Chapter 2

4.3K 194 5
                                        

The Encounter

Frhaze's POV:

Napasimangot ako sa katabi kong gising ng gising sakin. Kitang natutulog ang tao, kainis. Tinanggal ko ang nakataklob na cap saking mukha. At tiningnan ng masama si RJ. Right, kasama ko lang naman ang makulit kong partner.

"F*ck, what's wrong with you?" Yamot kong turan.

"Tsk, kasi naman pardz, sabi ng stewardess malapit na tayong maglanding, gumising ka na ui, baka ewan kita dito." Nakangisi niyang sabi.

"Whatever, Clenton." Ingos ko sa kanya at bumalik ulit sa pagtulog meron pang limang minuto bago mag land ang eroplanong sinasakyan namin sa NAIA.

"Attention all passengers, please fasten your seat belt, we are now landing to Ninoy Aquino International Airport. Welcome to the Philippines, passengers."

Ilang minuto pa naramdaman ko ang pagland ng airplane. Naglabasan na ang lahat, isinuot ko ang cap na hawak ko, it's a black Cap. Hinayaan kong nakalugay ang tuwid na tuwid kong buhok habang inaayos ang sout kong black jacket. I am wearing an all black outfit, nakabukas ang jacket ko kaya kitang kita ang hapit kong black sando, then I am wearing a fitted black pants paired with 3 inches stilleto.

"Nasa paking lot na ang ducatti mo. Paano kita na lang tayo bukas pardz. I just have something to do." Paalam sakin ni RJ, habang naglalakad na kami palabas ng airport. I don't have too much baggage. I am only handling a backpack.

"K." Maikli kong sabi.

"Okay, don't miss me too much, Jhenzen." Nakangisi na nitong sabi.

"Asa ka, Clenton." Nakairap kong sabi bago kami maghiwalay. I walked directly at the parking lot, at nakita ko na ang pinakamamahal kong Ducatti.

"Lady Farinel, here's your key and the address of your condo." Magalang na sabi ng butler na sumalubong sakin. Agad ko itong kinuha at nagpasalamat sa kanya. Then I hit the road, f*ck i missed riding my big bike. Kahit ngayon na lang ulit ako nakapunta dito sa Manila, Philippines, I already memorized the route. Pinag-aralan ko muna bago pa man ako lumipad papunta dito.

I parked my ducatti at the mall. Sa harapan sana ako mag papark pero ang dami namang nagkukumpulang tao doon, at talagang doon pa sila nagkukwentuhan. Pinagtitinginan ang grupong iyon ng mga taong papasok sa mall. Sino namang hindi mapapatingin sa kanila? Talagang agaw pansin ang kaanyuan ng grupo. Okay, I admit, lahat sila magaganda at gwapo. May mga kasama silang bata, mukhang mga anak nila. Bumaba na ako sa ducatti ko at tinanggal ang helmet. Then I put on my cap, naglakad na ako papasok, nadaanan kong muli ang grupo. Bigla akong natigilan noong lalagpasan ko na ang kanilang grupo, I felt something weird. Kakaiba ang boung grupo, meron silang aura na napakalakas. Even though kapag tiningnan mo sila ay para lamang mga normal na tao. Naipilig ko ang ulo ko, I'm overthinking again.

"Pangit, iyong anak mo may sinuntok na lalaki." Bago pa man ako makalayo ay narinig ko pa ang sinabi ng isang babae na nakasalubong ko. "Wahhhh, cousin, dear. Namiss kita." hindi ko nalamang pinansin at tumuloy na ako sa mall. I need to buy my things, personal things, tamad kasi ako magdala ng gamit kapag nagta travel ako. Habang nag-iikot ako sa loob bigla na lamang may humablot sa aking bag.

BETS2: Lost Heiress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon