, tinignan ko na sya sa balikat ko.

Nakatulog na pala sya.

Iniayos ko sya ng higa. Tutal naisip kong matulog na din dahil puyat kaming lahat, pinagisa ko na lang kami ng unan. Pati kumot hati na din. Malamig naman sa cabana eh.

Kinumutan ko sya tapos humiga na din ako.

Nakaharap sya saken. Sinadya ko talaga yun para nakikita ko yung mukha nya. Bakit ngayon ko lang nagawang mahalin ang isang kagaya nya? At ang nakakabuset pa, hanggang ngayon di pa rin ako sigurado sa nararamdaman ko. BLURRY PA DIN SYA PARA SAKEN.

HAYYYYYY.

After 10minutes pa ulit ng pagtitig lang sa mukha nya habang tulog, nakatulog na din ako.

---

Yun na yata ang pinakamasarap na tulog ko sa mahabang panahon.

Parang may mabigat lang sa tiyan at balikat ko, pero may mabango akong naaamoy.

Parang ayaw ko munang gumising. Hmmmmm. Hay, sige na nga.

Pagdilat ko, nakayakap na sakin si Chang. Parang huminto ang tibok ng puso ko. Di ko akalaing makukuntento ko sa ganito. Parang sanay na ko.

"Hmmmm?" Gising na si Chang! Syett! Sana hindi pa!

"Dwayne? Gising kna?"

"Hmmm? Oo. Bakit chang? May masakit ba sayo? Ano nararamdaman mo?" Paranoid lang?

"Wala Dwayne. Ambango mo lang kasi ehh. Hmm anong oras na?"

Takte may relo pala ako, kung saan saan ko hinahanap cp ko eh.

"Hmm 1:30pm. Bangon na tayo?"

"Tara, wala na din sila Gabbie eh."

5 Minutes lang nagdaan, lumabas na din kami.

Pagdating namin sa kainan, andun na si Prey. Kumakain na, kahit kedyo matamlay pa din. Binati muna namin tapos kumain na kami sa tabi nila Margaret.

May binulong si Margaret kay Chang na ikinatawa nito. Medyo nagulat pa ko na tumingin saken si Chang, tapos tumawa ulit. Nacurious naman ako kung bakit kaya nagtanong ako.

"May dumi ba ko sa mukha?"

"Pre, wala. Kumain kna lang dyan." Si Gabbie na ang sumagot dahil busy si Chang at Margaret sa pinaguusapan nila.

Pagktapos ay bumalik kami sa kabilang parte ng isla. Syempre sobrang maganda ang view, hindi nila napigilan ang magpicture picture. Photographer kami ni Gabbie. Ewan ko ba, di ko naman pinangarap to.

"Uyyy Dwayne, smile! Picture kayo ni Chang dali!" Sabi ni Tin. Galing talaga nitong mahal ni Benito. Tskkk. Katabi ko na pala si Chang. Ngiti naman ako.

Tapos nun umalis ulit si Chang. After 30 minutes balik na kami. Nagayos konti ng gamit, tapos hinintay yung van na inarkila namin.

Sa van, partner partner nanaman. Hilig nila yun eh. Palibhasa, si Ollie masaya na din sa improvement ng love life nya. Masaya din naman ako. Hmmm, kahit wala namang improvement.

Kantahan naman ang nangyayare sa van habang byahe kami pauwi. Pero tong katabi ko, babdtrip dahil inaaway sya ng bf nyang si AA. Jusko eh mas pogi naman ako dun. Kung di lang ako may respeto sa kapwa ko lalaki, nasa akin na ngayon si Chang.

Pero di pa din eh. Di ko nakikita sarili ko kasing may gf eh :( may mali ba sakin?

Hayy. Hanggang sa nakatulog ulit lahat dahil sa sobrang pagod.

Ako naman, tinitignan ko lang si Chang. Kinakantahan ko din sya.

Hanggang sa makaramdam na din ako ng antok.

Pano pala yun nu? Back to normal lahat? Back to reality? Ibig sabihin! Di na ulit sya saken. Pano kaya bukas nu? Maiisip ko siguro lahat ng nangyari ngayon araw araw. Hayyyyyy. =((((

BUKAS KO NA IISIPIN KUNG PANO ITULOY ANG BUHAY NA HINDI SYA KASAMA.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

A-N: hello po! Pasensya na po medyo madrama ang 11C. Unusual dahil POV ni dwayne pero, dadami pa din. So Vote, Comment and Suggest guys! Pleaseee!

@CC <3

Mr. BanateroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon