Chapter 6 - Pat's Moment :))

30 1 0
                                    

Pagiisip ni Ollie :)

---

This Chapter is dedicated to @laethemermaid :)) Sana makatulog ka after neto :))

---

Oliver's POV

Hay. Nakakatamad talaga dito sa bahay. Peste kasi to sila Gene eh. Mga ayaw akong samahan. Si Dwayne, magsisimba daw kasama si Chang. Si Ross naman kasama si Prey, busy sa Organization nila. Si Gabbie, busy kay pretty. Si Gene? Ewan ko dun. Di na nagreply sa tweet ko eh. Si Andrei, matutulog daw buong araw. Si Mitch, busy din sa girlfriend nyang si Vyanka. Hay. Tropa ko, may mga lovelife. Ako? Tweet lang ng tweet.

* toing! *

Sino tong nagtweet?

"@spongePATties: Goodmorning tweetmates ;)"

Si Pat! Ohsyet, si Pat, bored din kaya? Replyan ko kaya? Kakausapin ko ba? Hmmmm. Ano ba Ollie! Hindi naman ako torpe noon, pero pag sakanya?! Ewan ko. :(

Ayy, ganito na lang!

"@OLLIEvertwist: Singkit na may braces? #MajorTurnOn"

Grabe na pagkatorpe ko ah. Dinadaan ko na lang sa patweet-tweet. Yaan mo na.

* toing! *

"@spongePATties favorited your tweet!" HALA KA!

Lalakasan ko na loob ko. Takte.

"@OLLIEvertwist: @spongPATties ano number mo?"

Nakakatamad na kasi magtwitter eh. Haha, text ko na lang sya. Tawagan ko pa. Nilakasan ko na din naman loob ko, lubusin ko na dba?

* toing! *

"@spongPATties: @OLLIEvertwist 0917824**** pakilala ka ah? :)" (for privacy reasons. pero binigay talaga ni Pat kay Ollie)

Yes! Thank you Lord!

Save naman ako agad, baka mawala pa tong opportunity na to eh. Haha.

At ang pinakamagandang ginawa ko sa araw na to: TINAWAGAN KO SYA.

* kriiing! kriiing! *

"Hello? Sino to?" Swerte ko talaga kung magiging Girlfriend ko sya. Mabait na at maganda sa personal, pati boses nakaka-InLove!

"Hi Pat :)" Kinikilig ako eh. Pasensya na :))

"Uyy, Oliver, ikaw pala. Kala ko magtetext ka lang. Haha"

"Hndi kita natiis eh. Tumawag na ako agad." Oh dba, lakas ng loob ko!

"Hala. Haha. Pero bakit nga?"

"Busy ka ba ngayon?" Eto na talaga. Sasabihin ko na. Di na ko magpapakatorpe.

"Hindi naman, kakatapos ko lang sa mga requirements kahapon eh. Bakit?"

"Ah, hmm, ano kasi, Pat, ahm... Usap lang tayo? Pwede?" Ay adik. Sabi ko, sasabihin ko na. Leche! Torpe mo Ollie, ang torpe mo!

"Hmm, sge lang Oliver. Okay lang :) Ikaw naman yan eh haha!" Ayos pumayag sya! Kaso, ano sasabihin ko?

"Ay, Pat, kamusta pala?" Halatang shunga ako eh nu.

"Okay naman, ikaw?"

At nagtuluy-tuloy ang kwentuhan namin. Oo, naramdaman ko na lang na parang... Lecheng pag-ibig to!

Tapos para akong sira, tawa lang ako ng tawa. Mukha namang pati sya masaya kasi tumatawa din sya. At sa puro tawa namin, umabot kami ng 3 oras.

"Ay Oliver, text na lang muna tayo, okay lang? May pinapagawa sakin si Mommy eh, tsaka kakain ako." Ayy, nagpapaalam na sya?

"Pat, pwede bang Ollie nalang itawag mo sken? Weird pag Oliver eh. Haha. Sige na, kain ka madami ah?" Eh wala eh, ganun talaga eh.

"Haha osge Ollie, gusto mo eh. Ingat ka ah? Bye :)"

* toot toot toot *

Binaba na nya. Hay, yun na ata ang pinakamasayang 3 oras ng buhay ko. Shet ang corny ko. Pero totoo. Mahirap lang kasi baka di nya din ako gusto.

Ayokong magpakahulog sa mga ngiti nya, sa mata nya, kahit sa buhok nya. Ayokong mahalin sya masyado.

BAKA WALA NG MATIRA PARA SA SARILI KO.

Hay life.

==============================================================

A-N: Nagustuhan nyo ba ang love story ni Pat at Ollie? Please, Please, Please Vote, Comment and Suggest! ;)

@CC <3

Mr. BanateroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon