The Threat
Draven's POV:
Halos paliparin ko ang sinasakyan ko para lamang makarating ng mabilis sa G.A. Biglang tumunog ang phone ko, I saw the caller, it's Zeon.
"Hello, andyan na ba siya?" Agad kong bungad habang isinusuot ang ear phone. The man take a deep sigh, bigla akong kinabahan. "F*ck, may nangyari ba?"
"You don't need to worry, wala siyang natuklasan. Magaling talaga si Emerald kahit hindi pa ito nakakaalala. Muntikan na niyang mabuksan ang secret passage to the underground, mabuti na lamang at na distract siya ng kambal ko. Tsk, kainis! Bakit ba ako ang nakikipag-usap sayo. Nakakapagod. Just f*cking get your *ss here and punished this little intruder. Sinira mo pa talaga ang quality time naming mag-asawa." Sabi nito at agad siyang pinatayan ng cellphone, napapailing na lamang ako, hindi pa rin talaga siya nagbabago. Tamad pa ring magsalita pero kapag si queen naman ang kaharap bumabait na parang tupa at sobrang daldal. That's love can do, I guess.
Nakarating ako sa G.A. Agad akong sinalubong ni Xander. Nabanggit ko bang part time professor ang lalaking ito dito? Kung hindi man, ayan nabanggit ko na.
"Bro, you should have seen her doing some miracles, hahaha. Wala pa ring kupas ang Emerald mo. Matinik pa rin." Nakangising turan nito, he just looked at him blankly.
"Nasaan siya?" Tipid kong tanong. Inakbayan niya ako habang naglalakad kami.
"Nasa kindergarten ward, doon dinala ng kambal. Tsk, naalala ko, ngayon pala ang shifting namin ni witch girl. Sige bro, ikaw na ang bahala sa girlfriend mo. Malaki ka na, kaya mo na iyan." At nagmamadali na itong umalis, napamaang na lamang ako sa ikinilos nito. Kailan pa ba ito tumupad nang usapan at parang takot na hindi siya makasipot sa usapan ng kung sino mang katagpo nito. There's something going on with him, oh well, I should not care about him right now, may unfinished business pa ako na dapat pagtuunan ng pansin. Agad akong nakarating sa K.W. Ang paboritong lungga ng kambal ni Zeon.
Agad ko silang nakita, she's smiling with the twin, mukhang agad niyang nakagaanan ng loob ang dalawa.
"What the hell are you doing here Ms. Jhenzen?" I interupted, nakita kong nanigas ito at unti unting lumingon sa kanya.
"B-boss." Sambit nito na nanlalaki ang mga mata.
"Uulitin ko, anong ginagawa mo dito sa school?" Malamig kong tanong. Kumurap muna ito bago nagsalita at halatang nag-isip ito ng malalim sa dapat na isasagot.
"Ahm, b-boss, napadaan lang po ako dito. Pumasok na rin po ako kasi baka sakaling nandito rin kayo?" Hindi siguradong turan nito na nakakiming ngiti. Nangunot ang noo ko, I just need to pretend na wala akong alam sa binabalak niya.
"Eh, bakit umakyat ka pa ng pader, you could just pass through the gate?" Mataman pa rin niya itong tiningnan. She swallowed first and smile at him lightly.
"Ahm, you know kasi sir, baka hindi ako papasukin noong guard kasi hindi naman ako mukhang student. Yeah, ganoon nga." Nakangiti nitong palusot. Napapailing na lamang ako at lumapit sa kambal na kasalukuyang nagmamasid lamang sa kanila.
![](https://img.wattpad.com/cover/55468244-288-k26116.jpg)
BINABASA MO ANG
BETS2: Lost Heiress
Action"I don't know who i am, i don't have any memories from the past, but the only thing i know, is i am born to put bad people in jail. I am Farinel Rhaze Jhenzen, the bloody eyed undercover princess." -Frhaze He...