8

16 0 0
                                    

Chapter 8

Tatlong linggo na ang nakalipas sa pangyayaring yon.

Lalong naging sweet sakin si Chase. At pakiramdam ko ay unti unti narin akong nahuhulog para sakanya.

Nasa field ako ngayon at nagbabasa ng libro sa bench.

Malamig ngayon kaya naisipan kong mag sweater.

Nagulat ako dahil naaninag ko ang tatlong babae na nakatayo at nakahalukipkip sa harapan ko.

Mga mukha nila ay ang puputi at ang gaganda nila. 

Pero nagulat nalang ako dahil naka ngisi silang tatlo sakin at nagtinginan sa isa't isa nang bigla akong tinakpan ng panyo sa bibig ng mga alipores ni Veronica.

Agad agad ay nahilo ako. Nagpumiglas ako ngunit wala na akong nagawa at narinig ang halakhak nung tatlo...

Nagising ako sa isang magaspang at malamig na sahig.

At pagtingin ko sa aking sarili ay naka sando at shorts na jersey. Nakatali ang paa at kamay ko sa isang rope. 

Asan na ba ako? Asan yung mga damit ko mismo?

Magsasalita palang ako ng biglang bumukas ang ilaw at pinalilibutan ako ng mga ka batch ko.. teka? ka batch ko? or fansclub nina Chase at Samantha.

May mga lalaki din pero feeling ko ay mga may galit lang either kela Chase or sakin..

Nagulat ako ng biglang akong umangat dahil sa rope. Tila para akong binibitay kaya lang ay hindi sa leeg at sa kamay ako hinatak pataas.

Napatili ako sa sakit at gulat dahil sa pagkabigla ko.

Biglang tumahimik ng pumito sila Veronica.

At lumakad siya palapit sa pwesto ko. Nang nasa may baba ko na siya ay tumawa siya.

"Malandi siya hindi ba? Dapat ay hindi mo nalang nilandi si Andrew! Hindi namin intention na ganituhin ka ngunit sumobra ka ata sa pag i-illusyon mo. Kaya heto ang narararapat sayo!"

"Are you insane?!" Sigaw ko kahit na pigil na pigil na akong umiyak dahil ramdam ko ang dugo sa aking mga kamay na umaabot sa aking damit.

"Yes. Maybe all of us are. Anything for Chase." at nag smirk siya at tumango kela Veronica.

Lalo akong tinaas at this time super taas na talaga. 

tumili ako lalo at humikbi na sa sakit na nararamdaman ko.

Asan ka na ba Chase?

tumawa silang lahat at maya maya ay binato na nila akong lahat ng papel at mga plastic bottles nagulat nalang ako kasi pati volleyballs ay ginamit narin

hindi ko kinaya at tumili na ako at napadaing sa sakit na ng kamay ko

"TAMA NA!!" sigaw ko nanahimik sila ng saglit pero nagpatuloy sila sa ginagawa nila

onti nalang at feeling ko ay mawawala ang kaluluwa ko sa akin

ramdam na ramdam ko ang sakit yung mga sugat ko na o pasa at dahil narin siguro sa naramdaman kong dugo sa aking kilay na bumababa na sa pisngi ko

pumikit na ako. wala na akong lakas.

Nang biglang bumukas ang pintuan ng gym at andun si Chase na galit na galit.

Natigil ang iba at tumakbo na palabas. Hinayaan yon ni Chase pero nang sila Veronica na ang nandoon ay pinigilan ito. Unti unti akong nahihilo

pero dahil kay Chase pinipilit kong imulat ang mata ko.

Last HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon