19

7 0 0
                                    



Pagkagising ko ng sumunod na araw ay tulog padin si Chase sa tabi ko.

Tinignan ko ang wall clock niya at 10:30 na. Umiling ako at tinanggal ang braso niya na naka akap sa akin.

Gumalaw siya ng bahagya dahil sa pag alis ko. Napangiti ako. Suot niya ngayon yung tshirt niya na white at boxers. Gulo gulo ang kaniyang buhok.

Napanguso ako at lumabas na sa kwarto niya ng dahan dahan.

Pinalibot ko ang mata ko sa puro black and white na condo niya. Ang linis at sleek tignan ng mga furniture at gamit niya. Dumiretso na ako sa kitchen niya at binuksan ang ref. Halos lahat na ata ng mga pang ulam andito na.

Nilabas ko ang packed na New Zealand mussels niya. At kinuha sa cabinet ang fettuccine na pasta niya. Magluluto ako ng Mussel linguine.

After 30 minutes ng preparation at pagluluto ay nag hain ako. Ng tapos na akong mag set ng table ay binun ko ang buhok ko at pinunasan ang pawis sa noo ko.

Bago ko gisingin si Chase maghihilamos muna ako. Dumiretso ako sa CR at yon ang ginawa.

Dumiretso ako sa kwarto at nakahilata padin si Chase. Bakit kaya ganito to kapagod? Sa dami ng trabaho? Ngumuso ako at kumuha na ng panibagong tshirt niya sa cabinet. Sinuot ko yon bago ako lumapit sa tulog na si Chase.

Tinitigan ko ang perpekto niyang ilong at ang labi niyang mapula. Ang jaw niya na naka depina. At ang eyelashes at kilay niya na parang sa mga model.

"Chase?" Malambing kong binulong sa tenga niya.

Gumalaw siya ng onti para harapin ako. Di pa dumidilat. "Hm?" Aniya

Ngumisi ako at hinalikan ang buong mukha niya. Nakangiti siyang nakapikit kaya napatawa na ako.

"Tara na kain na! Nagluto ako!" Ngumuso ako at hinablot ang kamay niya. Pilit kong hinahatak pero masyado siyang malakas.

"Kiss muna." Ani Chase sa husky na boses. Tumindig ang balahibo ko sa boses niya. Ang sexy ng boses niya. Kinagat ko ang labi ko at hinalikan siya sa labi.

Dumilat na siya at tumitig na ako sa mga mata niya na mapupungay na puno ng pagmamahal. Tumayo narin siya at niyakap ako. Ang pabango niya ay umaatake nanaman sa ilong ko. I can't get enough of this.

Pagkakalas niya sa yakap ay pinagsalikop niya ang daliri namin at naglakad na palabas ng kwarto patungo sa dining area niya.

"Wow naman! You cooked this?" Pangungutyang tanong ni Chase. Napanguso ako.

"Kung ayaw mo, ako kakain. Tutal naman gutom ako" nagkibit balikat ako at inunahan na siyang umupo doon.

Humagikhik siya bago lumapit na at umupo sa upuan niya.

"You're cute and moody, Louise" natatawa niyang sinabi

"Oh ano? Ayaw mo na sakin? Kasi moody ako?" Pagtataray ko sakanya

Umigting ang panga niya sa sinabi ko at umirap nalang ako.

Nilagyan ko na ng pasta ang plato niya. Kahit ramdam ko ang titig niya sakin ay di ko binigyang pansin yun.

Pagtapos ay nilapit ko ang plato ko at lalagyan na sana ng pasta ng kinuha sakin ni Chase yung lalagyan at siya na naglagay ng pasta para sakin. Napakunot ang noo ko sakanya na tahimik at seryoso ang ekspresyon.

Nanahimik nalang din ako habang parehas kami kumakain.

Napatingin ako sakanya na galit ang ekspresyon at seryoso habang nakain. Tumikhim ako bago nagsalita

"A-ayaw mo ba?" Nanginig ang boses ko sa tanong ko.

Bumaling siya sakin at biglang pumungay ang mata.

Last HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon