Chapter 10

4.2K 131 12
                                    

The Empress

Draven's POV:

F*ck, mukhang kumikilos na sila. Palakad lakad ako sa bagong silid na kinuha ko dahil sobrang gulo ng dating silid ni emerald. Natutulog ng muli ang babae at may bagong IV na ulit ito, nagamot na rin ng mga doctor ang sugat nito.

"She's fine, she just need some rest and her wound is not that deep. You don't need to worry, Mr. Kagunuchi." Sabi ng attending doctor. Tumango lang ako sa kanya at lumapit na ako sa hospital bed na hinihigaan ni emerald. Hinawakan ko ang niya at pinisil ito. I look at her face, napakaganda niya pa rin. Hinaplos ko ang kanyang maamong mukha. Bakit ba hindi ako nagsasawang pagmasdan siya? Sana matapos na ang lahat ng problema para makasama ko na siya. Gustong gusto ko ng sabihin ang lahat. I want to tell her the truth but we are in a complicated situation. Hindi dapat kami magkamali kahit isang kilos lang or else everything will fall apart. Hindi ko hahayaang magtagumpay ang mga kalaban.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Row.

"Yow boss, wazzup?" Masiglang bati ng babae.

"Pumunta ka dito sa Larazabal Hospital." Seryoso kong turan.

"Coming boss." Sabi lang niya at pinatay ko na ang phone. Hindi ko na kailangang sabihin kung anong room number, alam ko namang kaya ng hanapin ni Row iyon, ano pa at naging number 1 assassin siya.

Ilang minuto pa ang lumipas ay may kumakatok na sa pinto.

"Come in." Hindi na ako lumingon, alam kong si Row ang dumating.

"Draven, ano na naman bang kailangan mo kay Row?" Naaasar na boses ang naulinigan ko. Tsk, sabi ko na nga ba, sasama siya.

"Hoy, lalaki, wala kang karapatang kwestyunin ang boss ko. At saka bakit ka ba sumama dito? You're f*cking annoying." Mataray namang turan ni Row dito. Napapailing na lamang ako, hanggang kailan ba mag-aaway ang dalawang ito. Napatingin ako kay emerald, mabuti na lamang at mukhang tumalab na talaga ang pampatulog na itinurok dito.

"Pwede ba, babae, hindi kita sinundan, mas nauna pa akong dumating kaysa sayo." Nang-iinis namang turan ni Blake, tama si Blake nga, hindi ko man maintindihan ang android na ito, but something is going on between this two. Walang araw ata na hindi nag-away ang dalawa.

Tumayo na ako at sinalubong silang dalawa na mukhang nakabuo na ng sariling mundo at hindi na napapansin ang paligid.

"Tsk, stop it guys." Napapailing na turan ko, lumingon sila sakin. Mabuti naman.

"Ano ba kasing kailangan mo Draven?" Bagot na tanong ni Blake.

"Sa pagkakaalala ko, hindi ikaw ang kailangan ko, bro. Well, anyway, mabuti na rin na nandito ka." Sabi ko at tiningnan ang hinihigaan ni emerald, sumunod naman ang tingin ng dalawa.

"What the h*ll happened to her?" Sabay pang turan ng dalawa at mabilis na lumapit sa kama.

"Kayo na muna ang bahala sa kanya. I need to talk to the Queen." Turan ko at iniwan na ang dalawa. Alam kong ligtas si emerald sa dalawang iyon. Mabilis ang pagmamaneho ko hanggang sa makarating ako sa Lee-Park Mansion. The guard recognized me immediately, agad akong pumasok sa loob. Nakit ko si Zeon sa kusina at mukhang nagluluto. This mansion is actually an ancestral house, this is the house of Dark Phantom Mafia's former King and Queen, Mr. and Mrs. Stone Lee-Park. Hindi pa man ako nakakalapit kay Zeon ay agad na siyang nagsalita.

BETS2: Lost Heiress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon