13

9 0 0
                                    



Ang kalasingan ko kanina ay humupa na ng konti. Tinitigan ko siya ng mabuti.

Ang kaniyang mata na puno ng kalungkutan at pagsisiso.

San siya nag sisisi? Na ginamit niya ako?

Na sa dami dami ng tao ako napili niyang saktan at lokohin?

Napailing ako. Ramdam ko ang pangingilid ng luha ko. Tumikhim ako at tumingin sa taas.

Sobrang effort na ng pagpigil ng luha ang ginagawa ko. Nanatili ang titig niya sakin tila hindi niya alam ang susunod na gagawin niya?

Bakit di pa siya umalis?

"Aubrey, hear me out. Please?" Halos magmakaawa siya

Napapikit ako. Ang hirap niyang pakinggan ng ganito siya. Ayokong bumigay agad sakanya. Hindi pwede.

"Wala na dapat tayong pag usapan." May awtoridad na pagsasabi ko.

Namutla si Chase sa aking sinabi. Pinilit kong tignan siya ng hindi man lang natitinag ang maskara ko ng katapangan kahit na sa totoo ay gusto ng bumigay ng tuhod ko.

Tumalikod ako at narinig ko ang pag hakbang ni Chase palapit sa akin. Hinawakan niya ang aking braso.

"Don't" sabi ko sabay hawi ng kaniyang kamay

"Aubrey?"

Namutla ako pagkarinig ko ng boses ni Chris. Agad akong napalunok.

Nakita ko siya na nakatitig sa akin ng malamig at seryoso. Binaling niya ang mata niya sa likod ko kung asan si Chase.

Napapikit ako ng mariin.

Huminga ako ng malalim bago dumiretso kay Chris na seryosong nakatitig parin kay Chase.

Hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya palabas ng rest house ni Vic.

Agad akong pumasok sa kotse niya. Nakita ko ang pag igting ng panga ni Chris at umupo na sa driver's seat.

"It was him." It wasnt even a question. He knows.

Hindi ako umimik. Nanatili ang tingin ko sa labas.

Bumuntong hininga siya at stinart ang kotse. Agad niya ito panaharurot.

Tahimik ako samantalang siya ay tanong ng tanong tungkol kay Chase at sa nangyare. Umiiling na lamang ako.

Pagod na ako. Ayoko na mag explain. Masyadong madaming gumugulo sa utak ko.

Nang nakarating na kami sa condo ay tumikhim siya bago tumingin sa akin at hinawakan ang balikat ko.

Pagod ko siyang nginitian. Bakas ng pag aalala ang kaniyang mukha.

"Thank you, Chris. Mauna na ako sa loob. Paki explain nalang kela Vic and Nads na sumama pakiramdam ko"

Nag aalinlangan siyang tumango. Agad akong bumaba at nag martsa papasok ng condo.

Nang nakapasok ako sa condo eh patay na lahat ng ilaw except sa kwarto ni Verlaine.

Rinig na rinig ko ang hagikhik nung loka!

Umiling ako. Atleast one of us had a great night.

Dumiretso ako sa kwarto at agad humilata sa kama.

Bakit ko pa ba ginawa yun? Sana nanahimik nalang ako.

Paulit ulit sa utak ko ang nangyare kanina. Sa kakaisip ko ay nakatulog nalang ako.

"Aubrey, gising na. Andito si Victor at Nadia" sabi ni Lilly sa malumanay na boses.

Agad akong dumilat at bumangon kahit sobrang sakit ng ulo ko.

Last HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon