Chapter 11 *Feelings*

358 10 1
                                    

ANGEL'S POV

Nakatingin ako ng seryoso sa mata ni Yuji nung pagkauwi ko ng bahay niya. Galit ako sa ginawa niya at di ko alam kung bakit niya yun ginawa..

"Bakit ganyan ka?" seryosong sabi ko habang di pa din inaalis yung tingin ko sa kanya

"Ano--" hindi ko na siya pinatapos at nagsalita na ako. Naiinis ako sa boses niya, sa ugali niya at kung paano siya makitungo sa mga kaibigan niya

"Napakademonyo mo! Bakit ang sama sama mo?" galit na sabi ko sa kanya pero seryoso din siyang nakatingin sa akin

"Bakit sino ka ba para pagsabihan ako sa mga gusto kong gawin? Katulong lang naman kita diba?" seryosong sabi niya

Ngumiti ako ng mapait habang nakatingin sa kanya. Napakasama niya...

"Dont worry. Bukas magsisimula na ako sa trabaho ko, at kapag nakaipon na ako; babayaran kita at aalis na ako sa impyernong ito" sabi ko sa kanya at dumiretso sa kwarto ko

Pero kahit sa sobrang galit ko ngayon ay nao-overcome pa din ng kilig na nararamdaman kong pag amin ni Xaell ng nararamdaman niya.

Aaminin ko, gusto ko na siya simula pa lang at alam kong napaka-babaero niya pero bakit niya ako sinabihan ng 'i love you'? At bakit niya ako hinalikan?

---

Kinabukasan, pumasok na ako ng school. Hindi ako sumabay kay Yuji, nagjeep na lang ako papunta ng school.

Pagkadating ko ng school nakita ko si Xaell na madaming babae na nakapalibot sa kanya, pero hindi siya tulad ng dati. Nakatayo lang siya dun na parang may hinihintay. Kita ko din yung pasa sa pisngi niya at mga band aid, dahil siguro sa suntok ni Yuji

Dahil nahihiya naman akong guluhin siya kasama yung mga babae niya ay nagdirediretso na akong maglakad...

Pagkalagpas ko sa kinaroroonan ni Yuji ay may narinig akong malakas na sigaw..

"ANGEL!"

Lumingon ako at nakita ko si Xaell na masayang nakatingin sa akin. Dahan dahan siyang lumapit at ginulo yung buhok ko

"Good morning.." bati ko

"Nagbreakfast ka na ba? Baka di ka pinapakain ng halimaw?" masayang sabi niya

"Ah. Hehe, di pa nga pero okay lang.." nakangiting sabi ko

"Anong okay dun?" bigla niyang hinawakan ang kamay ko tapos hinatak ako "Ayokong malipasan ng gutom yung taong mahal ko"

Parang may kung ano sa puso ko na biglang natuwa, nakatingin lang ako sa likod niya habang hinahatak ako hanggang nakarating kami sa Cafeteria ng school.

Umupo kami sa table na nakareserved lang sa kanila pagtapos ay iniwan niya ako para bumili ng food. Lahat ng tao sa cafeteria nakatingin sa akin, parang sasaksakin nila ako sa mga tingin nila...

"Well, she's one of Xaells toy" rinig kong bulong nung isang babae

Laruan? Babaero si Xaell pero mahal ko siya. Ngumiti na lang ako at hindi pinansin yung mga sinasabi nila. Pakielam ba nila? 

"Oh, Ayan.. Kain ka na" sabi ni Xaell pagkabalik niya sa pwesto namin. may dala siyang tray tapos nilapag sa harap ko yung food..

"UY! Salamat" masayang sabi ko kahit naiilang ako. Eh kasi naman ee, di ko alam yung gagawin ko simula nung sinabihan niya akong mahal niya ako

Sabay kaming kumain ni Xaell, matagal pa naman bago yung first class ko kaya okay lang. Nung natapos na kaming kumain ay nag usap muna kami ni Xaell

Mr. Gangster's First Love *SLOW UPDATE*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon