Chapter 14 - Marie's Yes and Andrei's Explanation

23 0 0
                                    

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Marie's POV

Typical days para saming mga G's. Ang twist lang, Finals na namin at maraming aasikasuhin.

May reports, seminars, defense at kung ano ano pa kaming gagawin bago yung exams week. Hay. Mahirap pa kasi, sa ibang klase ko, nahiwalay ako sa tropa. Ermergerd, nakakaloka talaga kapag ganito!

Ang malala pa, di ko mahagilap yung mga kaklase ko ng REED. Shocks, pano na yung sa exam namin? Ayoko namang kausapin si Andrei. Classmate ko sya, at ayoko syang makausap.

Oo, di ko pa din nakakalimutan yung sinabi nya sakin nung nagLaiya kami. Pero sino ba namang hindi? Kahit na sweet sweetan pa sya saken nung beerfest, nakakaburaot pa din yung sinabi nya sken nun ah!

'Marie ikaw ang mahal ko, hindi si Leah, kaya sana makinig ka.'

Oh di ba nakakaasar! Ano na lang sasabihin ng iba sakin? Relationship-Wrecker? Sulutera? Mygulayy!

"Earth to Marie! Earth to Marie! Hello? May tao po ba dyaaaan?!" Si Chang ba yun?

"Ay. Tawag mo ko Chang?" Andito pa din kami kela Chang. Sunday morning at kahit na 3am na kami nakatulog eh gumising pa din kami. Well, maingay kasi yung alarm ni Chang, nagising lahat kami. Ultimo si Margaret at Pat na tulog-mantika nagising eh. Ganun kalakas yung alarm nya. Tskkkk.

"Uhm, actually, mga 5minutes na. Nakakaloka. Kala ko napossess ka na dyan at, nagsasalita kang magisa pero di mo ko pinapansin eh."

"Gaga, may iniisip lang ako." Totoo naman. At nakakapikon dahil si andrei lang naman yun.

"Si Andrei ba?" Sabi ni Margaret. Shet. Pano nya alam?! Okay medyo di nako magtataka. Si Marga ang parang manghuhula namin eh. She can tell everything, bassta kutuban sya. Nakakatakot.

"Ha? Oo."

"Naguguluhan ka kasi may sinabi sya sayo na di naman nya nilinaw?" Si Chang naman humirit. Ano to aga aga hot seat ako? Atsaka ano to pati si Chang kaya na manghula?! OB talaga tong dalawang to.

"Hala ka. Pano mo nalaman?"

"Hahahahaha. Kay Dwayne. Kagabi. Alam mo na, sa dami ng oras na magkasama kami nung tao marami akong napansin na nabigyan nya ng sagot. Hahaha!" At may sa demonyang tawa pa talaga sya ah.

"Sige nga Chang ano pang napansin mo?" Sabi ni Anne. Yiie, fishing info si gaga.

"Napansin kong close na close kayo ni Magalona kagabi. Take note, close na close. Syempre ask ako kay papa D kung anong meron. Sabi nya, magulo pa daw para kay Mitch eh. Pero, 70-30." Nakangiti si loka.

"WAAAAAAAAAAAAAAH! Seryoso yan?! OWWWWWMYYYYYGOOOOOSH!" At nagtititili na nga si Anne. Nasabi ko na bang matindi kiligin ang isang yun? Sa tropa, sya yung ganun ehh.

"Yes. Hmm another thing, iba na makatingin si Ross sayo Prey. As in. Simula nung nangyari sayo sa Laiya, na ayaw na naming maulit ulit, kapag tumatayo ka, lagi syang nakatingin lang sayo. Kahit san ka mapapadpad. When I asked Papa D, sabi nya, well, Ross's afraid to lose you. Yun lang. Di na nya inelaborate. Kahit anong push ko sakanya. Ayaw daw nya pangunahan tropa nya."

"Pangunahan saan?" Sabi naman ni Prey na interesadong interesado din. Hayy.

"Dunno. Hahaha sorry Prey. At panghuli, yung sweetness ni Andrei na wapakels si Marie. Syempre tinanong ko si Papa D kung aney na ba, and you know what? Break na si Andrei and the echuserang si Leah. Yun ang big chika. Grabe. Di ko alam bakit basta I know, ikaw naman ang preffered nya ngayon girl. Pretty ka talaga forevs!" Tawanan ang G's sa sinabi ni Chang. Medyo offended ako, ewan ko ba.

Mr. BanateroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon