Hello ulit guys ;) dahil minamadali nyo kong magupdate, eto na. Sana lang magustuhan nyo.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Chang's POV
October na!
Meaning, tapos na September. Hahahahaha! Funney!
Pero seriously, itong september na ito was a blast. Wwell, pagkatapos nung Laiya experience with Dwayne and the gang, sobraaaaang saya lang talaga! Tapos magfinals week na. Ayun lang. Hell week.
Buti na lang this whole week eh naging maayos naman lahat. Ang nakakatuwa pa nun, laging nakadikit samin ang B's. Pano, halos lahat sila nagayuma na ng mga kaibigan ko. Etong si Dwayne nga lang, "you are the only exception" ang drama! Hayyy. Lahat na yata ginawa ko para mapansin nya ko. Pero, kung ayaw nya saken, bahala na. May bf ako, and maybe I'll have to focus with him again.
Ngayon ay Sabado at ang B's may pasok. Isang aubject lang naman pero, malamang angu wi pa nung mga hapon na. Dota pa mga pre eh. Tskkk. Ano bang nagagawa ng dota sa buhay ng tao?!
Anyway, naisip naman ng G's pumunta sa bahay ko. Well, other than nagpaOctoberfest ang lolo ko ngayon, as in ngayong araw na ito, trip lang nila. May mga pera eh.
"Chang, sama ka nas amin maya. Libre ka naman kasi lolo mo may ticket na para sayo eh. Dali na!" Sabi ni Pat. Etong si Ganda masyado. Kailangan masaya ka masaya din ako ganun? XD
"Onga Chang, sama ka na!" Hanggang sa lahat na sila kinulit ako.
"Okayy, okayy. Sige na. Kaso, inaalala ko. Andun si AA friends. Pano yun?" Yes. Malamang andun ang boyfriend ko. Shitbrix talaga.
"So? Dalhin natin ang B's! Walang malaking problema sa madaling solusyon girl." Sabi ni Margaret.
"Oo nga te, tsaka, malamang naman, knowing Dwayne, di ka babayaan magisa nun. Lalo na at mukhang mapapainom ka." Pagtingin ko kay Marie, medyo evil smile yung ngiti nya. Kabado naman agad ako.
"Ayoko girls, di talaga ako iinom. Promise." And yun nga sana yung paninindigan ko.
Since maaga pa lang andun na sila sa bahay, mga hapon, tinawagan na nila ang kanya kanyang love life. Ako, dedmakels. Bahala si Dwayne sa buhay nya. Tagadito naman sya samin so, bahala sya talaga. Hahahaha.
Maya maya nagring phone ko.
*riiiiing!*
"Hello?"
"Chang!" Anaknampatis naman to oh!
"Ano ba Dwayne Joshua! Makasigaw! Bakit ba?"
"Bakit ganun? Di mo man lang ako sinabihan na may octoberfest pala satin ngayon?"
"Bakit nagtanong ka ba?"
"Bakit di mo pa din sinabi?"
"Obligado akong magsabi sayo?" Kala mo ha.
"Bakit kapag ako ang di nagsabi sayo nagagalit ka agad? Ganyan ka naman saken Hon eh. Tapos ayaw mong nagseselos ako sa iba eh di ko naman alam mga whereabouts mo." Tapos malalakas na tawa in the background. Hahaha. Lakas talaga nito.
"Excuse me Dwayne Joshua. Hindi pa tayo. And in case you haven't noticed, hindi ka naman nangliligaw so never magiging tayo. Isa pa, hindi mo ko hon dahil ayaw na ayaw mo nga ng katawagan. At isang isa pa! Kung sasama ka, sumama ka, di mo ko kailangan sigawan." Kamoteng to. Tskkk.
"Sorry. Nainggit lang naman ako sa tropa ko. Lahat sila kanina sabay sabay tinawagan ng tropa mo, tapos ako, wala. Hay ang lungkot kaya."
"Yun lang naman pala. Sana nagpatawag ka sa iba. Madali lang naman yun eh."