---------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Chang's POV
Kinabukasan, nagpunta pa din sya sa bahay.
Syempre kinikilig kilig pako. Hapon sya nagpunta so nagkachance pa kong magshare sa isang friend ko dito samin.
Di ko kasi macontact ang G's eh. Malamang kasi si Margaret, celebration pa ng debut nun. So, hindi pwede. Yung iba naman, di talaga macontact! Benemenyen. Hayyy.
So ayun na nga, kwento ko sa kaibigan kong si Yoona.
"Friend ano na?" Sabi nya. Excited lang? Well kilala din naman nya kasi si Dwayne.
"Eto na nga. Magkasama kami tapos sobrang sweet nya. Grabe friend!"
"Panong sweet?!"
"Ahm, lasing na ko tapos sya parang, ahm, pano ba, ahhm, hmmm, nakaakbay sya saken tapos ginugulo nya yung hair ko. Pero hindi nakakainis yung ginagawa nya. Parang ang cute pa nga. Tskk ewan ko ba."
Kilig na kilig pa si Yoona. Talaga naman.
"Friend ang swerte mo naman! Ang pogi kaya ni Dwayne!"
"Eh wala namang something eh."
"Panong wala? Hay nako girl. Tinanong mo na ba?"
Oo tinanong ko na. Tanggap ko naman sagot nya.
"Ano. Ahm."
"Itanong mo kasi friend. Pero tingin ko may gusto sau yan. Hmmmm, pano kung manligaw?"
"I doubt. Alam kong hindi sya ganon katulad ng ibang lalaki. Na kapag maganda o sexy o mabait yung babae crush nila o gusto nila agad? Sya hindi eh. Hmmm kaya alam kong malabo na magustuhan ako nun. I mean, sa tatlong sinabi ko, isa lang ang pasok sa banga eh. Mabait lang. Minsan pa, masungit ako sa kanya. Oh, pano magkakagusto yun saken dba?"
"Hay, ewan ko sa inyo. Pero bagay sana kayo friend."
Madami nagsasabi nyan. But I know better.
Hanggang sa umuwi na si Yoona. Sayang naman kasi pagkukwentuhin ko din sya sa love life nya. Kaso well, duty calls. Kailangan na nya umuwi eh.
Sakto naman dumating si de-vil.
"Hi Chang! Kamusta?"
"Oy Dwayne. Okay naman ako. Hilo pa din ako pero kaya naman. Ikaw?"
"Okay lang din naman. Haha." Sabay umupo sya sa favorite spot nya sa bahay.
Nung dumating sya sa bahay, malapit na magrosary kami ulit. Tuwing october kasi, araw araw nilipat si Mama Mary. Eh since last day of October, pinapasama ko sya. Dahil sa kakulitan ko, nagumpisa kamalasan ko.
"Sama ka na Dwayne dali!"
"Dito na lang ako Chang. Samahan ko pinsan mo." Tapos ngumiti sya.
"Eeeh, dali na. Pasasamahin ko din yun eh."
"Dito na lang talaga ako Chang. Bonding na lang kami dito ng mga pinsan mo."
"Eh, Dwayne naman eh." Ayokong magpatalo. Kala nya ah. Hmp.
"Dito na lang ako Chang. Baka kasi isipin nila Mama na, alam mo na, may nabubuo ng theory sila. Yung parang, ikaw na lang lagi ko pinupunta dito. Gusto ko naman na isipin nila na di lang ikaw yung pinupuntahan ko dito. Alam mo na? Nagets mo Chang?" Tapos nakangiti pa din sya.
The truth struck me. Oo nga pala. Di kami. Walang kami.
Bigla akong namatanda, natulala. Alam kong tama sya. Masakit lang pala talaga. Sht.
"Chang?"
"Oo Dwayne, I know. Haha. Okayy, sige. Malamang din di sasama yun si Me eh." Ngumiti din ako. Di ko alam kung napansin nyang nagbago mood ko. Bahala na.
After nun, dumating pinsan kong si Me. Nagkwentuhan na sila. Umupo ako sa swing namin. Tumabi sakin ung kakambal ni Me na si Yad. Kwentuhan lang kami. Pero di ako masyado nakikisali sa kanila. Alam nyo naman.
Kasama din namin kapatid kong bunso. Kapag nagjojoke sila, tawa ko konti. Hmmm ewan ko ba.
Hanggang sa I-announce na ni Mama na magrosary na kami. Nauna na kong lumabas, di naman sasama sila Dwayne eh, so yun.
Nagulat na lang ako na lumabas sila Dwayne.
"Kala ko di kayo sasama?"
"Wala Chang eh." Tapos nginitian nya din ako. Bakit ba lagi nya kong nginingitian?!
Hanggang sa nagrosary kami. Habang papunta kami sa bahay nung pagrorosary-han namin, magkatabi kami. Di naman kami naguusap pero magkatabi kami. Saken parang ok na ok yung ganun lang kami. Basta alam kong andyan sya.
Wala, hopeless case na ko. Haha.
After almost 1 hour..
Natapos na yung rosary namin.
Pauwi na kami, magkatabi pa din kami. Lagi naman nya kasi akong hinintay. Himala nga ngayon, sya yung mabilis maglakad. So ayun, natuto namang hintayin ako. Haha.
Kasama pa din namin sya nung umuwi kami. Yung gamit nya kasi nasa bahay pa. So yun.
Pagdating sa bahay, umupo kami ulit sa may swing.
Nananamik pa din ako. Nagulat ako sa naging tanong nya saken.
"Chang?" Kakagulat dba. HAHAHAHAHA.
"Hmm?"
"Okay ka lang?"
"Ha? Oo naman. Bakit?"
"Di ka galit sakin?"
"Hala ka, bakit naman ako magagalit sayo?"
"Wala naman. Natanong ko lang. Di ka kasi nagsasalita kanina pa." Tapos ngumiti sya ulit.
Nginitian ko din sya. Well, kesa magemote ako, naisip ko na lang: kahit di naman maging kami, atleast magkakilala kami dba? Privilege pa din yun. Hahahaha.
Dun na ko nagsnap out sa kalokohan ko.
Nakikitawa na ko sa kanila ng mga pinsan ko pati ng kaibigan ko.
Hanggang sa makauwi si Dwayne.
Naisip ko, hindi ko naman dapat sisihin si Dwayne eh. Una pa lang alam ko namang sweet sya sa mga girls eh. Kahit naman sa tropa ko napapansin ko yun. Hibang lang talaga ako nu? Hahaha.
Crush ko pa din naman siya.
Pero simula ngayon, I know where to place myself.
Mahirap na ;)
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------
A-N: Hello guys! Please Comment, Vote and Suggest naman kayo oh. Ano pa mga gusto nyo mangyari sa G's and B's? Sa mga fans po ng Pat-Ollie love team, magkakaron po ng bagong love team si Pat. Spoiler. Haha sorry po pero napagutusan lang :) Abangan! PS: Crush ko pa din si Dwayne ;)) No harm done :D haha.
@CC<3