Chapter 6 *Troubled*

380 11 1
                                    

ANGEL'S POV

Nakatingin lang ako sa dinadaanan ko habang di alam kung saan dadalhin ng paa ko. Naiinis ako kay Yuji! Ang kapal ng mukha niyang kunin yung first kis ko T^T

Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng paa ko, di ko naman alam kung paano umuwi kina Yuji dahil hinatid lang ako ni Xaell kanina. At kung babalik ako ng school ay maliligaw pa ako dahil di ko na alam kung paano bumalik dun...

At kung bumalik ako baka pagtulungan lang ako ng mga students dun. Ang hirap kaya lumabas dun kanina, parang yung mga tingin nila sa akin parang kakainin nila ako..

Napatingin ako sa paligid ko, magdidilim na.. Hindi pa ako nakakauwi. Tumingin ako sa kalangitan, makikita mo dun yung mga parang spark ng liwanag.

Uulan.. Sabi ko sa sarili ko, siguro maghahanap muna ako ng masisilungan. Naglakad lakad ako hanggang sa nakakita ako ng parang waiting shed. Umupo muna ako dun at hinintay na dumilim na talaga yung kalangitan..

Hindi ako natatakot, sanay na ako sa mga ganito. Yung maiwan mag isa at walang kasama sa buhay..

*sigh*

"NAKAKAINIS KA YUJI! BAKIT PA KITA NAKILALA?! SANA DI NA LANG KITA KINULIT" buong puso kong sinigaw 

*SWOOOSHHH* *BRROOOOG*

"WAHHHHHHHHH" nagulat ako ng biglang kumulog at bumuhos ang napakalakas na ulan

"Tssss.. Kung mamalasin ka nga naman. Bahala na! MAMA! PAPA! KUNIN NIYO NA AKO! AYOKO NA DITO~~" Sigaw ko habang nakatingin sa bumubuhos na ulan

Pero hangin lang yung nagreply sa akin =____________=

YUJI'S POV

Pagkauwi ko ng bahay, tahimik. Pumunta ako sa kusina para tignan kung may nakahanda ng pagkain pero wala...

Asan yung batang isip na Angel na yun? Tumaas ako para magpalit. Nung natapos akong magpalit ay tinignan ko yung kabilang kwarto pero wala dun si Angel..

San nagpunta yun? Agad kong nilabas yung phone ko at tinawagan si Xaell.

"Hel--Honey, sino yan?" rinig ko sa kabilang linya

"Xaell, nandyan ba si Angel?" walang ganang tanong ko

"Wala, di ko siya sinabay umuwi kasi may mga kasama ako..-ANO BA!? MAY KAUSAP AKO!-" 

"Sige ibababa ko na, mukhang busy ka.." sabi ko at binaba na yung cellphone ko

San naman kaya nagpunta yung babaeng yun? Tsss Bahala siya sa buhay niya. Mawala na sana siya..

Dumiretso ako sa kusina at nagluto kung ano man ang pwedeng lutuin, pagtapos ay kumain na ako at iniwan sa lababo yung pinagkainan ko...

Malakas yung ulan ngayon, siguro hindi na makakauwi yung babaeng yun. At wala akong pakielam sa kanya..

Dumiretso na ako sa kwarto ko at nahiga...

ANGEL'S POV

"Brrrrrr..." giniginaw na ako dahil sa lakas ng hangin at sobrang lakas na ng ulan. WAHHH! Gusto ko ng umuwi...

Dahil matigas ang ulo ko ay tumayo na ako at dahan dahang naglakad sa ilalim ng bumubuhos na ulan.. Wala na akong pakielam kung mabasa yung gamit ko Tsss! Gusto ko ng umuwi at lumayas sa pamamahay ng Yuji na yan..

*ACHOOOOOOOOOOO*  *Snifff* *ACHOOOOO*

WAHHH! Sinisipon na ako, binilisan ko pa yung paglalakad ko hanggang sa makarating ako sa park na malapit sa bahay ni Yuji

"WAHHHH! MALAPIT NA AKO *ACHOOOO*" sabi ko habang nirarub yung ilong ko

Naglakad na ako papuntang bahay ni Yuji hanggang sa makarating na nga ako sa harap ng bahay niya. Nakasara na ito, wala talaga siyang pakielam sa mga tao tsss..

YUJI'S POV

*Ding Dong*

Napadilat ako ng mata ng may narinig akong magdoorbell, hindi ko alam pero dali dali akong tumayo sa higaan ko at tumakbo pababa. 

Pagbukas ko ng pintuan nakita ko si Angel sa gate habang basang basa. Agad akong kumuha ng payong at lumabas, binuksan ko yung gate at pinayungan siya..

Ngumitii siya ng matamis sa akin *ACHOOOO*

"ANO BA NAKAKADIRI KA!" sigaw ko ng bumahing siya sa mukha ko pero mas ikinagulat ko ng bigla siyang natumba. Buti na lang at nasalo ko siya..

"HOY! GUMISING KA NGA!" sabi ko habng buhat buhat siya pero kamdam ko yung init ng katawan niya..

Agad ko siyang pinasok sa loob at inihiga sa sofa. Nanginginig siya at singhot pa ng singhot dahil sinisipon siguro. Namumula na din yung ilong niya.

Agad kong nilagay yung kamay ko sa noo niya. Ang taas ng lagnat niya... Tsss... Anong gagawin ko dito? =_________=

TSSS! Agad kong kinuha yung phone ko at dinial yung number ni Victoria, ayokong makita yung katawn ng babaeng ito kung ako pa magpapalit dito..

"Yow..." sabi ni Victoria sa kabilang linya. Halata mo yung boses niya na natutulog na siya

"Vic. Punta ka dito, ASAP.. Nilalagnat si Angel.." sabi ko

"Tsss.. Ge, i'll be there.." sabi ni Victoria. Narinoig ko yung pagputol ng linya. Tinago ko na yung phone ko at tinignan si Angel na nanginginig..

"BAKIT KASI NAGPABASA KA? ISIP BATA KA NA NGA, TANGA KA PA" inis na sigaw ko at dali daling tumakbo pataas para kumuha ng kumot.

Pagbaba ko ay binalot ko si Angel sa kumot pero hindi pa din siya tumitigil sa panginginig. Alam kong kakaiba pero nagsisimula na akong mag-alala..

*beep*

Narinig ko yung pagdating ng sasakyan ni Victoria kaya agad ko siyang pinagbuksan ng gate. Dali dali namang pumasok si Victoria habang nakasuot pa ng pantulog

"Tsss. Kuhaan mo siya ng masusuot niya.." utos ni Victoria. Kahit nakakatapak sa pride ko yung ginawa niyang pag uutos ay kumuha na lang ako ng mga susuotin ni Angel

Kinuha ko na lahat ng kailangan, pati yung.. ano.. yung u-un-derwears >////////////>

Agad kong binigay yun kay Victoria at pumunta muna ng kusina dahil bibiihisan niya si Angel. Ilang minuto ang lumipas ay pinuntahan na ako ni Victoria para sabihing okay na daw si Angel. Umalis na din kaagad si Victoria pagtapos nun..

Tinignan ko naman si Angel habang mahimbing siyang natutulog sa sofa. Tsss. Ano ba itong babaeng ito? Nakakainis!

"Tsss... Pasalamat ka nasa tamang pag iisip ako. Kasi baka dati pa kita napatay.." seryosong sabi ko at tumalikod pero papataas pa lang ako ay narinig kong nagsalita si Angel

"M-m-mama..." mahinang bulong niya kaya napatingin ako sa kanya

Tulog pa din siya pero nagsasalita siya, dahan dahan akong lumapit sa kanya at nakita ko yung patak ng luha sa mata niya

"A-ano bang meron ka? Bakit mo ginugulo ang buhay ko?" mahinang bulong ko habanng hindi inaalis yung tingin sa mukha niya

***

Mr. Gangster's First Love *SLOW UPDATE*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon