Chapter 3 *Sleeping Demon*

398 12 0
                                    

ANGEL'S POV

Napatulala ako sa sinabi ni Yuji, pag aaralin niya ako? O_O Agad na siyang bumaba ng hagdan kaya sinundan ko siya, nakaupo siya dun...

"WEEEE!? PAG AARALIN MO AKO?" Natutuwang tanong ko sa kanya

"Tinatanong lang kita kung gusto mong mag aral tsss" inis na sabi niya at ipinikit ulit ang mata niya

Lumapit ako sa kanya at pilit na ginigising siya. Nasa harapan niya ako habang ginigising siya

"Uy! Seryoso.. Pag aaralin mo ako? Kahit yun na lang ibayad mo sa pang-aalila sa akin.. Haha" natutuwang sabi ko pero laking gulat ko ng bigla siyang dumilat, dun ko narealize na sobrang lapit niya sa akin.

Ramdam ko na yung hininga niya sa mukha ko. Bigla akong tumayo at tumalikod sa kanya, ramdam ko kasi yung pamumula ng mukha ko T~T

"Sige, pag aaralin kita. Pero dapat lahat ng ipapagawa ko sayo ay sundin mo. P.A. na kita ngayon" walang ganang sabi niya at tumayo na sa kinauupuan niya at naglakad pataas ng kwarto niya..

"Uhhh.. Oy! Yuji, pwedeng magtanong. Anong pangalan nung lalaki kaninang kasama niyo.. Yung makulit?" tanong ko sa kanya

Humarap naman siya sa akin na mukhang takang taka yung mukha

"Crush mo? Pffftt~ HAHAHAHAHA! Well, his name is Xaell. At ngayon pa lang sasabihin ko na, hindi siya simpleng lalaki." natatawang sabi niya at pumasok na sa kwarto niya

"Anong hindi simpleng lalaki?! E ang simple simple nga ng suot niya ee tapos mukha namang mabait" sabi ko sa sarili ko

Pero agad napalitan ng ngiti yung labi ko, makakapag aral na ako.. Siguro nga sobrang bait ko kaya ako biniyayaan! \(*O*)/

"UWAAAAAAAAAAAA~ MAKAKAPAG ARAL NA AKO" sigaw ko tapos gumulong gulong sa may sofa

YUJI'S POV

"UWAAAAAAAAAAAA~ MAKAKAPAG ARAL NA AKO" rinig ko hanggang dito ang masayang sigaw ni Angel 

=_____________=

Sa totoo lang wala akong pakielam sa kanya! Naiinis ako sa kanya dahil nandito siya sa bahay ko, pero tumawag sa akin kanina si Blade

Ipasok ko daw si Angel sa school nila, sagot na niiya daw yung tuition! DI KO ALAM KUNG BAKIT NIYA NAISIPAN YUN?! Tssss

Sila ang may ari ng school na pinapasukan ko, at libre lang ako dun =_________=

"HOY! *tok* *tok* YUJIIIIIIIIIIII~ WAHHHHHHHHHHH~ BUKSAN MO" biglang kumatok si Angel sa kwarto ko habang sigaw ng sigaw

"ANO BANG PROBLEMA MO?!" inis na sigaw ko sa kanya

"MAY IPISSSSSSSSSSSSSSSSS~ WAHHHHHHHHHHHHHH~ MALAPIT NA SIYA SA AKIN~ ANDYAN   NA~~~~~~~~~~~" malakas na sigaw niya

Dahil naririndi na ako sa boses niya ay agad kong binuksan yung pinto, sisigaw na sana ako ng bigla siyang tumalon sa likuran ko at yakapin ako ng mahigpit

Nakapaikot yung legs niya sa katawan ko at yakap yakap niya ako. =____=

"ANO BA?! LUMAYO KA NGA! HOYYY!" inis na sigaw ko habang pinapaalis siya sa likuran ko

"WAHHHHHHHHHHHHHHHH! YUNG IPIS, GUMAPANG SA KAMAY KO KANINA AHHHHHH" sigaw niya tapos nagulat ako ng bigla niyang kagatin yung tenga ko

"ARAYYYYYYYYYYYYYYYYYY~ ANO BANG PROBLEMA MO?" Galit na sigaw ko at inihagis siya sa kama ko

"Aw.. HOY! SINONG NAGSABI SAYONG IHAGIS AKO?" sigaw niya habang hinihipo yung ulo niya na tumama sa kama

"AKO?! AT SINONG NAGSABING KAGATIN MO TENGA KO?" Inis na sigaw ko habang hinihipo ang tenga ko

Tumingin siya sa akin ng masama, tinignan ko din siya ng masama. Pero biglang nagbago mood niya, ngumiti siya sa akin ng nakakatakot at dahan dahang lumapit sa akin

"H-HOY! Anong problema mo?" sigaw ko pero parang wala siyang napapansin. Dahan dahan pa din siyang lumapit sa akin hanggang sa nasa harap na ko na siya

"Alam mo.. Mas mataray ka pa sa babae, pero kung di mo lang ako papaaralin baka nasapak na kita" sabi niya habang nakangiti ng nakakatakot

"H-hoy! Lumayo ka nga sa akin!" sigaw ko

*Tsup*

"Salamat sa pagpapa-aral ha. Pangarap ko yun ee! GOODNIGHT!" sabi niya at bumaba na ng hagdan

O___________O Nakatulala ako habang nakahawak sa pisngi ko, bakit niya ako hinalikan sa pisngi?

"OYYYY! YUJI, NILAGAY KO PALA YUNG MGA GAMIT KO SA KABILANG KWARTO! PERO OKAY NA AKONG MATULOG DITO SA SOFA" sigaw ni Angel galing sa ibaba

"PWEDE BANG WAG KANG SUMIGAW?! ANG INGAY MO" sigaw ko at pumasok na sa kwarto ko, Tsss! Paano ba nagkaroon ng maingay sa bahay na ito?! 

Agad ko ng ipinikit ang mata ko, pero parang di ako makatulog! BAKIT BA HINDI AKO MAKATULOG?! TSSSS!

Agad muna akong bumaba para kumuha ng tubig pero nagulat ako ng makita ko si Angel habang nakahiga sa sofa, walang kumot at yung unan niya lang ay yung mga pillow na maliliit dun 

"Oy!" lumapit ako sa kanya at niyugyog siya pero hindi pa din siya gumigising imbis ay nagsalita siya habang nakapikit

"HUSTISYA!!!!!" sabi niya tapos wala na ulit =___________=

Tinitigan ko yung mukha niya, Tssss

"Sleeping Demon.." bulong ko sa sarili ko at binuhat siya at inilagay sa kabilang kwarto

****************

Hindi ito puro action, pero meron din namang action sa kalagitnaan ng story ^___^

Mr. Gangster's First Love *SLOW UPDATE*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon