16

4 0 0
                                    


"I missed you." Singhap niya

Napailing ako sa sinabi niya

"I hate you." Malamig kong sinabi

Kinain ng hakbang niya ang distansya sa amin dalawa at hinawakan ang bewang ko agad akong napaatras sa ginawa niya

Nagulat siya sa ginawa ko ngunit agad nagbalik ang galit sa mata

"Why are you acting up?!" Sigaw niya sakin

Agad dinaluhan ng kamay ko ang pisngi niya.

Napaawang siya sa ginawa ko

"Ikaw ang nanloko! Hindi ako! Tandaan mo yan!" Sigaw ko

Pinagtitinginan kami ng tao kaya umiling ako sa sarili ko at tumalikod sakanya

Agad niya ako hinatak ng marahas at kinulong sa kaniyang bisig.

Lahat ng dugo ko umakyat sa ulo ko

Nagpumiglas ako sa ginawa niya.

"Bryce nasasaktan ako! Ano ba!" Sigaw ko ng mangiyak ngiyak

Niluwagan niya ng onti ang yakap niya sakin

"Don't give me that shit! You love me!" Singhal niya

"Sa loob ng limang taon Bryce! Hindi kita naisip! Nandidiri ako pag iniisip ko kayo ni Samantha!" Sigaw ko

Nanghina siya kaya naka alis ako sa bisig niya.

Yung mata niya puno ng sakit ay pagsisisi

Di mo na ako madadaan diyan. Iling ko.

Agad bumalik ang emosyon niya sa kaninang galit

"You just want to hurt me! Baka pag ginawa ko to bumalik ka!" Hinawakan ng isang kamay niya ang bewang ko at isa sa may leeg ko na inaalalayan niya para mapalapit ang mukha ko sakanya.

Nagpumiglas ako ngunit hinawakan niya ako ng mas madiin at hinarap sakanya hinahampas ko ang dibdib niya

"Bryce ano ba! Tama na! Please! Bitiwan mo ako!" Mangiyak ngiyak kong sinabi

Unti unti na lumalapit ang mukha niya sakin. Ang kamay niya ay pinipilit akong harapin siya

Nang magkadikit na ang ilong namin ay bumuhos na ang luha ko. Hinang hina na ako lumaban. Alam kong wala na akong magagawa

Pumikit ako dahil sa mga luhang lumalandas sa pisngi ko.

Ng biglang nawala ang hawak ni Bryce sakin at narinig ko ang paghandusay niya ay agad nanlaki ang mata ko.

Napasigaw ako ng nag amba si Chase ng isa pang suntok kay Bryce

Agad kong tinayo si Chase para lumayo doon.

Agad tumayo si Bryce na duguan ang gilid ng labi

"Tangina Andrew?! Diba dapat kasama mo si Samantha?! Akin na siya wala na kayo! Binabawi ko lang!" Sigaw niya ng pa hysterical. Napapikit ako sa sinabi niya yung luhang lumalandas sa pisngi ko'y di mapigilan.

Eto nanaman yung sakit.

Nag igting ang panga ni Chase na nasa tabi ko. Humakbang palapit sa amin si Bryce na nag aamba na suntukin si Chase

Sa takot na mag away pa sila ay agad akong pumagitna at yumakap kay Chase

Ramdam ko ang gulat ni Chase sa ginawa ko.

"Tama na Chase." Hikbi ko

Nakapikit lamang ako habang yakap ang katawan niya.

"Layuan mo siya Aubrey." Marahan at madiin na sinabi ni Bryce.

Last HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon