Another Heartbreak </3
---
Naging maayos naman yung buong araw ko. Pasok sa mga klase, chika sa mga kaibigan, sagot sa mga tanong ng prof, kain ng kung anu-ano, hintay sa wala.
Oo, naghihintay nanaman ako sa wala. Naghihintay ako sa wala sa boyfriend kong alas-cuatro na ng hapon tulog pa. Naghihintay ako sa boyfriend kong alas-cuatro din ng umaga naulog dahil nagdota pa kasama tropa nya.
Iniisip nyo siguro bakit ko sya pinapabayaan. Ayoko na kasing gawin nya sakin yung ginawang pangloloko sakin noon. Wala daw akong time para sa kanya. At dahil mahal na mahal na mahal ko nga sya, nilunok ko lahat ng katinuan ko at pinairal ang katangahan. Kaya ayun, nararamdaman kong sya naman ang walang time skin.
OO, NARARAMDAMAN KO.
Ikaw ba naman na paggising mo, patulog pa lang sya. O kaya, pagtulog mo, gising pa lang nya. Ano kayo magkabilang mundo? Buti sana kung nasa ibang bansa sya eh. Kaso, 100 steps lang mula bahay ko, bahay na niya. Palibhasa, di kami legal. Pero sapat na dahilan ba yun?
Sinabi kong okay lang sken. Tinanggap ko, nilunok ko, naghanap ako ng compromise. Para kahit paano, magkita kami ng isang beses sa isang linggo. Pag ako naman ang humihingi ng effort sakanya, parang galit pa sya. Sa lahat naman ng pwedeng makalimutan nya, yung pageeffort pa, na syang nagustuhan ko NOON sakanya.
Paguwi ko, syempre hinatid nanaman ako ni Dwayne sa bahay. Masaya nanaman ako. Tawa ako ng tawa sa mga corny nyang jokes. Mga 9:30pm na kami nakauwi kasi may inasikaso pa para sa bazaar namin. Syempre, matutulog na lang ako ng mga ganung oras. Chaka naman magdodota nanaman si AA pati tropa nya.
AA nga pala, for Air Andrew.
Sakin naman okay lang. Naghihintay ako hanggang sa makakaya ko. Di ko din kasai kayang matulog na alam kong nasa labas sya. Baka kasama nya pala yung babae nya noon dun. P*ta diba?
As usual, pinabayaan ko sya. sasabihin nanaman kasi nya na yun na lang naman ginagawa nya. Drop out kasi sya. Not that ikinahihiya ko sya. In fact, nung mga panahong di pa nya ko niloloko, pinagyaabang ko pa sa tropa na lalabas kami, na magkatext kami, na magkausap kami, na tumawag sya, na sabay kami matulog. Eh ngayon? Maiisip ko pa bang makapagmalaki kung wala naman akong ipagmamalaki na?
Tinawagan ko sya para maggoodnight. Yun man lang dba?
* kring! kring! kring! *
"Hello baby!" Pinaaigla ko boses ko.
"Hello, naglalaro ako, bakit ba?"
"Ahm, ano kasi, ano baby, ahm.." Di ko pa natatapos sasabihin ko, sumagot na sya.
"Dali na naglalaro ako, ano ba yun?" OUCH. </3
"Ano baby maggoodnight lang ako, magtext kna lang po after ah? Mahal na mahal kita!" Sinabi ko sa pinakamabilis kong kayang sabihin ng hindi nabubulol.
"Sge na baby, goodnight. love you. love you."
* toot toot toot *
Binaba ko na dahil di ko na kaya.
Hanggang sa umiiyak na pala ko. T___T
Cycle na to sa araw-araw ba namang nangyayare saken pero bakit masakit pa din? =(((
Biglang umilaw cellphone ko.
Baka sya. Kahit maggoodnight man lang dba?
[From: Dwayne
Goodnight Chang :) May sasabihin ako sayo, kaso bukas na.
Tulog ka na ata eh. Haha ge. ]
Sya pala. Nagreply ako.
[To: Dwayne
Gising pa ko. Ano yun?]
* ilaw *
[From: Dwayne
Teka, galit ka ba saken?]
Reply:
[To: Dwayne
Ha? Hindi. Buset lang ako kay Air, inuna nanamandota nya kesa sken.]
* ilaw *
[From: Dwayne
Kung ako sakanya, mas uunahin kita. ;)]
Wala ako sa mood Dwayne. Hayyy. Pero salamat. Irereply ko na sana, kaso nagtext ulit sya.
* ilaw *
[From: Dwayne
Ay Chang, di pala ako makakasabay sayo bukas papasok at pauwi ah? Ingat ka bukas :) May gagawin kasi tropa. Di naman masydo importante pero kailangan eh. Sorry. ]
Tignan mo tong isang to. Uunahin daw nya ko, samantalang di din pala.
Minsan talaga, kapag lalki ganyan. Hindi ako bitter. Kaso ilabg beses na kong ipinagpalit ng mga lalaki sa iba. Hindi sa pagbubuhat ng bangko, mas maganda naman ako sa mga pinalit nila sken. Pucha. Mabait naman ako, kaya ko ibigay lahat sa kanila. Wala na ngang natira para sa sarili ko, tapos tatarantad*hin din pala ako. SAKLAP.
Kita nyo kung paano pwedeng mapaikot ng mga lalaki tayo mga babae sa palad nila? Jeez. Too bad. Matalino sana ako, naging bobo lang sa pag-ibig.
Ang ending? I cry myself to sleep. Bahala na mamaga mata bukas. Papasok lang naman ako, wala namang magandang mangyayari bukas. Kahit birthday ko pa.
===============================================================
A-N: Napaiyak ba kayo ni Chang? Ako, OO. =))) San nagustuhan nyo. Madami pang chapts ng ganito, so please, Vote, Comment and Suggest! :)
@CC <3