Chapter 8 *Kikiam*

356 9 0
                                    

YUJI'S POV

"Mabuti naman, at ano namang pinakain sayo nung lalaking yun?" tanong ko kay Angel nung makapasok na siya ng bahay

"Fishball.." mahinang sabi niya habang nakatalikod pa din sa akin pero nagulat ako sa sinabi niya.

"FISHBALL?! KUMAIN SIYA NG FISHBALL?" gulat na tanong ko. Imposibleng kumain si Xaell ng fishball, hinding hindi siya kumakain nun simula nung araw na iyon. (HINDI KO MUNA IRIREVEAL! MAWAWALAN NG SUSPENSE YUNG STORY NI XAELL)

Humarap naman sa akin si Angel, may halong pagtataka yung mukha niya. 

"Ano bang meron sa fishball na yan?" tanong niya

"Hindi ka pa namin ganun kilala para sabihin namin yung mga sikreto namin.." 

"GRABE! OUCH HA! OUCH LANG! PWEDE NAMANG SABIHING 'ANGEL, BAWAL SABIHIN. SORRY' KAILANGAN PA TALAGA NG MAHABANG SPEECH?" sabi ni Angel tapos tumalikod sa akin

"Btw, okay ka na ba? Hindi ka na ba mainit?" tanong ko 

"Ok na ako. Sige magpapahinga muna ako" mahinang sabi niya habang nakatalikod pa din sa akin

Tumaas na si Angel at pumasok sa kwarto niya. Agad ko namang nilabas yung phone ko at tinawagan si Xaell...

Ilang ring pa lang ay sumagot na siya

"Xaell.. Asan ka?"

"Yuji..*hik* A-andito ako sa Green Valley..." naririnig ko yung paghikbi niya.

Nasa green Valley siya nngayon, yun yung park na lagi nilang pinupuntahan. Yung park kung saan sila nagkakilala..

"Xaell... Kala ko hihintayin mo siya? Pero kinuwento sa akin ni An--"

"Haha.. Antagal ko ng naghihintay, hindi naman niya sinabing hintayin ko siya pero hanggang ngayon naghihintay ako *hik* Yuji, pagod na akong maghintay sa wala. Alam kong kasalanan ko pero bakit ang sakit? *hik* Sobrang sakit.."

"Pupuntahan ka namin, tatawagan ko si Victoria at Blade. Maghintay ka lang diyan.."

"Wag. Gusto ko munang mapag-isa, mag iisip isip muna ako. Siguro nga ito na ang oras para ilet go ko siya..." rinig kong sabi ni Xaell at ang sunod ko ng narinig ay ang pagputol ng linya

Tinago ko na yung cellphone ko, dahil sobrang tahimik ng bahay ay tumaas ako para icheck si Angel. Wala naman talaga akong pakielam sa kanya pero responsibilidad ko siya kasi nasa bahay ko siya. Kasi baka kapag namatay yan, makulong pa ako =.=

Dahan dahan kong binuksan yung pinto ng kwarto ni Angel at nakita ko siyang nakabalot ng kumot, dahan dahan akong lumapit sa kanya at tinignan kung okay lang siya..

"An--" pagkaalis ko ng kumot ay nakita ko siyang pawis na pawis habang nanginginig

"ANGEL!" napasigaw ako dahil sa kaba agad kong chineck kung mainit siya at nag aapoy na siya sa lagnat

Dahil sa sobrang kaba at di na ako mapakali ay agad ko siyang binuhat kasama yung kumot at dali daling pumunta sa garahe. Binuksan ko yung sasakyan at pinasok siya..

Dali dali din akong pumasok sa loob at mabilis na nagmaneho papunta sa pinakamalapit na ospital. Ilang minuto lang ay nakarating na din kami sa ospital..

Binuhat ko agad si Angel papasok sa ospital, may mga nag-assist sa kanya na nurse. Pinasok si Angel sa isang room at kung ano anong check up ang ginawa..

Naghintay lang ako sa labas, tinawagan ko din si Vic at Blade. Di ko na tinawagan si Xaell kasi alam kong may problema siya..

Wag kayong magreact. Tinawagan ko yung barkada ko kasi naboboring ako, wala akong kausap. Kapag iniwan ko naman si Angel baka may itanong yung doctor e di wala ako =______=

Mr. Gangster's First Love *SLOW UPDATE*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon