11

10 0 0
                                    

Nang nagising ako ay nandito padin ako sa kama ni Chase at pag tingin ko sa oras ay 5:30 ng madaling araw. Umupo ako ng maayos at pinagmasdan ko ang kaniyang kwarto. Kulay puti ang walls ng kwarto niya. Ang kama niya ay kulay dark blue. Yung blue na parang ocean deep blue.

 Tinignan ko ang gilid ng kama niya at may picture frame naming dalawa wala na yung picture nila ni Samantha sa mga gilid. 


Naalala ko tuloy yung unang punta ko dito. Yung araw na pinagtulungan ako ng mga alagad nila Veronica. Sa sobrang pagod ko pala nun hindi ko namalayan o naalala man lang ang kagandahan ng condo ni Chase. 

Ngayon ko lang talaga ito natignan ng mabuti. 

Tumayo ako at nag stretch. Nawala antok ko. Ano oras na ba kasi ako natulog kagabi? Suot ko yung tshirt ni Chase. Kaamoy niya talaga ang bango.

Lumabas ako saglit ng kwarto at nakita kong mahimbing natutulog si Chase. Ang lalaking mahal na mahal ko. 

Tumabi ako sakanya. Nasa sala siya nakaupo ako sa sahig. Para siyang anghel na natutulog. 

Yung bagsak ng buhok niya sa mukha niya yung ilong niyang perpekto yung katawan niyang mahaba at lean. Yung bango niya. Ang himbing ng tulog niya. 

Hinalikan ko ang kaniyang pisngi. 

Naisipan ko tuloy magpahangin na muna sa balcony nila dahil pakiramdam ko ay di ko mapipigilan sarili kong kulitin si Chase. Baka mang gigil lang ako. 

Ang sarap ng hangin sa balcony nila. Paangat na ang araw. Kitang kita ko ang ibang mga buildings na malaki ang ganda ng view dito. Ibang ibang hugis ng bawat building. Hindi lahat magkakapareho ng itsure iba iba lagi pati kulay.


Bumalik ako sa loob ng narinig kong tumutunog ang phone ni Chase. Tinignan ko sino iyon at nakita ko na ang impaktitang si Samantha ang tumatawag kay Chase.

Hindi ko naman talaga balak sagutin yun eh. Kaso na-curious ako. Ano naman kaya sasabihin nitong babaeng ito sa ganitong oras?

Sinagot ko ang tawag ni Samantha at hindi nagsalita

"Hello baby!" maligayang bati ni Samantha. Napaawang ang bibig ko. Anong sabi niya? Mali ba ng natawagan to at si Chase ang natawagan niya at hindi si Bryce?

"Chase, ano succeed ka na ba sa plano na paikutin yang si Aubrey? Tuloy ba tayo ng dinner later? Hay nakakasawa na itong si Bryce sobrang clingy pero halata naman na naiisip niya padin si Aubrey. Hanggang sa magustuhan ka niya tas makuha mo ang tiwala tas sirain mo. Yun lang ang paraan mo para magkabalikan tayo, babe"

tangina

Di ko namalayan lumandas na ang aking mga luha sa aking pisngi at basang basa na ako ng luha ko. Tangina ginamit nanaman ako? Bakit ba ang tanga ko? Ang sakit. Kasi pinapakawalan ko na si Bryce eh. Napakawalan ko na nga eh dahil kay Chase. Tapos ano? Nanloloko pala talaga siya totoo ang sinabi ni Brandon. Sana naniwala nalang ako sa lahat ng mga sinabi nila! Putangina ang sakit sakit na ng lahat ng to. 

"Samantha. Oo, success na plano niyo. Dahil mahal ko si Chase, gayon palang may plano lang pala siya. Edi bale parang challenge niya lang to papunta sayo.  Pwede na kayong magkabalikan! Mga walang hiya kayo! Mag sama kayo! Tangina ninyo!" sabay baba ko ng telepono. Binato ko ang cellphone ni Chase sakanya.

Agad siyang nagising at nagulat. Nakita niya siguro ang aking itsura na punong puno ng luha. Mukha na akong wreck neto pero wala na akong pakielam! Nahikbi na ako sa harapan niya at gulat na gulat siya.

"L-louise!" humakbang si Chase palapit sakin pero sinampal ko na siya

"DON'T EVER CALL ME LOUISE! TANGINA MO MANLOLOKO KA!" Sinusuntok suntok ko ang dibdib niya. 

Last HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon