Simula

37 0 0
                                    

"Aubrey. Gumising ka na dyan." sabi ni mama. ugh. ayoko pa bumangon. ang sakit padin kasi ng lahat. wala pa akong tulog dahil hanggang ngayon naaalala ko ang sinabi ni Bryce.

wala na talaga kami. hindi ko naiwasan na lumuha. ang sakit kasi talaga eh.

"Aubrey, isa!" sigaw ni mama. galit na siya. eh anong magagawa ko sabihin ko sakanya wala na kami ni bryce? tas ano idadahilan ko?! iniwan niya lang ako ng walang dahilan? ay! oo nga. wala naman kasi talaga siya sinabing dahilan. walang rason.

napabuntong hininga ako. at tumayo na ako. naligo narin ako tas bumaba para kumain.

one week before pasukan na lang. mamaya ay mag e-enroll ako.

pagtapos kumain ay umalis agad ako. nakapag enroll na agad ako. kasi wala pang tao sa school. sa San Eliman ako nag aaral. Sikat ito dito samin sa Las Pinas.

Nga pala, ako nga pala si Aubrey Louise Collins. 16 ako. At ngayong pasukan ay magf-fourth year na ako. Si Bryce ay boyfriend ko..ay ex ko na pala. magka-edad kami. bestfriend ko siya simula grade 6 at naging kami nung first year ako.

habang sinasabi ko itong mga ito, bigla ko nalang ulit naala yung sakit. nasa labas na ako ng school at andito ako nakaupo sa mga benches ng soccer field. bigla nalang ako napaluha. yumuko ako at patuloy na umiyak doon.

bakit kaya ako iniwan ni Bryce? bakit ngayon pa? kung kailan malapit na mag pasukan? alam niyang wala akong kaibigan dahil ayaw sa akin ng mga tao.

feeling kasi nila na dahil sa ganda ko, well hindi ako nagmamaganda. kasi ako mismo ay di ko ramdam na maganda ako. pero dahil nga daw sa ganda ko ay masyado daw nakaka deceive tignan.

at minsan na kasi ako na issue dito ng sobra. pero hindi ko iyon pinansin kasi, ang pathetic ng dahilan. inagaw ko daw kasi ang boyfriend ng kaklase ko na si Samantha na isang popular na cheerleader. siya ang cheer captain. at ang boyfriend niya ay isang sikat na basketball player.

Si Andrew Chase Dela Fuente. Gwapo kasi si Andrew at isang beses lang kami nag usap.

*flashback*

third year na ako. hay ang gara naman male-late na ako sa klase. tumakbo ako sa hagdan paakyat nang 4th floor. hingal na hingal na ako pero tumatakbo padin ako.

"hay male-late na ak- AHH" nadulas ako pero nakita kong sinalo ako ni Andew Chase Dela Fuente. Nakahiga ako sa kanya ngayon. naka sandal ang ulo ko sa dibdib niya at hawak niya ang likod ko. mukha pa ngang siya ang nasaktan. tinulungan ko siyang tumayo. hay shet! baka ma-issue ako neto. ayaw na nga sakin ng mga tao baka lalo pang magalit sakin lalo na ang fans club ni andrew.

tumingin tingin ako sa paligid pero walang tao. biglang napahawak si andrew sa ulo niya. shet. onga pala nasaktan siya.

"A-are you okay?" tanong ko. tumango siya kahit na nakikita kong iniinda niya ang sakit.

"Ikaw okay ka lang?" seryoso ang mukha niya at walang kahit anong ekspresyon na nakikita sa mata niya. narealize kong magka-titigan kami. umiwas ako ng tingin at tumango.

teka, anong oras n-SHET! tumakbo ako at iniwan si andrew doon dahil late na ako. pagka pasok ko nagd-discuss na sila. umupo na ako at naisip ko ang mukha ni andrew. okay lang ba siya? tanga ko talaga iniwan ko pa kasi siya doon eh. teka bahala na nga siya. di kami close. may girlfriend siya at may boyfriend ako.

lumabas na kami dahil recess na, nang nasa canteen na ako. nanahimik ang lahat. nilapitan ako ni Samantha Paulino at sinampal. napaawang ang bibig ko at yumuko ako.

"MALANDI KA!" sabay sampal ulit sa kabilang pisngi ko. umiiyak na pala ako.

"BAKIT KA NAKIKIPAGLANDIAN SA BOYFRIEND KO?! MAY KUMUHA NG PICTURE NIYO NAKAPATONG KA SA BOYFRIEND KO AT MAGKATITIGAN PA KAYO! MAY BOYFRIEND KA NA DIBA?! BAKIT SIYA-"

pinutol ko ang sinabi niya "HINDI KO SIYA NILANDI SAMANTHA. NADULAS LANG AKO NON. PWEDE BA TAMA NA!" at umalis na ako. naglakad ako papunta sa soccer field. at doon na ako nagpatuloy ng iyak.

after nung araw na yun instant na nagalit sakin lahat.

*end of flashback

Ayun ang dahilan. Ang saklap no.

Umiiyak padin ako sa bench na parang tanga.

Maya maya dumilat ako. SHET! NAKATULOG BKO DITO?! pagtingin tingin ko sa paligid tinitignan ako ng isang lalaki at tumawa

"Uso na ba matulog dito Aubrey?" oh no. trouble?

Last HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon