Chapter 19 *Sad*

361 12 7
                                    

YUJI'S POV

Nadatnan ko sila habang nakaupo si Angel na umiiyak, kita mo yung pain sa mukha niya. Nakayakap si Xaell kay Ciara at walang reaksyon na mukha ni Blade at Victoria.

Agad kong hinatak si Xaell at sinuntok. Sinuntok ko ng sinuntok yung mukha niya hanggang sa awatin na kami ni Blade at Victoria.

Nakita kong duguan na yung mukha ni Xaell, tumingin ako kay Angel at nakita kong humahagulgol siya sa iyak. 

"SABI KO WAG MONG SASAKTAN SI ANGEL! PERO BAKIT NUNG NAKITA MO SI CIARA AY MABILIS MONG NAKALIMUTAN SI ANGEL?!" at dun nagulat si Xaell at tinignan si Angel. 

Nakita kong naguguluhan yung mukha niya. Dahan dahan akong lumapit kay Angel at inalalayan siyang tumayo, pero tinabig niya yung kamay ko at mag isang tumayo.

Lumapit siya kay Xaell, at nagulat ang lahat sa nangyari. Sinuntok niya si Xaell sa mukha na dahilan para ma-out of balance si Xaell at napadausdos sa sahig.

"FCK YOU!" sigaw niya at tumakbo palabas. Hinabol ko palabas si Angel at nakita ko siyang nakatayo lang sa isang poste, umiiyak.

"A-ang--"

"WHAT?! SASABIHIN MO SA AKIN NA MALI AKO AT TAMA KA?" sigaw niya habang humahagulgol sa iyak.

"Sorry... Di kita naprotektahan" sabi ko at nilapitan siya, yayakapin ko na sana siya pero bigla niyang hinawakan ang mukha ko na ikinagulat ko

"Pwede mo ba akong tulungan? I want revenge.... i want Xaell back" 

Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko, bakit kailangan niyang ipilit yung mga bagay na hindi na pwede. Nandito naman ako...

Pero kahit anong sakit ang nararamdaman ko, mas gusto ko siyang maging masaya. Tanga na kung tanga pero mahal ko siya...

"If thats what you want, i will help you.." mahinang bulong ko pero nagulat ako ng unti unti niyang nilapat yung labi niya sa labi ko hanggang sa natumba siya sa braso ko.

"Hahayaan mo bang maagaw siya ulit ni Xaell sayo? Its your chance Yuji.." may narinig akong nagsalita at nakita ko si Blade habang hinihithit yung sigarilyo niya.

"What do you mean?"

"Instead of helping her, help yourself. Tulungan mo yung sarili mo na mapalapit kay Angel" at tinapon niya yung sigarilyo niya at inapakan, naglakad siya palayo na parang walang nangyari.

Dinala ko si Angel sa bahay ko, nilapag ko siya dun sa kama na dati niyang hinihigaan. Tinignan ko yung mukha niya. 

Ganito pala maka-experience ng love, mahirap. Mas masakit pa sa mga suntok na nakukuha ko sa pakikipaglaban ko, pero masarap.

"Please, love me.." bulong ko kay Angel. Tinawagan ko si Victoria para bihisan si Angel. Nung nandun na si Victoria ay kasama niya si Xaell.

"Anong ginagawa mo dito?" matigas na sabi ko kay Xaell.

"Gusto kong makausap yung girlfriend k--"

"Girlfriend? Owww! Ngayon ko lang nalaman na ang ibig sabihin ng girllfriend ay yung taong iiwan mo sa gitna ng proposal mo para sa ibang babaeng sinabi mong binaon mo na sa limot!"

"YUJI!" sigaw ni Xaell. Nakita kong galit na siya pero nginisian ko siya.

"Subukan mo akong labanan Xaell. Tandaan mo, ako ang leader ng grupo mo at kahit anong gawin mo hawak kita. Pwede kong ireveal yang katauhan mo, at ang kapalit nun? Mamatay lahat ng mahal mo..."

"Subukan mo Yuji.... Papatayin kita"

"Papatayin? Hahahaha Ako ang papatay sayo, layuan mo si Angel"

"No, hindi ko siya lalayuan"

"Oww. Matapang ka? Sige, wag mo siyang layuan pero papatayin ko si Ciara" pagbabanta ko, natahimik siya. Nakita kong namutla siya

"Yuji, asan si Angel? Bibihisan ko na siya" pagbabasag ni Victoria sa nabubuong tensyon

"Nasa kwaryo niya dati" 

Umalis na si Victoria, tinignan ko sa mata si Xaell. Sinenyasan ko siyang sumunod sa akin. Nung nakarating na kami sa garden ng bahay ko ay agad ko siyang sinuntok.

"ALAM MONG PUMAPATAY AKO XAELL. KAYA KONG PATAYIN KAHIT NA SINO, MAS MASAHOL PA AKO SA DEMONYO KAPAG GINALAW YUNG MGA TAONG MAHAL KO KAYA WAG MO AKONG SUSUBUKAN. NAGAWA KO NA DATI, AT KAYA KONG GAWIN NGAYON" sigaw ko

"Aalis na ako..Alagaan mo si Angel" 

"Go on, umalis ka na. Besides, you're not welcome here anymore. Magkita na lang tayo kapag may gang war" sabi ko at pumasok na. Nakita kong pababa na si Victoria.

"Okay na siya. Yuji, pwede ba tayong mag usap?" seryosong sabi ni Victoria. Nagnod lang ako at umupo sa sofa

"I want you to take good care of Angel. Please, hindi natin alam pero alam kong may nagpaplano ng lahat ng ito"

"What do you mean?"

"Paano nalaman ni Ciara na nasa hotel kayo nun? Feeling ko may nagpaplano para sirain ka Yuji"

Ngumiti lang ako at nagthank you kay Victoria. Umuwi na siya at ako naman ang nagbantay kay Angel.

Kinabukasan ay nagluto ako ng noodles para kay Angel pero tulala lang siya.

"Anong gusto mo?" tanong ko

"Samahan mo ako ngayon, kukunin ko yung gamit ko kay Zia at maghahanap ako ng bahay ko"

"You can live here, mag isa lang ako. Malaki yung bahay..."

"Nakakahiya"

"I insist"

Ngumiti siya, pero nakita ko pa din yung pain sa mata niya. Nung natapos na siyang kumain ay pumunta kami sa bahay ni Ciara.

Bukas yung gate kaya pumasok na lang kami, wala tao kaya kinuha na lang ni Angel yung gamit niya pero parang may narinig kaming kumalampag sa kwarto ni Ciara kaya tinignan namin.

Parehas kaming nagulat nii Angel, si Ciara at si Xaell naghahalikan sa kama.

Nakita kong nabitawan ni Angel yung maleta niya, narinig ko din yung pag iyak niya. Tumayo naman si Xaell para lapitan si Angel pero sinampal lang siya ni Angel.

Dahil ayoko ng nakikitang nasasaktan si Angel ay agad ko siyang hinatak at binitbit yung maleta niya, lumabas kami ng bahay ni Ciara. Nakatayo lang siya dun...

Hinihintay ko siya magsalita pero tanging pag iyak niya lang yung naririnig ko. 

"Sasabihin ko na sana yung magic word, sasabihin ko na Yes papakasalan ko siya pero nagulat ako. Kasi panakip butas lang ako sa taong nawala, kaibigan ko pa"

At dun napaupo siya at humagulgol, nawala yung dating Angel na halos mala-anghel ngumiti.

Asan na yung Angel kong masayahin? 

**** 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 18, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mr. Gangster's First Love *SLOW UPDATE*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon