Chapter 15 - Go Mitch Go! ;)

32 0 0
                                    

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Naging mabilis ang nangyari kela Andrei. Pero grabe, way to go Andrei! Buti ka pa. Takte, ako kaya?

Minsan nakakairita na din ako eh. Alam mo yun? Hindi ko maamin sa sarili kong may gusto ko kay Anne. Well, parang ang bilis naman kasi talaga, pero anong magagawa ko? Baka isipin nyang rebound ko lang sya pero di totoo yun. Kasi di ako ganun. Lahat ng relationships ko, mabilis nagumpisa pero kaya kong patagalin. Ganun ako eh. Hayy. Kaya nga eto ako, papuntang dorm nila Tin para yayain si Anne lumabas. Sasabihin ko na talaga sakanya. Ayokong mapagiwanan nu.

Pagdating ko sa dorm, tinawagan ko sya.

"Hello?"

"Hi Anne, ready ka na ba?"

"Ohmygosh! Mitch? Andyan ka na ba?"

"Oo. Silip ka sa bintana mo."

Paglingon ko, nakasilip sya.

"Hintayin kita dito ha?" Tapos ngumiti ako. Nakakatuwa yung pagmamadali nya. Parang gustung-gusto nya ko makasama agad. Haha. Kapal ng mukha ko shet.

"Mitch! Tara dito sa loob, dito ka muna. Alam mo namang matagal to si Anne magprepare eh. Tara dali." Yaya sakin ni Tin. Tutal tanggap ko namang matagal nga ako maghihintay, pumasok ako.

"Salamat Tin ah."

After 15 minutes ng pagkakaupo ko, bumaba na si Anne. In fairness, ang bilis nya. Haha.

"Sorry Mitch, naghintay ka pa tuloy. Tara na?"

"Okay lang. Tara."

Papunta kaming SM PalaPala. Gusto nya dun eh. At excited na excited pa sya. Ayos na ayos nga eh. Bakit kaya? Baka para sakin? Yes naman! Pogi ko! Hahaha.

Habang nabiyahe kami, kwento sya ng kwento tungkol dun sa kamukha ko daw. Sino ba yun? Kimpoy daw. Kimpoy Feliciano? Tskk. Nung una, ok pa eh. Artista daw, singer. Ang pinakamahalaga pa, pogi daw. Eh sa isip isip ko mas pogi naman ata ako dun eh! Di ba Author?!

Pero di ko pinansin. Bahala sya. Siguro napansin nyang nabadtrip ako kaya tumahimik.

Pagdating namin ng SM, nagumpisa nanaman sya. Nung nakarating kami sa event center, nagumpisa syang tumili. Jusko po, bakit kaya?

Nung makita ko yung tinitilian nya, natawa ako. Kamukha ko nga si Kimpoy. Pero nawala din ako sa mood. Nakita ko kung gano sya tilian ni Anne. Wala akong pakialam sa ibang mga Kamoteng babaeng nagtitilian sakanya eh. Pero nung si Anne na? Kilig na kilig pa! Tsk. Umalis ako sa tabi nya. Bigla may naisip ako. Sana lang pumyaga sya sa gusto ko.

---

Anne's POV

Nasaan na si Mitch?! Papakilala ko pa naman sya kay KimpoyMyLabs! Mygosh ang pogi nya talaga!!! Waaaaaaah!!!

Bahala sya sa buhay nya kung ayaw nya ko samahan, basta dito lang ako!! Andito si Kimpoy ohmygosh! Bonus na lang na kasama ko din si mitch eh. Kaso iniwan ako. Hay nako, mga lalaki talaga.

Buti nakita ko din yung mga Ka-Kimpoy na member ako. Nakapasok ako!! Yeeees! Libre to! Wuhooo! Text ko nalang si Mitch maya. Hmmp.

Nagstart na yung program. Kumanta na si Kimpoy. Shettttt!! Ang pogi nya talaga!!! OwMyGulaaaaaaaaaaay!!!

Nawala na sa isip ko si Mitch. Kumanta na si Kimpoy ko. Grabe ang galing nya talaga! After 1hour...

"May announcement po ako."

Ohmy. Ano kaya yun? Magpapakasal na kaya sila ng Gf nya? Noooo!

"Nakita ko na po yung long lost twin ko."

Bulungan silang lahat na nakarinig. Meron ba talaga?!

"Joke lang. Haha. Pero guys, kaloka-like ko sya talaga. Please welcome on stage: Mitch Magalona!"

What? Mitch Magalona? Si mitch?

"Hello po. Ako si Mitch. May importante lang akong sasabihin."

Anong kalokohan nito? Kinabahan ako bigla.

"Miss Anne Alcantara? Alam ko andyan ka. Please, makinig ka sana. Okay lang kahit di ka tumayo. Basta marinig mko."

Ako? Bakit ako?

"I never felt so in love in my entire whole life. Never ko din naexperience magselos, sa kamukha ko pa. Sabi ko, bakit sya pa? Magkamukha lang naman kami, bakit di pa ako diba? So ngayon, kinakapalan ko na mukha ko. Anne Alcantara. Mahal kita. Pasensya na bro, ginamit ko pa tong show mo ah. Pero kailangan nyang malaman to eh. Kimpay ng buhay ko, sana naiintindihan mo ko. Mahal kita. Mahal na mahal na pala kita. Sana mabigyan mo ko ng chance. Kahit di ako si Kimpoy talaga. Pagbigyan mo sana akong maging Kimpoy ng buhay mo. Yun lang. Salamat bro." Tapos nakangiti sya. Nagfist-bump pa sila ni Kimpoy. Tapos bumaba na sya ng stage. Hiyawan yung mga tao. Di ko napansing sakin pala sya nakatingin. Palapit.

Ano ba yung sinabi nya? Ako ba talaga tinutukoy nya? Para sakin ba talaga yun? May happy everafter na ba ko?

Paglapit nya skin, dko namalayang umiiyak na pala ko. Deep inside kasi nararamdaman kong sincere sya. Pero baka hindi dba?

"Anne, narinig mo ba lahat ng sinabi ko?"

Pano kung totoo? Anong gagawin ko? Nangliligaw na ba sya saken?

"Anne?"

Pero pano nga kung hindi? Mahirap magassume eh diba?

"Anne!"

Tawag nya ba ko?

"Mitch?"

"Kanina pa kita tinatawag Anne. Narinig mo ba kako ung sinabi ko kanina? Pinayagan ako ni Kimpoy eh. Kilala ka daw kasi nya. Sana daw maging masaya ka."

"Oo narinig ko. Totoo ba?"

"Ha? Anne, di ako dadaan sa ganung klaseng kahihiyan kung di totoo yun. Kahit bayaran ako ng isang milyon di ko gagawin. Pero sapat na sakin yung payagan mo kong manligaw sayo. Isang bilyon ang katumbas nung payagan mo kong manligaw para makuha ang matamis mong oo eh. Imposible kasing magkaron ako, pero kaya kong paghirapan."

"Mitch baka kasi ano lang yan. Ano.."

"Rebound? Hindi. I know what I feel. Can you just give me a chance?"

Dun ko lang narealize na lahat sila nakatingin pa din samin. Shy type ako eh!

"Ipromise mo Mitch sakin na di mo ko sasaktan. Please?"

"Anne, I would never. Hinding-hindi."

Eto na to! Opportunity! Sabi nga nung prof namin sa busopp, "take opportunities when you have a chance." Kaya yun ang gagawin ko. Sana di ako nagkamali.

"Sige Mitch. Payag na ko." Para kong di kinikilig pero kilig na kilig ako.

Shetttt! Mitch Magalona to!! Shocks! May chance maging kami!

Pinapangarap ko lang to dati pero eto na to!!!

"Talaga? Thank you! Thank you!"

Tapos nagpalakpakan lahat. Mga kamote nanunuod pa din pala? Shetttt.

"Salamat Mitch Magalona and Anne Alcantara! Sana maging fruitful ang pagsasama nyo!" Sabi ni Kimpoy.

Kimpoy would always be mu crush.

Pero isa lang ang Kimpoy ng buhay ko: Si Mitch Magalona.

Sana lang hindi ako masaktan ng dahil sakanya.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------

A-N: sorry po minadali. Hello! Nakapagupdate na din. Magupdate ulit ako, hntayin nyo lang ;)

@CC<3

Mr. BanateroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon