Chapter 12 *True Feelings*

300 9 4
                                    

ANGELS'S POV

Nung natapos na ako sa trabaho ko ay agad na akong umuwi sa bahay ni Yuji, pagtapos niya kasing kumain sa karinderya ay umuwi na siya kaagad..

Dahil sa pagod sa trabaho ay dumiretso na ako sa kwarto ko at nagpalit na lang ng damit, kumain na din naman kasi ako sa karinderya nila manang kaya okay na ako.

Pero habang nakahiga na ako sa kama ko ay may naramdaman akong kung anong gumagalaw sa ilalim ng kumot, dahan dahan kong inalis yung kumot at gulat na napasigaw

"WAHHHHHHHHHHHHHHHHHHH! WAHHHHHHHHHHHH! TULONG! TULONG! WAHHHHHHHHHHHHH!" sigaw ko

Agad kong kinuha yung hanger na nakasabit sa pintuan at hinagis dun sa daga na tumakbo pababa ng kama ko..

Di ko na alam kung san ito nagpunta, at dahil baka meron pang ibang daga sa loob ng kwarto ko ay agad akong lumabas ng kwarto at tumakbo sa kwarto ni Yuji

YUJI'S POV

Rinig ko yung tili ni Angel sa kabilang kwarto, napatakip ako ng bibig upang pigilan yung tawa ko. Well, bagay lang sa kanya yan. Ilang beses niya akong binwisit kaninang umaga...

"Hahaha---" napatigil ako sa pagtawa ko ng biglang bumukas yung pinto ko at nakita ko yung naluluhang mukha ni Angel

Agad siyang tumakbo palapit sa akin, nagulat ako sa ginawa niya. Agad niya akong niyakap tapos ramdam ko yung bilis ng tibok ng puso niya...

Ganon ko ba siya natakot? Hindi ako makakilos sa ginawa niya. Para lang akong istatwa sa kinatatayuan ko.

"Y-yuji! M-m-may malaking daga sa kwarto ko huhuhu! ASDFGHJKL! PATAYIN MO YUNG DAGA" nanginginig na sabi niya pero hindi niya pa din inaalis yung pagkakayakap niya sa akin

Hindi pa din ako nagsasalita, nakapako yung tingin ko sa kanya habang nakayakap sa akin. A-ano 'tong nararamdaman ko sa dibdib ko?

Mabilis siyang umalis sa pagkayakap sa akin nung marealize niya yung ginawa niya. Nagkatinginan kami pero agad din namang umiwas ng tingin..

"U-uhh. S-sorry, n-natakot lang kasi ako sa daga sa kwarto ko.." sabi niya

"Pffffffffffff-HAHAHAHAHA" nawala yung awkwardness na bumabalot sa paligid ng maalala ko yung about sa Daga at napahagalpak ako ng tawa

"Bakit ka tuma--WAHHH! DONT TELL ME NA IKAW ANG NAGLAGAY NG DAGA DUN?! HA?" gulat na sabi niya

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tumawa na ako ng tumawa! Napahiga pa ako sa ahig ng kwarto ko at nagpagulong gulong sa sobrang pagtawa

"YAHHHHHHHHHH! ANG SAMA MO! DEMONYO!" sigaw niya at pumatong sa akin at pinaghahampas ako at pinagsasabunutan

"Wait! Ouch-Hey! OUCH! ANGEL! AW! Ouch! Wait ouch! Let me-ouch-explain! aw--"

Napatigil kaming parehas ng biglang bumukas yung pinto ng kwarto ko. At nakita namin si Xaell habang nakatingin ng masama sa amin...

At ang mas masama pa dun ay ang pangit ng pwesto namin ni Angel, nakapatong siya sa akin at nakalagay yung kamay sa leeg ko...

Agad namang tumayo si Angel at ngumiti kay Xaell na parang walang nangyari.

"N-naistorbo ko yata kayo, sige aalis na ako" sabi niya at sinara ulit yung pinto. Nagkatinginan kami ni Angel at nagglare lang siya sa akin at agad na lumabas ng kwarto ko para habulin si Xaell..

Paglabas ni Angel parang nakaramdam ako ng kawalan.. Bakit? Ano ba 'tong nararamdaman ko para sa kanya?

ANGEL'S POV

Agad kong hinabol si Xaell, ayokong mag isip siya ng masama sa nakita niya. Ngayon pa na alam ko ng parehas kami ng nararamdaman..

"Xaell! Wait" sigaw ko sa kanya nung papasok na siya ng kotse niya, lumingon siya sa akin at nagulat ako sa mukha niya..

Yung mata niya, parang galit na di mo maintindihan. Naba-atras ako, bumilis yung tibok ng puso ko dahil sa itsura niya..

"Minsan lang ako sumeryoso ng babae. Pero bakit ganun? Palaging nababaliwala" sabi niya

"D-di kita maintindihan.." nagsisimula na akong kabahan sa sinasabi ni Xaell

"Nagseselos ako sa inyo ni Yuji.." mahinang bulong niya

May something sa heart ko na parang sobrang saya, di ko maintindihan yung nararamdaman ko. Pero naguguluhan pa din ako...

"H-h-ha?" tanging lumabas sa bibig ko

"MAHAL KITA ANGEL! AT NAGSESELOS AKO KASI LAGI KAYONG MAGKASAMA NI YUJI! MAHAL K--"

"Narinig ko! Hindi ako bingi! Narinig ko na mahal mo ako kaya hindi mo na kailangang ulitin! SA TINGIN MO?! DI DIN KITA MAHAL?" Agad akong napatakip sa bibig ko

ASDFGJKL! Anong sinabi ko? Ramdam ko yung pamumula ng mukha ko. Napalo ko na lang ang bunganga ko. Pero kita ko yung pagglow ng mukha ni Xaell

Ngumiti siya at dahan dahang lumapit sa akin, kita mo sa mata niya yung saya na nararamdaman niya. Napangiti na lang din ako bilang tugon. 

Agad niya akong niyakap at hinarap sa kanya.

"M-mahal mo ako?" sabi niya

"M-mahal kita.." nahihiyang sabi ko habang namumula pa yung pisngi

Dahan dahan naman niyang nilapit yung mukha niya sa mukha ko, ramdam ko yung hininga niya sa mukha ko at ang sunod ko na lang na naramdaman ay yung labi niya na nakalapat sa labi ko..

"So, tayo na?" tanong niya

Nagnod ako bilang tugon, mahal namin ang isa't isa at alam kong dun din kami hahantong. Nagstay muna si Xaell ng ilang oras at tuluyan ng umalis.

Pumasok ako sa bahay at nakita ko si Yuji na tulalang nakaupo sa sala habang may hawak na beer sa can.

"okay k---"

"Casanova siya, mag ingat ka. Hindi lang ikaw ang nag-iisang pinangakuan niya." sabi ni Yuji at tumungo na sa kwarto niya

***

Mr. Gangster's First Love *SLOW UPDATE*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon