Chapter 17 *Plan*

243 8 2
                                    

ANGEL'S POV

Naupo ako sa kama ko habang nakatingin sa kawalan. Ano kayang problema nun ni Yuji? Bakit ganon na lang siya makatanong kung gaano ko kamahal si Xaell.

Habang nakatulala ako ay nagring ang phone ko at agad ko naman 'tong sinagot.

"Hi Angel" boses ni Xaell. Boses niya pa lang kinikilig na ako, paano kaya kapag kaharap ko na siya?

"Xaell, bakit ka napatawag." pasimple akong napangiti. Ang saya pa lang magka-boyfriend. 

"Wala lang, namiss ko boses mo. Mahal na mahal kita"

"Mahal din ki---" Napatigil ako ng may biglang nagbukas ng pinto at nakita ko si Zia.

"Hi Ang--Ow, may kausap ka?" tanong niya habang nakangiti.

"Ah. Oo, pero okay lang. May kailangan ka ba?" 

"Wala naman, gusto lang kita kausapin haha. Pakilala mo naman ako sa kausap mo, boyfriend mo ba?" tanong niya habang nagtaas baba ang kilay

Namula na lang ako at nagnod. Bakit ko itatago na kami na ni Xaell? Wala namang masama ee. Mahal ko siya at alam kong mahal niya din ako.

"Ah. Sige" sabi ko at niloud speaker ko yung phone ko.

"Xaell, gusto ka daw makilala ni Zia." sabi ko

"Hi Xaell. Ako si Zia, kaibigan ni Angel." pero wala akong narinig na sagot sa kabilang linya.

"Xaell. Nandyan ka pa ba?" tanong ko

"A-ah. S-sorry, sige na Angel. Tatawagan na lang kita sa susunod. M-may gagawin pa ako. Love you" at binaba na niya yung phone

Ano kayang problema nun? Tinignan ko na lang si Zia na may painful expression sa mukha niya. Tatanungin ko sana siya kung bakit pero bigla siyang nagsalita.

"Maswerte ka, di ka niloko" sabi niya at naglakad palabas ng kwarto. Natulala naman ako sa sinabi niya, bakit ganito yung mga tao ngayon? Ang lalaki ng problema nila.

Nahiga na lang ako at pinikit ang mata ko pero biglang sumagi sa isip ko yung araw na namatay yung parents ko. Yung araw na halos kamuhian ko ang buong mundo.

Simula nun, nangako akong hahanapin ko yung lalaking pumatay sa parents ko. Kahit di ko man siya nakita, hahanapin ko siya. At di ako titigil hanggang di ako nakakaganti

Kinabukasan, pagkapasok ko ay nakita ko si Yuji na naglalakad mag isa. Nakasabit yung isang strap ng bag niya sa shoulders niya. Agad akong lumapit sa kanya...

"Hi Yuji!" sabi ko. Narinig ko nanaman yung mga bulungan, bulungan tungkol sa paghindi ko pagtawag kay Yuji ng Master.

"Angel" tanging sabi niya at ngumiti ng matipid. Nakita kong may cut siya sa labi at pasa sa pisngi. Nakikipaglaban nanaman ba siya?

"Bakit may sugat yang mukha mo? Nakikipag away ka nanaman no?" tanong ko sa kanya. Hahawakan ko sana yung sugat niya sa labi pero pinigilan niya yung kamay ko.

Tinignan niya ako ng mariin, nilapit niya yung mukha niya sa mukha ko at binulungan ako.

"Hiwalayan mo si Xaell kung ayaw mong masaktan" sabi niya at naglakad palayo. Nakakatakot yung boses niya, parang kailangan mong sundin yung sinasabi niya kasi kung hindi ay parang papatayin ka niya. Pero ibahin niya ako...

"Hindi" sabi ko. Napatigil siya sa paglalakad. Nakatalikod lang siya na parang hinihintay ang sasabihin ko. 

"Hindi ko hihiwalayan si Xaell, mahal ko siya at alam kong di niya ako sasaktan. Papatunayan ko yun sayo Yuji" sabi ko at naglakad na din papalayo.

Bakit ba ang daming gusto kaming paghiwalayin ni Xaell? May problema ba sa relasyon namin. 

Napabuntong hininga na lang ako at pumasok na sa klase ko. Nakita kong nakaupo si Xaell habang nakatulala. Linapitan ko siya at kinamusta

"Xaell, may problema ka ba? Bakit ka tulala?" tanong ko

"A-ah. Wala, namiss lang kita" at bigla niya akong niyakap ng madiin. Habang yakap niya ako ay nakita kong dumaan si Zia sa room namin pero di niya ako nginitian, umalis din siya agad.

Umalis na sa pagkakayakap si Xaell, tinignan niya lang ako sa mukha at nginitian ako.

"Mahal kita" sabi niya. Dumating na yung prof. namin at nagsimula na yung klase pero di ako makafocus. Iniisip ko kung ano yung nangyayari ngayon, parang ang weird ng mga taong nakapaligid sa akin ngayon.

YUJI'S POV

Isa na lang yung paraan para maiwas ko si Angel sa gulo. At kailangan ko si Xaell dito..

Natapos yung buong klase namin ngayong araw at tinawagan ko si Xaell para magkita kami sa likod ng school. Nauna na ako dun at mga ilang minuto ay nakita ko ang padating na si Xaell.

"Anong gusto mong pag usapan?" tanong niya. Di na ako nagpaligoy ligoy pa at sinabi ko na sa kanya ang gusto kong sabihin.

"Pakasalan mo si Angel" kahit masakit yung mga salitang binitiwan ko ay dapat kong tanggapin. Ayokong masaktan si Angel.

"Pero, bata pa kami..."

"PUMUNTA KAYO SA IBANG BANSA NA PWEDE KAYONG IKASAL! KASI KUNG DI MO GAGAWIN YUN, AAGAWIN KO SI ANGEL! SA AYAW O GUSTO MO" 

Natahimik siya ng ilang sandali, tinignan ko siya at nakita kong nakangiti siya.

"Alam mo bang narinig ko yung boses ni Ciara kagabi? At alam mo bang nakalimutan ko si Angel dahil dun?" sabi niya. Agad ko siyang sinuntok.

"Sinabi mong mahal mo si Angel kaya wag mo siyang sasaktan. H-hindi na babalik si Ciara, pakasalan mo si Angel"

"Sige, pero pwede mo ba akong tulungan. Para magpropose sa kanya?" tanong niya

Tinignan ko lang siya. Masakit makita na ikakasal yung babaeng mahal mo sa kaibigan mo na halos naging kapatid mo na. Pero anong magagawa ko? Ayokong masaktan si Angel.

"Ako na ang bahala, tatawagan na lang kita" mahinang sagot ko at naglakad palayo.

"Yuji" tumigil ako ng marinig ko si Xaell. 

"Salamat at pinagkatiwalaan mo ako kay Angel"

"Hindi pa sa ngayon, pero wag mo siyang iiwan kahit anong mangyari. Iba siya sa lahat ng babae Xaell." at umalis na ako

Pumunta ako sa isang kilalang bar malapit sa school, umorder ako ng kung ano anong pwedeng inumin dun hanggang sa malasing ako.

Ayokong maramdaman yung sakit, hindi dapat ako nagkakaganto sa isang babae. Ano nang nangyari sa akin?

**

**

Mr. Gangster's First Love *SLOW UPDATE*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon