Chapter 16 *She's Back*

240 10 1
                                    

YUJI'S POV

Pagkapasok na pagkapasok ni Ciara ay lumabas si Angel. May ngiti sa mga labi niya. Hinawakan ko siya sa braso at nakita ko yung pagkagulat niya.

"G-gaano mo kamahal si Xaell?" nanginginig na tanong ko. Ngumiti siya at umalis sa pagkakahawak ko.

"Mahal na mahal. Di ko kayang mawala siya..." tanging sabi niya. "Sige na Yuji, umuwi ka na. Gagabihin ka pa" nakangiting sabi niya at pumasok na sa loob ng bahay ni Ciara.

Hindi ako dumiretso sa bahay ko, dumiretso ako sa HQ. Nagmamadali kong tinawagan yung barkada ko. Sinabi kong magkita kami sa HQ. Nanginginig ako na nakatingin sa cellphone ko habang hinihintay sila.

Masaya na sila pero bumalik siya. Alam kong gusto ko din 'to dahil mahal ko si Angel, pero ayokong masaktan siya para sa sarili kong kaligayahan.

"Yuji. Bakit mo kami pinapapunta?" bungad ni Victoria pagkapasok nila. Tumingin ako kay Xaell, kita kong nag-aalala siya. Tinignan ko siya na diretso sa mata.

"Mahal mo ba si Angel?" tanong ko kay Xaell. Nawala yung pag aalala sa mukha niya, napalitan ng happiness

Mahal niya nga..

"Oo, mahal na mahal ko siya"

"Paano kung dumating si Ciara?!" naiinis na sabi ko. Nawala yung happiness sa mukha niya, nakita kong bigla siyang nalungkot. Umiwas na lang siya sa tanong ko at umupo sa sofa

"Ano bang problema mo Yuji?!" tanong ni Blade. Mukha siyang nag aalala pero nangingibabaw pa din yung coldness ng aura niya.

Di ko sila pinansin, kinuha ko yung leather jacket ko na nakatago sa HQ pati yung mask ko. Sinuot ko ito at pumunta sa garahe para kunin yung black motorbike ko. Agad ko itong pinaharurot papuntang arena

Gusto kong ilabas yung galit ko. Ayokong may masaktan pero hindi maiiwasan. Alam kong gagawa si Ciara ng paraan para makapaghiganti kay Xaell.

Nung pagdating ko sa arena ay lahat ng mga tao dun ay nagulat. Matagal na din kasi akong di nagpapakita. Naririnig ko yung bulungan sa paligid..

"Nagbalik si Silent Demon."

"Kailangan nating malaman kung sino ang taong nasa likod ng maskarang yan"

Agad kong tinignan yung lalaking nagsalita. Agad akong lumapit sa kanya at hinatak siya sa gitna ng arena.

"Wanna fight? You want to remove this?" sabay turo ko sa maskara na nakatakip sa mukha ko "Then kill me"

Agad siyang sumugod pero nakatayo lang ako. Susuntukin niya ako pero nahawakan ko yung kamay niya, gulat siyang napatingin sa akin. Di siya makapaniwala, dahil mabilis kong nahawakan yung kamay niya.

"Wag na wag mong subukang alisin yung maskarang 'to kasi mamamatay ka muna" inikot ko yung kamay niya at inihagis siya sa tabi

Ilang minuto lang ng pakikipaglaban ko ay napuno ng dugo ang arena, makikita mo yung mga takot sa mata nila. Binaba ko yung kutsilyong hawak ko galing sa kamay kong puno ng dugo.

Hingal na hingal akong naglakad palabas ng arena, papalabas pa lang ako ay nakita ko yung members ng gang ko at lahat sila ay nakamask.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" cold na sabi ni Blade

"Anong pakielam mo?" sabi ko at binangga sila para makalabas ng arena. May naramdaman akong humawak ng braso at pinwersa akong paharapin. Naramdaman ko na lang yung suntok na tumama sa mukha ko galing kay Victoria

"Anong problema mo?" mahinahong tanong ni Victoria

Tinignan ko lang siya. Nakita kong nag aalala sila sa akin. Pinunasan ko yung dugo na tumulo sa labi ko.

"Knight at BL. Hihintayin ko kayo sa HQ, at ikaw naman Black umuwi ka na" mahinahong sabi ko at lumabas ng arena. Pinaharurot ko ang motor ko pabalik ng HQ.

Naupo ako dun habang hinihintay si Victoria at Blade. Kaya ganun ang tawag ko sa kanila ay dahil yun ang code name nila, bawal sila mabisto kung hindi mamamatay ang pamilya nila.

"Anong gusto mong pag usapan?" tanong ni Blade at naupo sa harapan ko. Umiinom siya ng alak, simula pa lang ay cold na siya. 

"Alam naming may problema ka. Tungkol ba 'to kay Angel?" tanong naman ni Vic habang nagsasalin ng wine sa glass niya

"She's back. Ciara is back. Ang she's going to destroy everything. Sasaktan niya si Angel" narinig ko ang pagkabasag ng baso ni Vic

Tumingin siya sa akin habang gulat na gulat yung mukha pero nakita ko si Blade habang nakangisi.

"Totally interesting" mahinang sabi niya

****

Mr. Gangster's First Love *SLOW UPDATE*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon