Chapter 1: *Meeting the Crazy Angel*

900 24 4
                                    

Sana magustuhan niyo yung story kong ito, about po ito kay Yuji na character sa AOTU book 2. Hindi po ako magdi-depend sa story na yun. Hindi po ito book 4 :)

KAMSAHAMNIDA :)

*****

"Hoy! Yuji, pupunta ba tayo ng Arena?" sigaw sa akin ng ka-gang ko. Tumingin lang ako sa kanya, agad din akong umiwas ng tingin at umalis kung nasaan sila.

Nandito kami ngayon sa HQ ng gang namin, kakatapos lang namin sa unang laban namin at andito kami para magpahinga..

Ako si  Yuji Kagawa, ako ang leader ng gang namin na tinatawag na Bloody Angel Gang. Kami ang gang na kinatatakutan sa buong gang world, masyado daw kasing masikreto ang gang namin, walang nakakaalam kung ano ang tunay na pangalan namin..

Tanging code name lang ang alam ng ibang tao sa amin. Apat kami sa grupo...

Ako ang tinatawag na Silent Demon, my code name states it all.. Slent, hindi ako mahilig makipaghalubilo sa mga tao, tahimik, walang pakielam pero kakabit ng pangalan ko ang Demon, walang awa, i can kill anybody anytime i want. I can kill then in just a snap, kaya ko silang patayin gamit lang ang kamay ko.

Blade Hernandez known as Black Knight. Siya ang pinakamagaling makipagkarera sa amin, walang mapangahas ang gustong lumaban sa kanya sa car racing o kahit na anong bagay na may kinalaban sa racing

Xaell Spencer known as Black Casanova, he can make every girl fall for him in just one smile. Pero kung gaano siya katinik sa babae, mas matinik siya sa pakikipaglaban, he uses his charm para matalo ang mga babaeng kalaban..

At ang pinakahuli sa amin ay si Victoria Sharpei Funtabella ang tinatawag na Bloody Lady. She can kill you in just a snap, She can make you look desperate sa bawat suntok niya..

Thats my gang members at kami ang pinakamasikreto pero nakakatakot na kalaban sa gang world...

"Hey.. Bakit nag-walk out ka nanaman?" sabi Blade, sumunod siya sa akin palabas ng HQ

"What new? I hate socializing.. Tsk.. Sayang lang sa oras yan" walang emosyon kong sabi. Sumakay ako sa motor ko na nakapark lang sa labas ng HQ at pinaharurot ito

Pinaharurot ko pa ng mas mabilis yung motor pero laking gulat ko ng may babaeng tumawid sa kalsada, mabuti na lang ay agad kong pinreno ang motor...

"WAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH~~~~" sigaw ng babae habang nakatakip sa buong katawan niya. Tinignan ko siya ng masama, paharang harang kasi sa daanan..

"Ano ba?! Gusto mo bang magpakamatay?!" inis na sigaw ko

"Ayaw pa naman! IKAW BA?! Gusto mo nang magpakamatay?! Ang bilis mong magpatakbo ng sasakyan" sabi niya. Dun ko napansin na may mga dala siyang bag at mga maleta..

"Tsk. Siguro naglayas ka sa inyo no?" sabi ko. Nakita kong nalungkot yung mukha niya..

"Haist~ Oo, pinalayas ako sa tinitirahan kong bahay. Hindi kasi ako nakabayad ng rent hehe.. Oy, patira naman sa bahay mo.. Gawin mo akong maid o kahit ano basta patira lang" sabi niya

Nagulat ako sa inasta niya kasi hindi ko naman siya kilala at naiirita ako sa kanya -.- 

"Close tayo? Tsk Bahala ka diyan" sabi ko tapos umangkas na sa motor ko pero bigla niyang nilabas yung phone niya at pinicturan yung plaka ng motor ko

"Pag di mo ako pinatira magsusumbong ako sa pulis na hinit and run mo ako.." sabi niya

Napatulala na lang ako sa kanya, nang-blackmail pa tsk. 

"Hindi mo ba ako kilala?" naiinis na sabi ko

"Sino ka ba? Sikat ka ba? Artista?" nang aasar na sabi niya 

Mr. Gangster's First Love *SLOW UPDATE*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon