15

3 0 0
                                    


Dumating na kami sa condo.

Napatikhim ako. Bumaling agad sakin ang mga pagod na mata ni Chase. Gumapang sakin ang hiya.

"Thank you, uhm.. Andrew" ani ko

Tumango lamang siya at bumaling ulit sa harap.

Binuksan ko na yung pintuan at bumaba. Sinulyapan ko si Chase na tahimik na nakatitig sa harap. Di man lang ako nililingon. Siguro pagod na pagod na nga to.

"Hey, ingat ka sa pag maneho. Tsaka uh, pasensya narin sa abala" kinagat ko labi ko para di na magtuloy ng salita dahil baka maging iritado pa.

Tumango siya ng di talaga ako tinitignan kahit isang beses. Bumuntong hininga ako at sinarado ang pintuan.

Agad akong dumiretso sa condo. Pagkapasok ko ay nasa CR sila Verlaine at Lilly.

Si Verlaine ay nagsusuka sa inidoro at si Lilly ang nasa likod nito at inaalo niya ito ng parang bata. Ngumiwi ako.

Paglakad ko papunta sa kanila ay nahagip ng mata ko ang lalaking nasa kusina ng nakahubad ang tshirt.

Nanlaki ang mata naming dalawa ng nagkatinginan kami.

"Oh Seb? Andito ka pa pala" tumango lamang siya at sumulyap kay Verlaine. Muling nag igting ang panga niya. Pero abot sa mata niya ang pag aalala sa kaibigan ko.

"Gumawa ako ng soup para mahimasmasan siya." Tumango ako pero di ko rin di maiwasan na tignan ang ganda ng hubog ng katawan nito. Ang abs niya na tight at ang pagka lean nito.

Umiwas ako ng tingin sa hiya.

"Nasukahan ako ni Verlaine kaya" nagkibit balikat siya at naintindihan ko naman.

Dumiretso ako sa kusina at kumuha ng baso ng tubig. Pagkatapos ay dumiretso na CR.

Nakapikit na si Verlaine na nakasandal kay Lilly. Ngumiti ng pagod si Lilly sa akin.

"Lainey, uminom ka muna ng tubig oh." Sabi ko ng mahinahon tumango siya at inabot ang tubig. Nilagok niya ito agad.

"Lilly, ako na pagod ka na eh" ani ko

Agad siyang umiling at ngumiti

"Pagod tayong lahat. Okay lang ako Aubrey" parehas namin tinulungang tumayo si Verlaine. Si Seb ay agad lumapit

"Ako na magbabalik sakanya sa kwarto." Aniya sabay buhat kay Verlaine ng pa bride style. Tinitigan namin yung likod ni Seb na nagf flex mga muscles habang buhat si Verlaine papunta sa kwarto nito.

Sabay kami nagkatinginan ni Lilly at tumawa.

"Ano nangyare sa first night mo?" Tanong niya

"Si Chase pala nag scout sakin." Sabay iling ko.

Nanlaki ang mata niya

"Why'd he do that?"

"Same thing i asked him. He answered me with a why not? question" sabay kibit balikat ko.

Pumunta ako sa kusina para kumuha din ng tubig at si Lilly naman ay panay ang tanong tungkol sa mga nangyare ngayon.

"Okay so si Seb ay kasama sa banda. Tapos itong kaibigan natin nalasing at pumunta sa table niyo tapos siya nag hatid dito? Eh ikaw? Sino naghatid sayo?" Taas kilay niyang tanong

"Si Chase" sinabi ko ng parang wala lang sakin

Napa-O ang bibig ni Lilly kaya inirapan ko.

"Wala lang daw yun sakanya. Plus he doesn't care. It was just a friendly gesture." Inirapan niya ako sa sinabi ko

Last HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon