Chapter 18 *Proposal*

258 5 3
                                    

YUJI'S POV

Pagewang gewang akong umalis ng bar. Wala akong pakielam sa tao na nababangga ko, ang tanging nasa isip ko lang ay si Angel.

"So, what's up?" may biglang babae sa harap ko. Unti unti kong tinignan kung sino ito, at nakita ko si Ciara. Ibang iba na siya sa dating cold na Ciara na naging kaibigan namin.

"Stop this SH*T!" sigaw ko

"Why would i stop this? This is the best way to get my revenge!" may galit sa tono yung sabi niya. Alam kong nasaktan siya, pero bakit ganito? Bakit dapat niyang saktan yung taong walang laban.

"Bakit kailangan mong saktan si Angel? WALA SIYANG KINALAMAN DITO. INOSENTE SIYA CIARA"

"PERO SINAKTAN NIYO AKO DATI! WALA DIN AKONG ALAM NA NAHUHULOG NA AKO SA PATIBONG NIYO! KAYA WALA AKONG PAKE KUNG INOSENTE SIYA O HINDI! MASASAKTAN SIYA, MASASAKTAN KAYO!" sigaw niya at naglakad palayo

Ngumisi ako, hindi mo na sila masasaktan pagkatapos ng kasal nila. Agad kong kinuha yung phone ko at tinawagan si Blade. Nagpasundo ako dahil di ko na kayang magdrive pauwi. Ilang minuto lang ay nandyan na siya, inalalayan niya ako papasok ng sasakyan niya.

"So, ano ang plano mo? Hindi pa alam ni Xaell na bumalik na si Ciara" tanong ni Blade habang nakaupo ako sa back seat at siya naman ay nagdadrive

"Magpo-propose si Xaell kay Angel at magpapakasal sila bago pa masira ni Ciara ang lahat" biglang pumreno yung sasakyan. Hinarap ako ni Blade. Mukhang di siya makapaniwala

"Hindi pwede! Kala ko mahal mo si Angel?" tanging sabi niya pero di ko siya pinansin

"Yeah. I love her. Very much and im doing this for her. Ngayon lang ako nagkaganito sa babae at ayokong saktan siya dahil madamot ako."

"A-anong gagawin mo? P-paano mo mapapapayag si Angel?"

"I will organize a simple date for two tomorrow at dun magpopropose si Xaell"

"San gaganapin?"

"Sa hotel nila Victoria" tanging sabi ko at nawalan ako ng malay. 

CIARA'S POV

Nandito ako sa kwarto ko, tulala. Hindi maalis sa isip ko yung nakita ko kanina. Yakap ni Xaell si Angel, dati ako ang niyayakap ni Xaell ng mahigpit pero iba na ngayon.

Nagring yung phone ko at agad ko naman itong sinagot. Walang sumasagot sa kabilang linya.

"Hel---"

"Ciara Zia Gomez. How are you?" pamilyar yung boses niya pero di ko malaman kung kanino.

"Sin--"

"Tomorrow, mag-oorganize si Yuji ng simple date for Angel and Xaell. And guess what? Xaell is going to propose to Angel and they will live happily ever after. How 'bout you? Papayag ka bang mangyari yun?"

"Bakit mo sinasabi sa akin 'to?! WHO ARE YOU?"

"Hindi mo na kailangang malaman. Im cold as you. Bukas sa Funtabella Hotel, i'll just send you what time it is"

At biglang nawala ang tao sa kabilang line, binaba na niya. Napatulala ako, papakasalan ni Xaell si Angel?! NO! NEVER! I STILL LOVE XAELL, HE'S MINE.

Agad kong dinial yung number ni Yuji n kinuha ko sa phone ni Angel habang natutulog siya, pero di ito sumasagot.

"I will be your greatest enemy Angel" mahinang bulong ko.

"Xaell is mine. Ako ang papakasalan niya, hindi ikaw"

ANGEL'S POV

Kinabukasan, balik nanaman sa dati. Ganito naman araw araw, papasok ako sa umaga at magtatrabaho ako sa karenderya na pinagtatrabahuan ko sa hapon.

Mr. Gangster's First Love *SLOW UPDATE*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon