Chapter 16A - positive side ;)

27 0 0
                                    

Chapter 16a

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chang's POV

Tapos na 1st Sem! Woot woot! Yeheyyy! Meaning, Sembreak na!

Masayang malungkot. Bakit? Masaya kasi di mo na makikita yung mga prof mong terror at di ka na gigising ng maaga para lang makita sila. Kaso, malungkot kasi, di mo makikita mga tropa mo. Katulad ko. Si Prey sa Laguna pa, si Tin sa Bicol, si Margaret pupuntang Nueva Ecija at dun sya magcecelebrate ng kanyang 18th birthday (details susunod na lang). Si Anne, well malas malas yun dahil kakaumpisa palang ng love story nila ni Mitch maghihiwalay muna sila ulit agad. Hahaha. Okay sama ko. Haha. Si Marie at Pat, hmm, di din naman sila aalis ng bahay nila sa Golden at GMA, pero laging magkasama yun. At malayo sila sa bahay ko. Badtrip. Ako naman, never umalis tuwing sembreak. Yung mga out of town trips? Never experienced. Ewan ko ba. Ganun lagi eh. Tanggapin na lang.

Isa pang dahilan kung bakit nakakaasar ang sembreak? Di ko makikita crush ko. Adik. Di ko makikita si Dwayne! Di din naman ako makakatakas para makapunta kela AA para dumalaw man lang. Nakakatamad talaga. Tskkk. And lastly na dahilan? WALANG BAON. Shocks, ang hirap kapag walang baon! Walang pangload, walang panggala. Shetttt :|

For one week, wala akong ginawa kundi kumain, matulog, nuod ng tv at paulit ulit lang. Ewan ko ba. Someone save me from boredom!

*toot toot*

Ay, may sagot agad? Okay to ah. May nagtext.

[From: Dwayne

Chang daan ako senyo ah. Lapet na ko haha]

Hala sya. Anong oras na ba? Mga 7pm palang naman. Pwede pa. Haha.

[To: Dwayne

Sge lang, pero mabilis ka lang ah?]

Hindi naman nagrereeply ang mokong. Maya maya...

"Chaaaang!"

Kamote lang? Andyan na pala?

"Uyy Dwayne, napadaan ka?"

"Pasok na ko Chang ah?"

Pinapasok ko naman. Hanggang sa kwentuhan lang kami. Haha. Grabe. Namiss ko sya. For one week, text text lang kami pero wala eh. Haha.

"Chang, kelan pala Pre-Registration natin?" Yung pre reg yun yung parang pre-enrollment sa Malaya. Mamimili kami ng subjects tapos yun na. Register na after. Medyo nakalimutan ko yun ah.

"Sa 24 pa naman. Malapit na nga eh. 17 na. Hmmm sabay ka ba?" Nagbabakasakali lang naman ako.

"Oo naman. Para makuha ko ibang subjects nyo."

"Okayyy, text nalang kita." Pauwi na din kasi nung nagtanong sya.

"Ay Chang, bago ko makalimutan, maglalaro ba kami ng mga pinsan mo bukas?" Kung di nyo kasi natatanong, kakasembreak lang kasi ng mga highschool kong pinsan. At close sila. So, ako naman, tinanon ko pinsan ko.

"Oo daw Dwayne. Maaga ah?"

"Oo naman. Ikaw lang naman tong mabagal gumising eh." Pero nakangiti. Tskk. Eto talaga.

"Haynako, sige na umuwi ka na, gagabihin ka nanaman eh. Dali na."

Umuwi din naman sya agad. Himala nga eh. Haha.

Ayun. Lumipas yung mga araw na halos tuwing morning, ginugulo nila ko ng pinsan ko para lang gawin akong messenger. Kung maglalaro ba o hindi. Kung pupunta na ba sya o hindi. Kung makakapaglaro ba sya o hindi. Minsan nauurat ako pero mas okay na yung ganun kesa walang communication dba?

Mr. BanateroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon