Chapter 13 *Mr. Gangster Falls*

290 7 0
                                    

ANGEL'S POV

Nakaupo lang ako sa kama ng kwarto habang nakatingin sa pader. Hindi ko maintindihan yung sinasabi ni Yuji, naguguluhan ako..

Pero ang mahalaga ay kami na ni Xaell, mahal na mahal ko siya at alam kong tama lang na sinagot ko siya.

"Hayyy! Ganito ba ang pagmamahal? Nakakabaliw" sabi ko at biglang bumukas yung pinto ko at nakita ko si Yuji habang nakatingin ng masama sa akin

Pero di ko pinansin yun dahil napansin ko na nakasuot siya ng leather jacket at may dala siyang helmet. Aalis siya?

"Aalis lang ako" walang ganang sabi niya at sinarado na kaagad yung pinto. Agad namang nagring yung phone ko at sinagot ito

"hel--"

"ANGEL! Wag na wag mong papalabasin si Yuji ng bahay! BANTAYAN MO SIYA!" rinig kong nag aalalang sabi ni Victoria sa kabilang linya

Agad akong kinabahan sa sinabi nito at agad na lumabas para pigilan si Yuji pero narinig ko yung makina ng motor. Agad akong napalabas at ang naabutan ko na lang ay wala! Nakita ko yung motor ni Yuji habang papalayo..

Dahil natataranta ako ay agad kong kinuha yung bike ni Yuji na nakatabi sa gilid at hinabol siya. WAHHHH! Kailangan ko siyang abutan, ano kayanag sinasabi ni Victoria?! May mangyayari bang masama? Bakit ganito ako kinakabahan!

Nakita kong nagstop yung motor ni Yuji dun sa lumang building sa gilid ng school. Agad akong kinabahan dahil ayon sa balita ay puro patayan at labanan daw yung nangyayari sa building na yan

Tinabi ko yung bike ni Yuji at dahan dahang pumasok sa loob. Rinig ko yung pagbagsak at sigaw sa loob nun. Nung nakita ko kung ano yung nangyayari ay nakita ko yung isang lalaki na nakatakip sa mukha habang nakikipaglaban! At di ako nagkakamaling si Yuji yun...

Pinanood ko lang siyang makipaglaban, lahat ng atake sa kanya ay naiiwasan niya. Pero biglang nagkamali siya ng galaw at bigla siyang nacorner. Pinagsusuntok siya at pinagsisipa! WAHHH! ANONG GAGAWIN KO?

Pinanood ko lang yung ginagawa kay Yuji, halong kaba at takot ang nararamdaman ko. Dahan dahan namang nilapit nung kalaban ni Yuji yung kamay niya at akmang aalisin yung maskara na nakatakip sa mukha ni Yuji..

Naalala ko na tago ang identity niya, hindi dapat malaman na iisa si Silent Demon at ang taong nagtatago sa maskara nito..

Kahit takot ay agad akong lumapit dun sa lalaki at tinulak siya. Napatahimik lahat ng tao sa paligid..

"HOY! IKAW! BAKIT KA NANG-AAWAY NG TAO?! KAWAWA NAMAN OH! BINUBUGBOG MO! BAKIT KA GANYAN?!" di ko alam kung anong espirito ang lumapit sa akin at sinigawan ko yung lalaking nakalaban ni Yuji. 

"Hoy Miss! kung gusto mong mabuhay pa, umalis ka na dito" sabi nung lalaki

"EHHH! AYOKO! IBALIK NIYO MUNA YUNG BOYFRIEND KO! KANINA KO PA SIYA HINIHINTAY SA BAHAY, YUN PALA ANDITO LANG!" sigaw ko at hinatak si Yuji

Kita ko yung gulat sa mata ni Yuji, nag-wink lang ako sa kanya at hinatak siya

"Bye Guys, kunin ko lang yung boyfriend ko! Sa susunod ulit!" sabi ko at hinatak na si Yuji palabas ng building

Nung nakalabas na kami ay tinitigan ko siya at nakatingin lang din siya sa akin. 

"Hoy! Ikaw, gusto mo bang mamatay?" sabi ko pero nakatingin lang siya sa akin ng masama

"FCK! ANO YUNG GINAWA MO?! PWEDE KANG MAMATAY SA GINAWA MO KANINA!" sigaw niya

"Ehh. Kasi, naalala ko yung sinabi mo na walang dapat makaalam ng identity mo kaya ginawa ko yun pero dont worry malakas namana ako"

Mr. Gangster's First Love *SLOW UPDATE*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon