Chapter 15

256 6 3
                                    

ANGEL'S POV

Nakaupo ako sa canteen habang nakabusangot yung mukha. Wala kasi si Xaell, may gagawin daw siyang project na ipapasa daw bukas.

Kaya mag isa lang ako ngayon, si Zia naman di ko mahagilap. Bakit nila ako palaging iniiwan? Anong ginawa kong masama sa kanila? 

"Bakit parang pasan mo yung buong mundo dahil sa mukha mo?" napatingala ako at nakita ko si Yuji na may dalang tray

"Pwede maki-share?" nagnod lanng ako. Umupo siya sa harap ko at kumain. Tinitigan ko lang siya at dun ko narealize na may itsura siya, well... Ehem..G-gwapo siya.

"Pwede bang bumalik na lang tayo sa dati? Yung lagi tayong magulo? Mas gusto ko kasi yun kaysa sa ngayon.." mahinang sabi niya. ramdam ko yung sincerity sa mata niya

Lumaki yung mata ko sa narinig ko. SI YUJI NA LEADER NG ISANG GANG NA MUNTIK NG MAKAPATAY NA HALOS KINATATAKUTAN AY HUMIHINGI NG PABOR SA AKIN? Pero bakit ganito, imbis na tumawa ako ay naaawa ako sa kanya.

"I-ikaw ba si Yuji?" tanong ko at hinipo yung noo niya "Wala ka namang lagnat" Biro ko, gusto kong maging masigla yung atmosphere, ayoko ng malungkot

"Ayaw mo? Di wag, mahirap pa naman akong pakiusapan"

"WAH! Ang yabang mo ha. Kala mo kung sino to" sabi ko pero nginitian niya lang ako

"Kapag inaway mo ako, papatayin ka ng mga fans ko hahaha" bulong niya at napatingin ako sa paligid ko. Lahat sila nakatingin sa akin, ngumiti lang ako at tinignan si Yuji ng masama

"tss.. Kaya ko sila noh. Matapang yata ako" sabi ko at umaktong siga. Nginitian niya lang ako habang kumakain siya.

"pero seryoso, bakit ang bait mo?" tanong ko. Tinitigan niya ako, nagtama yung mga mata namin. May kung ano sa puso ko na nagpukpukan. bakit ganito?

"Kasi mahal kita..." mahinang bulong niya at tumayo. Umalis na siya at iniwan niya akong nakatulala... Tulala habang di maintindihan ang tibok ng puso ko.

Pumunta na ako sa next na klase ko at bigla kong nakasalubong si Zia. Ngumiti siya sa akin at nilapitan ako

"Uy, sorry kanina kung hindi ako nakapagpaalam. Kailangan ko kasi talagang pumunta ng CR. Dont worry, sabay tayong uwi mamaya." sabi niya habang nakangiti

Hindi ko alam, pero ang gaan gaan ng loob ko kay Zia. Alam ko namang mabait siya at mukhang di gagawa ng mali. Siguro ako na lang yung masama kung iisipan ko siya ng masama.

"Sige. Thank you talaga ha" nahihiyang sabi ko. Ngumiti siya at nagpaalam na, ako naman ay pumunta sa room ko. Andun na si Yuji pero hindi ko makita si Xaell. Hindi kaya nagcutting siya? Hala, masama yun 

"Yuji, nakita mo si Xaell?" tanong ko kay Yuji at umupo sa tabi niya

"Baka late lang yun" walang ganang sagot siya at humiga sa table niya at nagsimulang matulog. Ang mahal mahal ng bayad sa school na 'to tapos matutulog lang siya?

"HOY! GUMISING KA NGA!" sigaw ko kay Yuji, nagulat naman siya at muntik ng malaglag sa upuan niya. Tumingin siya ng masama sa akin at tinarayan ko naman siya

"ANO NANAMAN ANG PROBLEMA MO?" galit na sabi niya. Kita mo yung pagkainis sa mukha niya, mukhang puyat nga siya pero oras kaya ng klase

"BAKIT KA NATUTULOG?! MAY KLASE TAYO TAPOS NATUTULOG KA LANG?! MAG ARAL KA NGA!" sabi ko at kinuha yung bag niya. Naramdaman kong magaan to, parang bulak lang yata ang laman nito ee =____=

Binuksan ko yung bag niya at tumambad sa akin yung isang pirasong ballpen at yellow paper na lukot lukot pa.

"Estudyante ka ba? tsss. Mag aral ka nga" sabi ko at nilagay sa harap niya yung ballpen at paper. Nakita kong naging smooth yung expression ng mukha niya. Nawala yung pagkainis niya, nagtitigan lang kami ng ilang minuto. 

"ANGEL" napaiwas ako ng tingin ng may marinig akong pamilyar na boses at nakita ko si Xaell na palapit sa amin.

"Xaell... Kala ko magca-cutting ka hehe" sabi ko pero di maalis sa isip ko yung mga mata ni Yuji. Yung mata niyang nakatingin sa akin kanina....

Nagtuloy tuloy ang klase, nagkulitan kami ni Xaell at naging tahimik si Yuji. Datii naman siya ang kakulitan ko at halos magalit na sa amin yung prof dahil sa sobrang kulit namin pero ngayon... parang iniiwasan niya ako sa tuwing nandyan si Xaell

Natapos ang klase, nagpaalam si Xaell na may gagawin pa daw siya kaya sinabi kong okay lang na wag na niya akong ihatid tutal ay sabay naman kami ni Zia

"Uh. Angel.." lumingon ako nung narinig ko yung pagtawag ni Yuji sa akin

"Oh? Wag mo sabihing stalker kita? Hahahha" 

"Gusto mong ihatid kita?" nahihiyang sabi niya. Ngumiti naman ako at inakbayan siya at nakinig ko ang mga di makapaniwalang boses ng mga tao sa paligid namin. Anong akala nila, sasantohin ko tong Yuji na to? ahhahaa

"Hmm. May kasabay kasi ako pero gusto mo pakilala kita sa kanya? Para naman magkagirlfriend ka na hahaha"

"Kung magkakagirlfriend ako gusto ko, ikaw lang..." mahina yung pagkakasabi niya pero rinig na rinig ko. Iniwasan ko na lang yung topic at kinaladkad siya sa parking kung saan nakapark yung sasakyan ni Zia

Wala pa si Zia nun kaya nagkwentuhan muna kami. Nung mga nakaraang buwan na kasama ko si Yuji halos magpatayan kami pero ngayon close na kami sana magtuliy tuloy to.

"Angel!" may narinig akong sigaw mula sa likuran namin. Lumingon ako at nakita ko si Zia habang nakangiti ng malapad.

"Sino yang kasama mo?" tanong niya

"Ah. Si Yuji, kaibigan ko" sabi ko. Nakita kong nagbago yung expression niya, mula sa pagiging masaya napalitan ng pagkainis at pagkagulat pero bigla siyang ngumisi.

"Oh. Hi Yuji" sabi ni Angel, bigla namang lumingon si Yuji kay Angel.

"Yow---Cia---"

"Nice meeting you" sabi ulit ni Zia. yung mukha ni Yuji mukhang nakakita ng multo. Agad ko namang siniko si Yuji. Type niya yata ahahaha

"A-a-an-angel. M-ma-mauuna na ako" nauutal na sabi ni Yuji

"Ow. Wag muna, punta ka muna sa bahay ko. Para alam mo kung saan nakatira si Angel" nakangising sabi ni Zia

Pumasok na kami ng sasakyan at nagdrive na si Zia. Pagdating namin ay nauna akong pumasok ng bahay, gusto ko sila bigyan ng time. Ito na ang chance ni Yuji maging isang anghel

YUJI'S POV

Pagkapasok ni Angel ay agad kong hinatak si Ciara sa braso papunta sa gilid.

"CIARA! BAKIT NGAYON KA LANG NAGPAKITA?! B-BAKIT!? UMALIS KA NA! MAY ISANG INOSENTE KANG TAO NA MASASAKTAN" sigaw ko pero ngumisi siya inalis niya ang pagkakahawak ko sa braso niya

"NO! Papahirapan ko si Xaell..." at nakita ko yung mata niya. Umiiyak siya

"Ciara. Please. Stop this"

"Sorry Yuji, pero mas mabuti na din 'to. Diba may gusto ka kay Angel?"

"OO PERO AYOKO SIYANG MASAKTAN"

"May taong masasaktan.. sa ayaw o gusto mo" sabi niya at pumasok na sa bahay niya at naiwan akong naguguluhan. Anong pipiliin ko? 

Ang masaktan siya o ang maging masaya ako?

Mr. Gangster's First Love *SLOW UPDATE*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon