12

9 0 0
                                    

"Aubrey" sambit ni Chase

Bumuntong hininga ako. Pinilit ko sarili kong ngumiti sakanya at tinignan siya ng diretso.

Ang laki ng pinagbago niya pero halos wala din nag bago. Pwede ba yun?

Naka suot siya ng suit & tie na black. Tumangkad siya lalo at lalong nagkaroon ng mas magandang build ang katawan niya. Ang buhok niya ay malinis ang gupit at ang ayos. Ang mga mata niya na tulad noon na sobrang expressive na nakakatunaw bawat sulyap at tingin.

Umiwas ako ng tingin sakanya. Kapag tumitig pa ako sakanya ay baka malusaw na ako jusko po.

"You got yourself a boyfriend huh?" Aniya sa sarkastikong tono.

Napairap ako sa sinabi niya. "Eh pakielam mo?" Pagkabaling ko sakanya ay nakakunot noo na siya sakin at nakahalukipkip. Napa tikhim ako at matapang na sinabi "Eh kung boyfriend ko? Pake mo ba?"

Umigting ang panga ni Chase. Ang mga mata niya ay seryoso at malamig na nakatitig sakin.

Bawat tagal ng titig niya sakin ay parang natutunaw ang aking mga tuhod. Pero pinakita ko parin sa kanya na matapang na ako. Na hindi na ako yung Aubrey na nakilala niya noon na mahina at tumitiklop.

"Fuck it." Aniya at mabilis na nagmartsa paalis.

Napaawang ang bibig ko sa inasta niya. Umiling ako sa aking sarili at umalis narin at pumunta sa kotse ni Chris.

Nakita ko si Chris na naglalagay ng mga gamit sa likod ng sasakyan niya.

"Kailangan mo ng tulong?" Hinawakan ko yung tripod niya at inambang ipapasok sa likod ngunit kinuha na ni Chris.

Tinitigan niya ako ng seryoso ng nakakunot noo. Tumikhim siya bago nagsalita

"Ano nangyare doon?"

Nag taas ako ng kilay sakanya. Nagtataka kung ano ang tinutukoy niya sa pagka wala ko sa sarili nung shoot or yung pag usap namin ni Chase?

"Ano?" Sabi ko ng nalilito

Umiling siya at nagpatuloy sa paglagay ng mga gamit niya sa likod.

"Sige na pumasok ka na doon."

"Sure ka-"

"Oo naman Aubrey! Kaya ko na to!" Ngumiti siya sakin at agad naman ako pumasok sa sasakyan.

Nang natapos na siya ay sinarado na niya ang likod at pumasok na sa sasakyan niya

"So tuloy tayo mamaya? Sama tayo kela Victor?" Excited na tono nitong si Chris

"Hmm di ko pa alam." Nag aalinlangan ako baka makita ko pa si Chase don masira pa mood ko.

Nakita ko sa aking gilid na naka titig si Chris sakin. Bumaling ako sakanya ng nakataas kilay

Tumawa siya at nag pacute "Please na Aubrey oh! Minsan lang naman eh"

Kinurot niya pisngi ko at ilong ko. Napahalakhak ako at hinampas kamay niya.

"Oo na, oo na!" Sabi ko kaya nagulat siya na napapayag niya ako.

Alam niya kasi na pag ayaw ko na ayaw ko na. Di na ako pinipilit.

Ngumisi siya at pinaandar na ang sasakyan.

Pagkabaling ko sa harap ay agad na nagtama ang tingin ko kay Chase na nasa tapat namin. Nakahalukipkip siya sa kanyang kotse at nakatingin ng malamig sa akin. Agad na kumunot ang noo ko sa gulat

Kita ko din na nakita ni Chris ang paninitig ni Chase samin. Bumaling siya sakin

"Kilala mo ba iyon?" Sabay nguso niya kay Chase.

Last HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon