14

8 0 0
                                    




"You know him?" Nagkasalubong na kilay ni Seb sa tanong nong si Leo.

"Uhm, nung high school" nagkibit balikat ako sakanila.

Nakita kong nagtinginan ang tatlo sa akin. Tumikhim ako at umupo sa upuan na para sakin.

Dumami lalo ang tao. Ilang minuto nalang ay magsisimula na.

Nahagip ko ang tingin ni Verlaine at ngumisi ito sakin. Naka red dress ito na hapit sa katawan niya at mataas na black heels. Kumindat ako sakanya at tumalikod siya, hinawakan niya ang braso ng isang lalaking nakatalikod samin. Nagsalubong ang kilay ko.

Yun siguro ang dahilan ng pagiging abala niya ngayong mga nakaraang araw. Nagkibit balikat ako at sinuyod ang crowd. May nakita akong iilang kakilala kaya ngumingiti ako sakanila.

Di ko mapapagkaila na maganda talaga ang lugar na ito. At kaya siguro high end ito ay dahil mataas na lugar ito at kita ang city lights ng Manila.

Biglang lumapit sakin si Caleb.

"Ito una nating kanta." Ngisi niya sakin

Tinignan ko ang papel at napailing.

Summertime Sadness?

"Panimula lang naman yan. Yung susunod ay yung mga requests nila." Ngiti ni Leo sa akin.

Tumango ako at sa gilid ng aking mata ay seryoso ang titig ni Seb sa akin. Nang binalingan ko siya ay umiwas ako ng tingin.

Kumunot ang noo ko. How weird.

Pumatak na ng alas dyes. Umakyat sa stage si Linzy.

"Excuse me, ganda" ngiti niya at kinuha ang mic na nasa harapan ko.

"Good evening everyone! Welcome to our first Thursday chill night! We're going to start now so.. Enjoy the night!!" Ngiti niya at pumalakpak ang lahat. Bumaba na sa stage si Linzy at kinindatan ako.

Yung iba ay umupo at ang iba ay nanatiling nakatayo. Medyo tumahimik habang nag iinuman yung iba.

"So, the first song for tonight is Summertime Sadness" ngiti ni Seb sa mga tao.

Naghiyawan ang babae kay Seb

"Gwapo mo Seb! I love you!" Sigaw ng isang babae sa gilid na halos lasing na.

Nahagip ng mata ko ang pag irap ni Verlaine malapit doon sa babae. Wala na yung kasama niyang lalaki?

Tumikhim si Leo sa gilid ko.

At nagsimula na akong kumanta.

Nagustuhan ng crowd ang unang performance kaya sunod sunod ang request ng mga kanta. Nahiya naman ako ng hindi ko alam ang iilan dito.

Tulad ng gusto nila, chill nga ang nangyare. Dumami pa lalo ang tao.

Madalas ang mga kanta nila kung hindi pang inlove ay pang sawi.

Alam na alam ko halos yung pang sawi. Hay Aubrey.

"This is the last song we'll sing for tonight! So we'll see ya'll again tomorrow night!?" Ani Leo.

Agad na naghiyawan ang mga babae.

Sa maliit na papel ay nakasulat

Piece of you
-ACDF

Ngumuso ako ng nag start ang intro

Last HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon